LITO'S POV...
Nandito pa kami sa hospital na mag asawa, pati sila Grace.
Wala daw katiyakan yung pag bubuntis ni Loren.
Maaari mabugok yung baby sa loob ng tiyan ni Loren.
Pero hindi naman sya nakakaramdam ng sakit eh.
Kasi kung ectopic pregnancy yun, mas malala at masakit yun.
Duduguin sya at maaring sa fallopian tube mabuo yung baby.
Pero ayun nga, nakaramdam ako ng selos at inggit.
Hindi na kami nakaka buo na mag asawa.
Baka may nag riritual sa amin or ano. Si Luis lang naman yung huli naming nabuo eh.
Paano naman ako, paano ako magiging masaya kung ang mismong asawa ko at mga anak ko hindi ko maka piling ng maayos.
At lalo na yung asawa ko. Dahil hindi man lang kami maka buo.
Naaalala ko na naman lahat lahat. Yung pag ta try namin mag asawa dahil sa hindi kami maka buo after wedding.
Yung nakunan sya before our wedding. Lapitin ang asawa ko ng mga ganun na pangyayari.
"Ga? Ang lalim naman nyan." Sabi pa ng asawa ko.
Habang naka hawak pa sya sa tiyan nya.
"hmm? Wala naman. Ok ka lang? Masakit ba tiyan mo?" Tanong ko naman sa kanya.
"ha? Hindi naman, nagugutom na kasi ako eh hahahaha!" Sabi naman nya habang tawang tawa sa akin.
Pinag iinitan na naman ako ng asawa ko.
"Ay oo nga pala, Grace, Neil? Anong maka kain natin?" Tanong ko naman.
"hahahaha! Kasi ang da drama natin eh." Sabi pa ng asawa ko.
"hmm? May kare kare dito, may ginisang ampalaya nag pa luto kami kay mama. Tapos may tinola." sagot pa ni Grace.
"tyaka kuya may mga juice dito, applicable naman sa buntis at mababa ang dugo." Sagot din ni Neil.
"ay ganun sige sige salamat sa inyong love birds." Sambit ko naman sa kanila.
"Walang anuman kuya, sila AA at kuya Gary pala pupunta dito." Sabi naman ni Grace.
"Ang papa Rannie din." Sabi pa ni Neil.
"hah? Si kuya Rannie? Bakit naman pupunta sa FPJ dito?" Tanong pa ni Loren.
"Bibisitahin ka." Sagot pa ni Grace.
"ay sorry hehehe!" Sabi naman nya.
"ay oo nga pala, mag pa 3D ka na lang kaya na ultrasound?" Tanong ko naman sa kanya.
Nag tinginan pa yung mag asawa sa amin.
"3d na ultrasound? Meron ba nun kuya?" Tanong pa ni Grace.
"Yes, science nga naman. Meron na nun, minsan nga kahit wala pa sa specific month na malalaman yung gender ng baby. Malalaman mo na doon sa 3d na ultrasound." Sagot ko naman kay Grace.
"Hindi ba delikado yun?" Tanong pa ng asawa ko.
"Hindi naman ga, safe naman sya. And hindi naman sa lamang sa radiation or mga chemicals." sagot ko naman sa kanya.
"Talaga? sure ka?" tanong naman nya sa akin.
"Oum, promise ko sa'yo." sabi ko naman.
"Mamaya na nga harot, kain na tayo." Sabi pa ni Grace.
"Hahahah! oo nga ate at kuya." Sabi pa ni Neil.
Nagtawanan naman kaming lahat dito sa loob ng ward.
Saktong naka hain na yung pagkain.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
