LOREN'S POV...
Isang pagkakamali pero napaka laking consequences.
Nangungulila ako sa mga anak ko.
Syempre pati sa asawa ko. Miss na miss na miss ko na sila.
"I miss you mga anak." sabi ko naman sa picture ng anim naming mga anak. "Balik na kayo kay mommy. Miss na kayo ni mommy." Sambit ko pa ulit.
"Gusto mo love hanapin natin sila?" Tanong pa ni Noli sa akin.
"Oum, yes please love miss na miss ko na sila eh." Sambit ko naman. Miss ko na rin ang asawa ko. Pero pag sinabi ko yun, baka pati sya ayawan na ako.
Sya lang naman yung naging sandalan ko nung na aksidente ang asawa ko.
At ngayon na hiniwalayan ako ng asawa ko.
"Eh yung asawa mo? hindi mo miss?" Tanong pa nya sa akin.
"Sya? Hindi naman. Yung mga anak ko lang naman nami miss ko eh." Sabi ko na lang kunwari.
Para hindi na sya question ng question sa akin.
Ayaw ko kasi na masaktan nya ako eh.
"Ok sige, sabi mo eh. Pero ok lang sa akin kung babalik ka sa kanya. " Sambit naman nya sa akin.
"Wala na nga ata akong pag- asa eh. Kasi wala na Noli. Madumi na ang tingin nya sa akin." Sambit ko naman sa kanya.
"Hala hindi ha, hindi ka ganung klaseng babae. Ako ang madumi, kasi nadumihan kita. Ikaw ang tinatangi ni Lito eh." Sambit pa nya sa akin.
"Sorry sa inyong dalawa." Sabi ko naman.
"No ok lang, ako dapat mag sorry sa inyong mag asawa, nasira ko na nga marriage nyo eh. Nasira ko pa yung binuo nyong pamilya." Sambit naman nya sa akin.
"Shh, ano ba yan. tyaka na natin pag usapan yan ok? Gusto ko pag usapan itong anak natin. At ang mga anak namin." Sabi ko na lang sa kanya.
Tumango naman sya bilang sagot nya sa akin.
"Sige sige, ano ba balak mo?" Tanong naman nya.
"Diba sakin naman mapupunta ang mga bata? Dahil ako ang ina?" tanong ko naman sa kanya.
"Pwera na lang kung inabanduna mo sila. At napabayaan sa puder ng kanilang ama." Sagot naman nya sa akin.
"Kanino ka ba kakampi? sa akin or sa asawa ko?" tanong ko naman.
"Love, hindi sa ganun. Ang akin lang, baka makasuhan ka ng adultery. Hindi mapupunta sa'yo ang mga bata. You should talk to Lito ng maayos na lang." Sambit naman nya sa akin.
Yumakap pa sya sa akin, at hinahaplos haplos yung tiyan ko.
"Paano yun? ayaw na nga nya ako kausapin eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Si mama mo, kausapin nya ang asawa mo. Tutal diba close din ang mga magulang mo sa asawa mo?" Sambit naman nya sa akin.
Naisip ko na yan, kaso galit pa sa akin ang mama at papa maging ang nanay Fely.
"Kaso galit din sa akin ang mga magulang ko, maging si nanay at ang mga kapatid ko. Dapat ako ang role model nila kahit pa na ako ang babae." sambit ko naman sa kanya.
Habang tuluyan na akong umiiyak. Hindi ko na kasi kaya eh.
Maling mali ang pinasok ko, pero yung mga anak ko kay Noli. Hindi dapat sila damay, at kahit na sino sa mga anak ko.
"Paano tayo kikilos? Nag usap na ba kayo nila tita at tito?" tanong nya pa ulit.
Umiling naman ako bilang sagot ko sa kanya.
"Hindi pa eh, susubukan ko. Para malaman ko kung nasan ang mga anak ko." Sabi ko naman.
Habang naiyak ng malala.
"Shh, masama sa buntis yan. Wag ka na umiyak, gagawa tayo ng paraan to see them. Not now muna ok?" sambit naman nya sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot ko. Inaalalayan pa nya ako pa puntang kusina para maka kain na rin kami.
Pinunasan pa nya ako ng luha at sipon.
Nagpa tuloy na lang kami mag sandok at kumain.
>>> TC....
MAY PART 2...🥺🥺☹️☹️MGA KAWAWI PAREHAS NG PARENTS. NIKAKAIYAK NA KAYO HAAAA.🥺☹️☹️
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
