LITO'S POV...
No choice akong samahan ang babaeng ito. Wala eh, ako naman yung asawa nya eh.
"Sino po yung ama ng babies at asawa ng pasyente?" Tanong naman ni Doc.
Bigla naman akong tinuro ng bayaw ko.
"Ito po doc." Sabi naman ni AA.
"Hah? Opo ako po. Bakit po?" Tanong ko naman kay doc.
"Ano kasi, sir yung asawa nyo po need nya mag bed rest. Dahil yung isang baby ay mahina yung kapit. Maaring pag nailabas sya. Ilang oras lang din ang buhay nya." Sambit naman ni doc.
Tumingin naman ako sa bayaw ko. Tumango naman sya, kasi alam nyang ayaw ko makasama ang asawa ko.
"Eh doc, paano yun? Hindi ko kasi kasama sa bahay ang asawa ko." sabi ko naman. Tyaka lumapit kay doc para mabulungan sya. "Hindi po kasi ako yung ama ng pinag bu buntis ng asawa ko eh. Sana po hindi makarating sa publiko." Bulong ko pa kay Doc.
Tumango naman sya sa akin.
"Sir no worries, hindi naman kami nag eexpose ng mga information ng pasyente." Sabi naman ni doc sa akin.
"Sige po doc, salamat po." Sabi ko naman sa kanya.
"Sige po, may asikasuhin lang po akong iba pasyente ko po. Mapupuntahan nyo na po si ma'am sa ward nya po." Sabi naman ni doc.
"Sige po." Sabi ko naman.
Pumasok naman na kami ni AA doon sa ward ng asawa ko.
Alam kong galit na galit pa ako sa asawa ko.
Pero concerned at naaawa pa rin ako sa kanya.
"Maiwan ko muna kayong mag asawa? Para maka bili ng pagkain. " Tanong pa ni AA.
"sige sige, para mapag usapan namin yung tungkol dito." Sabi ko naman.
"Oo sige sige, sana maging ok na kayo ano?" Sabi naman nya sa akin.
Umiling na lang ako para sa sagot ko sa kanya.
"Hindi ko pa talaga kaya, ang concerned ko lang is yung health nya. Dahil kailangan na kumapit yung anak nya kay Noli. Hindi ko rin naman mapapatawad ang sarili ko. Pag may mangyaring masama sa anak nila." Sabi ko naman.
"Alam ko bayaw, sige na alis na ako." Sabi naman nya.
"Sige bayaw, ako na bahala na sa kapatid mo." Sabi ko naman.
Tumango naman na sya. Tyaka lumabas ng ward ni Loren.
Lumapit pa ako sa kanya.
"Pasensya ka na kung galit pa ako, ganun talaga eh. Galit ako kasi nag taksil ka, kasi sa dinami rami ng kakabitin sya pa." sabi ko naman.
"hmm."
"Shh, anong masakit? Nandito lang ako." Sabi ko naman.
"Yung baby ko?" Sabi naman nya. Tyaka dinilat mga mata nya.
"Nandito sya, buhay ang babies nyo. Oo nga pala, bed rest ka sabihin mo sa kabit mo. Para hindi sya mag alala at hindi ka nya pag buhatan ng kamay. Wag na wag ka nya stressin. Baka mapatay ko talaga sya. Sige na mamaya nandito yung mga kapatid mo. Para maka alis na kami ng mga bata." Sabi ko naman sa kanya.
Naluluha naman na ako, habang nakikita syang lumuluha.
Ayaw ko na lang sta titigan. Baka kung ano pa mangyari.
Umiwas at dumistansya naman ako sa kanya.
Hinawakan pa nya yung isang braso ko.
LOREN'S POV..
"Ga? Balik na tayo sa dati. Yung dating tayo. Yung lagi tayong magka sama." Sabi ko naman sa kanya.
Habang magka titigan kaming mag asawa.
"Hindi ko pa kaya, sige na bitawan mo na ako." Sabi naman nya sa akin.
"ay sorry." Sabi ko naman.
Binitawan ko na lang sya. Para wala na syang masabi sa akin.
Alam kong sobrang sakit nito. Pero mas masakit sa kanya eh.
Kaya iintindihin ko na lang.
"Pasensya ka na, yun na talaga nararamdaman ko eh." Sabi pa nya sa akin.
"It's ok I understand it." Sabi ko naman.
Bigla naman may pumasok dito sa ward ko.
Si Noli pala iyon. Naiiyak na ako lalo, dalawa silang nandito pinapahirapan nila ako.
Lalo na pinapapili nila ako.
"Anong nangyari sa babies?" Tanong naman ni Noli.
"Ang asawa ko ang nakaka alam." Sabi ko naman sa kanya.
"Sabi ni Doc, mahina kapit nung isang baby nyo. Alagaan mo na lang si Loren ha? Ayoko na pinapagod mo sya. Applicable naman ang ikama mo sya, pero know the limits." Sabi naman ng asawa ko sa kanya.
"Sige sige salamat pare, I mean Lito. Salamat, kasi hindi mo pinabayaan si Loren. At yung mga anak namin." Sabi pa nya sa asawa ko.
"Concerned naman ako, pero hindi ibig sabihin nun. Pinapatawad ko na sya or kayo. ayoko pa hindi ko pa kaya, pero kung yung anak nyo. Hindi ko sila idadamay. Dahil kapatid din sila ng mga anak ko." Sabi namam nya kay Noli. "Kadugo pa rin sila ng mga anak namin ng asawa ko. Kaya wala akong karapatan na saktan sila, kamuhian ay kagalitan. Dahil hindi kasalanan ng anak, ang kasalanan ng kanilang mga magulang." Sambit naman ulit ng asawa ko.
Na guilty ako sa ganung part. Kaya medyo natahimik kami saglit ni Noli.
Hindi na nga kami makapag salita.
Kasi ako nasasaktan eh, nasasaktan kaming tatlo.
>> Tc...
YAY, PARENTS NO NO COMEBACK 🥺🥺☹️☹️WAG KA MUNA MAGING MARUPOK PAPI. BAD BAD PA RIN PO SILA PO.🥺🥺😭😭😭☹️☹️☹️☹️
YAYYY MAMAYA ULIT, MASASAKTAN NA NAMAN ANG EBRIBADI.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
