MARK'S POV....
Nandito naman kami sa may kainan, kumakain na kaming mag ka kapatid.
Mga gutom na gutom naman kami, kanina pa kaming umaga hindi kumakain eh.
"Ninong isang order pa po." Sabi pa ni Luna.
Pero napag usapan na namin mga plano namin.
Na tumakas kami, kailangan lang nila malasing.
"Ninong? Pwede po kayo mag inom po?" Tanong pa ni Ysa.
"Nako, doon na lang sa pupuntahan natin." Sagot naman ni ninong.
"Nako po sir, mayroon po kaming iba't ibang klaseng ng alak. Wala nga lang yung pang sosyal na alak." Sambit naman nung tindera.
"Nako, sige na nga." Sabi pa ni ninong.
Nagka titigan naman kaming magka kapatid.
"Salamat naman." Bulong ko naman.
"Kuya? Kailangan po natin sila malasing." Bulong pa ni Luna.
"Gagawan natin ng paraan, kailangan natin sila mapa tulog." Sabi ko naman. Naka isip naman ako ng ibang paraan. "Alam ko na, kunwari bibili tayong gamot doon sa drug store. Para maka bili ng pampa tulog." Bulong ko naman sa kanila.
"Sige po kuya. Magandang idea po yan." Sabi naman ni Lean.
Tyaka naman kami nag isip ng plano, para kunwari maka bili. Since wala naman kaming tali sa mga kamay, mga paa at sa bibig.
"Ninong? Pwede po ba ako, bumili ng gamot? Masakit po kasi yung ulo namin eh. Gawa nung biyahe baka po kasi masuka kami eh." Sabi ko naman kay ninong.
Nag dadasal naman kaming pumayag na si ninong. Para naman maka takas na kami.
"Ok sige, bumalik kayo agad ha?" Sabi pa ni ninong.
Alam ko naman mabait naman sya eh. Nadala lang sya ng pagiging desperado kay mommy.
"Opo, sige po. Halika na po mga ading." Sabi ko naman.
Tyaka sila nag sunuran, nag punta naman sa drugstore.
"Kuya? Ano po ba yung bibilhin?" Tanong naman ni Luna.
"Sleeping pills?" Tanong naman ni Lorein.
"Madaming klase po yun eh." Sabi ko naman.
"Ahm? Tanong na lang po natin." Sabi naman ni Ysa.
"Sige po ate." Sabi naman ni Luna.
"Yung natutunaw kaya?" Tanong naman ni Lean?
"Hah? Meron ba nun?" Tanong naman ni Ysa. "Excuse me po? May pampa tulog po ba kayo po?" Tanong naman ulit ni Ysa sa Pharmacist.
"Ah? Opo, yung mabilis po ba matunaw po?" Tanong naman nung babaeng pharmacist.
"Opo yun nga po." Sagot pa ni Ysa.
"Ah ilan po ba?" Tanong naman nya kay Ysa.
"Kuya? Ilan po ba sila?" Tanong naman ni Ysa sa akin.
"Mga isang kahon na lang po." Sabi ko naman.
Patutulugin namin sila, para maka ganti. Para sa mga ginawa nila sa amin at kela mommy.
"Sige po ito po oh." Sabi na lang nung pharmacist.
"Sige po ito po bayad po." Sabi ko naman. Tyaka ko binayaran yung mga pampa tulog.
"Hello po mommy?" Sabi naman ni Lean.
Kasi may payphone pala dito sa may gilid. Luckily pwedeng malakasan ito.
"Hello mga anak?" Tanong pa ni mommy.
"Mommy? Nasa may pa Cavite po kami." Sabi naman ni Lean.
"Teka? Cavite?" Tanong naman ni mommy.
"Opo mommy, hindi po namin alam anong gagawin po namin. Pinakain po kasi kami, tapos hindi po kami maka kilos. Dahil bantay sarado po kami." Sabi pa ni Ysa.
"Mommy, tatakas po kami." Sabi pa ni Luna.
"Shh, basta kumalma kayo ha? Hahanapin namin kayo dyan. Hintayin nyo kami ha?" Rinig naming sabi ni mommy.
Habang naiiyak na kami, napuna naman kami ng mga pharmacist dito.
"Sige na po mommy." Sabi pa ni Ysa.
"We love you po mommy." Sabi pa ni Luna.
"Pati po si daddy." Sabi naman ni Lean.
"Pati po si Tito AA." Sabi din ni Lorein
"Thank you din po kay Tito Ronnie." Sambit ko rin naman.
"Makakarating sa kanila, sige na pumunta kayo sa safe place. I love you too mga anak." Sabi naman ni mommy.
"Ingat po mommy." Sabay sabay naman namin na sabi.
Tyaka namin binaba yung telepono.
"Mga ma'am? Wag nyo po sabihin na nandito po kami tumawag ha?" Sabi ko naman sa kanila.
"Makaka asa po kayo. Tatawag na lang po kami sa ibang linya. Para po hindi mahalata." Sabi na lang nung pharmacist.
Tumango naman kami ng mga kapatid ko. Ganun din sila sa amin. Tyaka naman kami nagsilabasan. At bumalik na rin sa pwesto namin.
Mabuti na lang di masungit sila ninong.
Lumapit naman si Ysa doon sa nag se serve ng pagkain sa amin.
"Kuya? Pwedeng paki lagay isa isa ito sa mga inumin nila." Sabi naman ni Ysa.
Na nag papa cute pa sya at nag papa ganda. Yes Ganda gandahan ang peg nya, para naman sumunod si kuya.
"Yes sure, ang ganda mo naman." Sabi pa nito kay Ysa.
Tyaka nya nilagyan lahat ng inumin nila ninong. Para malasing at maka tulog na ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lasing naman na at naka tulog na sila ninong. Kaya agad naman kaming naka takas. Saktong may nakita kaming sasakyan.
Kumaway kaway pa kami, kaya napa hinto ito.
"Mga anak?" Sabi pa ni daddy.
"Daddy? Si mommy po?" Tanong naman naming lahat.
"Nasa bahay po, kami pina punta dito." Sabi pa ni daddy.
Nag sakayan naman kaming lahat, sa sasakyan. At doon kami naka hinga ng naluwag.
Salamat naman at naka ligtas na kami.
"Mga anak?" Tanong naman ni Daddy.
"Yes po daddy?" Tanong din namin ng sabay sabay.
"Mga uto uto kayo!" Sabi naman ng familiar na boses.
"Anong akala nyo sa amin? Mauuto nyo? Hindi, mabuti na lang nakita ko itong feeling super hero nyong ama." Sabi naman ni ninong.
"Pakawalan mo mga anak ko, ako na lang. Tutal ako lang naman gusto mong patayin eh. Pakawalan mo mga bata ako na lang. Makikipag sabayan ako." Sambit naman ni daddy.
"Sige, mag sasabayan tayo." Sabi pa ni ninong.
Paano nya nakuha si daddy. Mabuti na lang wala si mommy. Hindi nya nakuha si mommy.
Naaawa ako kay daddy. Bugbog sarado na rin sya.
Bakit nya nagawa yun, bakit sya nag sasakripisyo.
>>> TC...
ANO NA NAMAN KAYA ANG MANGYAYARI SA MAG AAMA NG ATING BIDA? MAGKAKA BUGBUGAN AT PATAYAN KAYA? MAY MAKAKA LIGTAS AT TAKAS KAYA??
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanficFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
