34. Bad Dream

36 1 0
                                        

LITO'S POV...






































Madaling araw na, naramdaman kong pinag- papawisan yung asawa ko.

Ang lamig ng pawis nya, hindi rin sya mapakali sa pag tulog.

"Ga? Pawis na pawis ka." sabi ko naman.

"Hmm~ wag! Please!" Saad pa nya habang naka pikit.

"Ga? Ano ba yan?" Sabi ko naman.

Napa balikwas na ako ng tayo, parang nag exorcist yung asawa ko.

Naiiyak na rin ako sa nakikita ko.

"Wag please? Wag mo sasaktan asawa ko." Sambit pa ni Loren.

"Ga? Please? Wake up. I'm here, ga please!" Saad ko naman.

Habang tinatapik tapik ko na sya.
Umiyak na ako ng tuluyan kasi nag sasabay sila ni Lorein.

"Wag!" Saad pa ni Loren. Habang umiiyak na rin sya. At pawisan, malamig yung pawis nya.

"Langga naman, please? Gising na, I'm here!" Sabi ko naman. Medyo nilakasan ko na pag tapik ko.

"Wag mo akong iiwan langga ko."  Sabi pa ni Loren. Tinapik ko na sya ng malakas, yung hindi matatamaan tiyan niya.

"Gising na ga!" Sabi ko naman. Habang umiiyak na ako.

Dumilat naman na sya, sobrang pawis nya na. Yung malamig na pawis.

Tumingin pa sya sa akin. At todo yun hagulgol nya.

"GA!" Sabi naman nya.

"Shh, I'm here langga." Sabi ko naman.

Yumakap pa ako sa kanya.

"Wag mo akong iiwan ha? Wag mong iiwan mga anak natin." Sambit pa nya sa akin.

Habang todo sa pag iyak.

"Shh, stop crying na, nandito pa ako oh." Sabi ko naman. "ano bang napanaginipan mo?" Tanong ko pa sa kanya.

Tumingin pa sya sa akin, at lalong humagulgol..

"They're killed you. Pinatay ka nila, parang may gusto silang kunin sa'yo, or bawiin sa'yo." sambit pa nya sa akin.

"Hindi ako mawawala ok? At kung mawawala ako. Sorry sa bagay na nagawa ko. Kung bakit ako nawala." Sambit ko pa sa kanya.

Parehas pa kaming umiiyak. Kasi ako yung puno at dulo nito.

Hindi ko naman alam na babalik yung nanay ni Mark.
Hindi ko alam na hahantong pa sa pagbabanta sa buhay ko.

Pero sabi nya idadamay nya yung nga unang anak namin ni Loren.

Sila Ysa at Lean iyon, ayaw kong madamay sila.
Doble ang kapalit sabi sa akin.

"Wala ka naman kasalanan eh. Walang may kasalanan nito ok?" Sabi pa ni Loren.

Hinawi ko naman yung buhok nya.
Naramdaman ko na mainit sya.
Kaya hindi ko na muna sasabihin yung mga yun.

Ang alam lang ni Loren ,nandyan na yung nanay ni Mark.

"Mainit ka langga. May masakit ba?" Sambit ko pa sa kanya.

"Ga? Paano kung si Mark yung dahilan ng mga tao sa panaginip ko?" Tanong pa nya sa akin.
Habang umiiyak sya ng todo.

Pinunasan ko naman mga luha nya.

"Shh, hindi totoo yun ha?" Sabi ko naman.

Sabi ko kasi, may nag babanta sa akin eh. Pero hindi ko sinasabi kung sino.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now