LITO'S POV..
Nagising naman ako na katabi ko pa rin yung asawa ko.
Naluluha naman ako, dahil magka harap na kami.
Hinahaplos ko pa yung buhok nya.
Naalala ko na naman lahat, kung paano sila mag tabi sa kama. Kung paano sya nakikipag anohan. Habang ako, mag isa sa kwarto at walang malay.
"Mahal kita, pero hindi ko pa kaya. At malapit na akong bumagsak." Sambit ko naman sa kanya.
"Hmm." Yun naman yung narinig ko sa kanya. Bigla pa syang yumakap sa akin.
"Shh, tulog ka pa." Sabi ko naman.
"Talaga?" Tanong pa nya.
"Oo nga ang kulit mo." Sabi ko naman sa kanya.
Na patay malisya pa ako sa mga pinag sasabi ko.
Dumilat naman sya, tyaka tumingin sa akin.
"Pag pagod ka na, nandito na ako ha?" Sambit naman nya sa akin. Habang naiiyak din sya.
Alam ko naman na narinig nya yung mga sinabi ko eh. Para at least alam nya.
At hindi ako nag papa ligoy ligoy pa.
"Paano? Eh sa kanya ka na uuwi. Ilang araw na lang ma araw na. At wala ng bagyo, mag hihiwalay na ulit tayo. Sa ayaw at sa gusto natin." Sambit ko naman sa kanya.
"Edi, hahabulin pa rin kita." Sabi naman nya sa akin.
Habang sumisiksik sa akin. Medyo umiiwas naman ako sa kanya.
Dahil nga baka ako lang magawa ko sa kanya.
"Hindi mo naiintindihan Loren eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Sige nga explain mo, para maintindihan ko." Sabi naman nya sa akin.
"Mahal kita oo, pero hindi ko pa kaya. Alam mo may mga oras na gusto kitang yakapin, halikan at hagkan. Pero hindi ko kaya, dahil naiisip ko pa rin yung ginagawa nyong dalawa." Sambit ko naman sa kanya.
"Anong ginagawa namin?" Tanong pa nya sa akin.
"Yung mga ka babuyan nyo. Yung mga araw na magka tabi kayo sa higaan. Yung nag sisiping kayo. Yung laging magka sama kayo sa i-isang bubong. Lahat na lahat ng yun." Sagot ko naman sa kanya.
"Diyos ko naman po, wala na mga yun hindi ba? Nandito ba ako kung mahal ko sya or pinili ko sya?" Sambit pa nya sa akin. Na ako pa yung dapat maging thankful. Dahil sa pinili nya ako, ako pa tuloy yung kino konsensya nya.
"Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako Loren. Pagod na pagod na pagod na ako." Sambit ko naman sa kanya.
Tumayo naman na ako para icheck yung nanganak naming kapitbahay.
Nararamdaman ko naman na sinusundan nya pa ako.
"Sumandal ka sa akin, yakapin mo ako. Nandito lang ako lagi." Sabi naman nya sa akin. "Diba promise natin yun sa altar. Na kapag pagod na tayo. Sasandalan natin yung isa't isa." Sambit nya pa sa akin.
Habang inaayos ko yung kwarto, na ginamit nila Aya.
Tulog pa silang mag asawa kaya hindi ko muna sila inabala.
"Pero sa iba ka naman sumandal eh. Asan yung promise doon?" Saad ko naman at tanong ko pa sa kanya.
Habang lumabas na ako ng kwarto, ma ambon ambon pa naman pagka silip ko sa labas.
Kaya naisipan kong tignan yung mga supply pa namin ng kuryente.
At yung ibang gamit namin sa mga sasakyan.
Baka kasi may gamitin pa muna kami pansamantala. Dahil baka umabot pa ng dalawang araw dito yung bagyo.
Naka sunod pa rin yung asawa ko sa akin. Dinedma ko na lang muna sya.
" Sana nga eh, sana nga napigilan ko pa. At lalo ko pang pinigilan na ma buntis nya ako." Saad naman nya sa akin.
"Pero ayan na eh, may Marco na kayo. Baka ng hindi ko alam kung buntis ka na naman sa kanya." Sambit ko naman sa kanya.
"Gumagamit na ako ng para hindi ma buntis. At alam nya iyon, kaya nga minsan nagagalit na rin sya sa akin. Pag nakikipag anohan eh." Sagot naman nya sa akin.
Habang nasa gitna na kami ng ambon, dahil may mga kukunin na muna akong gamit sa van namin. Nandito rin yung luxury car na ni rent ko. Hindi pa kasi ako maka bili eh. Yun sana yung isu surprised ko sa asawa ko. Kaso wala eh, ako na naman yung na surprised.
LOREN'S POV....
Habang busy naman sya na nag aayos ng gamit sa kotse. Sinabi ko na nagamit ako para hindi ako ma buntis.
Oo minsan kahit kaming mag asawa yung nag aanuhan. Gumagamit din ako eh, hindi naman sa ayaw ko sa asawa ko.
Gusto kong hindi kami aabot sa hiwalayan, habang nag aano kami.
"Aba? Kelan ka pa nag gagamit nun? Authorized ba? Safe ba yung pagkaka gamit mo? Hindi mo pa ako cinonsult." Saad pa nya sa akin.
"Natatakot ako sabihin sa'yo eh. Na baka pati ikaw magalit sa akin. Na baka isipin mo na asawa nga kita, pero hindi ko nais magpa galaw sa'yo." Saad ko naman.
Habang naluluha ako sa mga sinasabi ko.
Saktong palakas na rin yung pag patak ng ulan.
Kasabay ng mga luha namin, ganun din lumuluha ang langit.
"Paanong hindi magagalit, you lie to me." Sambit naman nya sa akin.
"I'm so sorry ok? I was so embarrassed to tell to you about this. Kasi nga ayaw ko na makita mo na ganito ako." Sabi ko naman sa kanya.
Habang umiiyak na ako ng tuluyan, ganun din sya umiiyak na rin sa harapan ko.
Tyaka tuluyang umiyak na rin ang langit. Malungkot ang langit dahil sa malungkot kaming mag asawa.
"Pero kahit na ba." Sambit naman ng asawa ko.
Habang umiiyak, dahil sa iba't ibang klaseng emotion nya.
"My Love Under the Rain. Yes you are My Love Under the Rain. Hindi lang kita under the sunset mahal, lahat ng panahon mahal kita." Sambit ko naman sa kanya.
"Your love Under the Rain?" Tanong naman nya.
"Yes langga, saksi ang mga bawat panahon sa pag mamahalan natin. Sa pag subok sa atin, isa lang ibig sabihin nyan. Malalagpasan natin ito, kung magpapa tawad tayo sa isa't isa." Sambit ko naman sa kanya.
"Kaso hirap pa ako, at pagod na rin ako. Mag papahinga na muna ako. Bago ko patawarin ang sarili ko, bago ang iba, pati na rin ikaw." Sabi pa nya sa akin.
"Hihintayin kita My Love Under In Every Period of the Time." Sabi ko naman.
Tyaka umulan ng malakas, at yumakap pa ako sa kanya.
"Bakit Loren, bakit ako pa yung sinaktan mo." Sabi naman nya, habang umiiyak at humahagulgol.
"Shh, I'm sorry. I know it was too late." Sabi ko naman.
Tyaka siya pinapatahan, habang nasa gitna kami ng ulan. Parang lahat ng sink in sa aming dalawa.
>>>> TC.
SA GITNA NAMAN NG ULAN ANO BA TALAGA HA, NAG HAHANAP BA KAYO NG SAKIT HA? EME, AYAN NA NGA, PATINDI NA NGA NG PATINDI ANG MGA GANAP, MUKHANG MA DADAGDAGAN YUNG 200 CHAPS NG ANOTHER 50 HA? ABANGAN...
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
FanfictionFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
