143. Finding Asawa,Mga Anak at Kapatid

19 1 0
                                        

LOREN'S POV...























































Nag sisimula naman na akong mag hanap sa mag aama ko at kapatid ko.
Matapos yung nangyari sa amin kagabi.

Palihim akong umalis ng tinitirhan namin. Pero bago ako umalis iniwan ko muna kay Irene si Marco. Para hindi sya madamay sa mga mangyayari pa.

Kasama ko si Karen, nahihiya naman ako magpa sama kela Congw. Risa.

Lalo na kela Lily at Rhea, kasi alam naman nila na pinag selosan ko si Lily at kapatid ko si AA.

"Alam mo ba saan tayo pupunta?" Tanong naman ni Karen. Mabuti na lang free sya.

Tapos sabi ko na rin wag na yung driver ko. Baka mag sabi sya kasi kay Noli eh. Natatakot din naman ako.

"Hindi ko alam eh, sa Laguna kaya? Try natin, pero mag Pampanga muna tayo." Sagot ko naman sa kanya.

"Sige sige, manong mag Pampanga muna tayo." Sabi naman ni Karen sa driver nya.

"Thank you Karen ha." Sabi ko naman sa kanya.

"Wala yun, ikaw kasi eh. Dapat noon pa lang pinigilan mo na ang sarili mo kay Noli. Ayan tuloy ang gulo gulo na ng pamilya mo." Sermon pa sa akin ni Karen.

"Sorry na, hindi ko rin naman alam na ganito din yung mangyayari." Sambit ko naman.

"Ano ka ba naman, kaibigan ka namin Loren. Syempre tinatama lang din naman namin yung mali." Sabi naman ni Karen.

"Paano ko pa maitatama pa. Kung yung mag aama ko na yung lumayo." Sambit ko naman sa kanya.

"Hindi pa naman huli ang lahat eh. Kung itatama mo na ang lahat Loren. Makakaya mo, kung magiging sincere ka sa kanila. Mapapatawad ka nila, lalo na yung kapatid mo. Gusto mo ba habang buhay na lang kayong magka galit ni AA?" Sambit naman nya sa akin.

Umiling naman ako, tyaka umiyak ng tuluyan.

"Lagi kong pinag sisisihan yung nangyari kay Gail. Lagi kong sinasabi kay Gail at sa Diyos na sana hindi na lang nangyari yun at sana maibalik ko na lang lahat lahat. Karen alam mo naman na mahal na mahal ko yung kapatid ko eh. Sila yung dahilan bakit ako nagiging strong na ate. Kaya sana isang araw, maka usap ko na yung kapatid ko. At ma explain ko lalo ang mga nangyari nung araw na yun." Sambit ko naman kay Karen.

"Ano ba kasing nangyari nung araw na yun?" Tanong naman ni Karen.

"Nahuli nya kami, pati ng mga bata. Nahuli kaming nag aanohan. Sabi nya kasi isusumbong nya ako kay Lito at kay AA. Pero sinundan ko sya." Sagot ko naman sa kanya. Habang nasa biyahe pa kami.

Mag papa Norte muna kami tapos South. Ang habang biyahe nito.

"Tapos anong nangyari nun? Paano umabot sa ganun?" Tanong naman nya ulit sa akin.

"Nung hinabol ko sya, hindi ko na napigilan makipag argumento. Sumakay ako sa sasakyan nya. Para mapigilan ko sya, pero sinama nya ako. Dahil nga sasabihin nya sa asawa at mga kapatid ko yung nakita nya. Pati yung mga bata, nakita rin kami nag aanohan. Hindi ko na alam anong gagawin ko nun, sobrang hiyang hiya na ako sa sarili ko nun. Kaya nung palabas na kami ng South. Doon na kami nag agawan sa manibela. At doon kami naaksidente." Sambit ko naman sa kanya.

"Tapos? Ano pa nangyari?" Tanong pa nya ulit. Habang nakikinig sya ng seryoso.

Habang ako umiiyak at hinihimas nya yung likod ko.

"Nalaman ko na buntis sya, nung natapos na yung aksidente. Dahil nakita ng mga mata ko na dinudugo sya. Pero mas lalo ikinaubos ng dugo nya nung naka tarak sa dibdib nya yung kahoy na mahaba at bilog. Pero maniwala ka sa akin, hindi ko kasalanan yun. Sinubukan ko syang iligtas. Pero hindi na nya kinaya. I tried everything para mabalik ko sya kay AA. Kaya Karen, gustong gusto kong makausap yung kapatid ko. Pero pinag tatabuyan nya ako at kailangan kong maibalik ang mag ina nya." Sambit ko naman sa kanya.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now