LITO'S POV...
Nandito naman ako sa mini chapel namin.
Nandito din kasi yung litrato ng mga magulang ko eh.
Dito rin muna namin nilagay yung jar ng mga anak namin.
"Nay? Tay? Ang sakit sakit na po. Hindi ko na po kaya. Mga anak, guide nyo naman po si daddy oh." Sambit ko naman.
"Daddy?" Sambit naman ni Mark.
"Oh? bakit ka nandito?" Tanong ko naman.
"Wala lang po, gusto ko lang po nag dasal din po. And magpa paalam din po kasi ako eh." Sagot naman nya sa akin.
Tumingin naman ako sa kanya.
Na curious pa ako.
"Bakit? Saan ka naman pupunta?" tanong ko naman.
Alam ko kasing delikado pa para sa kanya yung labas ng labas.
"Sa friend ko po daddy." Sagot naman ni Mark.
"Halika nga dito, binata ka na talaga." Sabi ko naman sa kanya.
Lumapit naman sya sa akin.
Tyaka nya ako niyakap.
"Daddy? Thank you po sa lahat lahat ha? Thank you po kasi kinupkop nyo po ako. Binihisan po, tapos tinuring nyo pong anak." Sambit naman nya sa akin.
"Anak? Wala yun, kasi diba kahit hindi ka galing sa amin ng mommy mo. Mahal na mahal na mahal ka namin." Sabi ko naman sa kanya.
"Opo daddy, thank you po." Sabi naman ni Mark sa akin.
Umiyak naman ako lalo, pero pinipigilan ko na lang humagulgol. Para hindi nya maramdaman yung mga luha ko.
"Anak ko, anak ka lang namin. Pasensya ka na kay daddy at kay mommy ha? Hindi pa kasi kaya patawarin ni daddy si mommy eh, na he hurt pa rin ako kasi eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Naiinitindihan ko naman po daddy. Kasi po bad po yung ginawa po ni mommy po." Sabi naman nya sa akin.
"Anak? Makinig ka sa akin ha? Opo bad po yung ginawa nya, pero po mommy nyo pa rin po sya ha? And kapatid nyo pa rin po yung nasa tummy nya po." Sabi ko naman sa kanya.
"Opo daddy gets ko po." Sabi naman ni Mark. Humarap pa sya sa altar, sa harap nila nanay at tatay at ng mga kapatid nya. "Lolo, lola? guide nyo po sila mommy at daddy ha? Ganun din po sa inyong mga baby siblings ko. Sana po magka patawaran na po sila mommy at daddy. Para po maka balik na po sa dati po." Sabi naman ni Mark.
Lalo naman akong umiyak sa mga sinasabi nya.
Pero hindi ko talaga kaya eh. Ang sakit sakit pa rin .
Lumuhod naman na ako, tyaka pa dapang nag dasal at doon humagulgol.
"Nay, tay? Miss na miss na miss ko na kayo. Gabayan nyo naman ako, para mabawasan ang sakit. Yung sakit na dulot nila sa akin. Hindi naman ho ako nagka sala sa asawa't mga anak ko eh. Bakit naman ako pinaparusahan ng ganito?" Sambit ko naman sa kanila.
Habang tuloy tuloy lang sa pag hikbi at hagulgol.
"Daddy? Baka po yung fault nyo is yung napulot nyo po ako po." Sabi naman sa akin ni Mark.
Tumingin naman ako sa kanya, at puro luha na ang nasa mga mata ko.
"Hindi anak, hindi blessing ka sa amin. Ikaw ang dahilan, kaya hopeful si mommy mo na magka baby kami. Ikaw ang unang nagparanas sa kanya na maging mommy sya." Sambit ko naman sa kanya.
"Ga? Anak, Mark? Nay, tay? At sa mga baby Angels namin." Rinig ko namang sabi ng asawa ko.
"Bakit andito ka?" Tanong ko maman sa kanya. "Bawal ka mapagod ha?" Sabi ko pa ulit sa kanya.
"Pinayagan ako ni Noli, nasa labas nga sya eh. Kasi syempre nandito na sa altar natin yung mga magulang mo." Sagot naman sa akin ni Loren.
Tumingin naman ako sa kanya, hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko eh. Ito na naman sya, na sasaksak nya na naman ako.
LOREN'S POV...
Naka titig lang ako sa asawa ko.
Hindi ko maiwasan ang maluha at ngumiti ng kaunti sa kanya.
"Mommy? Daddy? doon po muna ako kay ninong." Sambit pa ni Mark.
Tumango naman ako bilang sagot ko sa kanya.
"Sige anak, wait mo kami ni daddy sa labas." Sabi ko naman sa kanya.
"Sige anak, doon ka na deretso sa mga kapatid mo." sabi naman ng asawa ko.
Talagang pinapalayo nya yung mga bata sa ninong nila.
"Nandun naman si Noli sa labas ha?" Sabi ko naman.
"Eh ayoko nga diba, hindi ka ba maka intindi?" Sabi naman nya sa akin.
"Hayss!" Sabi naman ni Mark.
Tyaka tuluyang lumabas.
"Bakit ba ang sama sama mo." Sabi ko naman.
"Ako pa talaga yung masama? Ang galing mo naman. Ikaw nga itong masama eh. Alam mo kung bakit? Kasi, taksil ka pa rin. Kasi kahit anong gawin mo para mabuo tayo, ayoko pa rin. " Sambit naman nya sa akin.
Lalo naman akong umiyak sa kanya. Kasi ganun pa rin naman tingin nya sa akin.
"Nag mamakaawa ako sa'yo, bumalik na tayo sa dati." Sabi ko naman sa kanya.
"Para ano? Habang nakikita ko na kasama mo yung anak mo sa kanya. Masasaktan ako? Hindi Loren, hindi ako ganun kadaling makumbinse." Sabi naman nya sa akin.
Pinakita ko naman yung bagong engagement ring na binigay nya sa akin.
"Diba mag papakasal tayo ulit? Paano yung kasal natin ulit? Wala na lang ba yun?" Mga sunod sunod na mga tanong ko sa kanya.
"Walang kasalan ulit na magaganap Loren." sabi naman nya sa akin.
Humalik naman na ako sa kanya.
At hindi ko na sya pakakawalan.
"ano~ ba Loren ~ isa?" Sabi naman nya sa akin.
Habang pinipigilan nya akong halikan sya.
"Eh gusto ko eh." sabi ko naman.
"Ano ba Loren, ayoko nga diba? Isa? Pag hindi ka huminto hindi ako mag dadalawang isip na itulak ka. Tutal hindi ko naman anak yan." Sabi naman nya sa akin.
"Ganyan ka na ba sa akin? Ipapahamak mo yung mga anak ko." Sabi ko naman sa kanya.
"Kasi nga sinabing tigilan mo ako, dahil hindi ko pa tanggap ang lahat lahat." Sabi pa nya sa akin.
Lumayo na lang ako para wala na syang masabi sa akin.
Ang sakit sakit, ang sakit na kaya nya na akong saktan. Para lang layuan ko sya.
>> TC....
SABING AYAW KASI, ANG KULIT MO MAMIE.. 🥺☹️☹️HINDI KA NA ATA NYA MAHAL MAMIE, PURO KA KASI LOVE EH.
AYAN TULOY, AYAW KA NA NYA LALO.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanficFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
