KAREN'S POV..
Nakatulog si Loren, hindi pa kami nakaka alis. Dahil umulan din, si Lito naman busy na naman mag lipat ng mga gamit nila. Para maka lipat ulit ng bahay.
"Bwisit talaga!" Sigaw pa ni Lito.
Habang sumilip ako sa may pintuan, basang basa sya. Habang nag bubuhat ng mga gamit, habang naka cover din ito ng mga plastic.
"Ano yun bayaw?" Tanong naman ni AA.
"Nakakainis, umulan pa. Hanggang kelan kaya yan?" Sambit naman ni Lito.
Habang inuubo na sya, at halatang nangangatog na.
Kawawa naman yung mga bata pag nagka sakit sila.
"Matatagalan pa ata yan bayaw. Yung asawa mo pati si Karen nandito pa, wala pa naman damit pam- babae dito." Sambit naman ni AA.
"Oo nga eh, ayaw ko din naman na makita sya. I mean sa tuwing nakikita ko sya. Ako yung nahihiya para sa kanya. Lalo na sa mga nagawa nya sa'yo at sa mapapangasawa mo." Sagot naman ni Lito. Habang tuluyan ng inubo, at halos di na maka galaw sa pagkaka tayo nya.
"Ako rin eh, masakit pa rin. Pero hindi ko pa rin kayang kalimutan si Gail. Nakikita ko pa rin sya, sa bawat sulok ng bahay. Nakikita ko sya na buntis sya, dala dala nya yung anak namin." Sambit naman ni AA habang umiiyak.
"Shh, ako ba yan. Naiiyak din ako sa'yo eh." Sambit din ni Lito. Habang inuubo na naman sya.
"Kasi eh. Nako bayaw, mukhang lumala na yan ha? Mag palit ka na muna." Sabi naman ni AA.
"Nako bayaw, mamaya na lang. Konti na lang ito oh." Sabi naman ni Lito. Na ayaw talaga magpa tinag sa pag bubuhat.
"Hay nako, tara na nga. Samahan na lang kita. Bahala na kung magkaka sakit tayo. Wala naman mag aalaga sa akin eh." Sambit naman ni AA.
"Bayaw? Wag kang tutulad sa amin ng manang mo. Mga matitigas ang ulo, alam kong wala na si Gail at ang baby nyo. Mas mag wo worry yun kung nandito sya at magka kasakit ka." Sambit naman ni Lito.
Lalo naman pumatak mga luha ni AA ng marinig nya yung sinabi ni Lito.
"I missed her so much, walang araw na hindi. Sana nga nandito lang sya eh." Sabi naman ni AA.
"For sure malungkot yun. Dahil malungkot ka at mag mumukmok ka lang dyan." Sambit naman ni Lito.
Tyaka naman sila lumabas ng bahay. At nag hakot ng gamit. Nakaka awa naman sila, wala yung mga babaeng pinaka mamahal nila.
"Karen?" Rinig kong sabi ni Loren.
"Oh? Gising ka na pala?" Sabi ko naman sa kanya.
At lumapit pa ako sa kanya. Para I check sya, kanina kasi tinanggal ko pagkaka tali sa kanya.
At naka hubad pa sya, nakaka awa din sya.
"Anong nangyayari?" Tanong naman nya.
"Ayun, nag lilipat na sila ng gamit. Baka umalis na sila, pag tila ng ulan." Sagot ko naman.
"Ganun? Sana nga tumagal pa yung ulan." Sabi naman nya at ngumisi pa.
"Hahaha! Gaga ka talaga. Yung kapatid at asawa mo. Nag hahanap ng sakit." Sabi ko naman sa kanya.
Napa buntong hininga naman si Loren, at pilit pa nyang tumayo. Mabuti na lang at napigilan ko yung nangyari kanina.
"Baka nag papa pansin na sa akin. Ahhaahha! Eme." Sabi naman ni Loren.
"hahahaha! Alis na alis eh." Sabi ko naman.
Inayos na lang nya yung sarili nya. Baka kasi mamaya ayan na yung mga naiisip ko. Yung mag kakasakit yung mag bayaw.
YOU ARE READING
Love Under The Sunset
Fiksi PenggemarFive Years Gap, What if your childhood friend who treat you as his younger siblings, fell inlove with you 20 years after.
