Chapter 1

421 15 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~Sagi POV~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


~Sagi POV~

ANAK NG! Ano ba itong pinadala ni Nasha sakin?

Maliit na box ng Artisan? Di ba niya alam na hindi naman ako mahilig sa sweets?

Tss.. mag-iisang taon na kami wala pa din siyang improvement sa itsura niya, kahit nga pananamit wala tapos mag-reregalo pa ng ganitong klaseng pagkain?

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto at nung nilingon ko lumabas naman ang mukha ng alaskador kong kapatid, si Aries.

"kuya tawag kana ni mama kakain na daw" ngisi-ngisi siya bago pumasok ng tuluyan sa kwarto ko.

Maliit lang tong apartment na inuupahan namin dito sa barangay namin, pero may mga sari-sarili naman kaming kwarto dahil ayoko ng may kasama.

"ano yan kuya?" sabay hablot dun sa box ng Artisan.

"wow, kuya! mahal to!!" tumakbo siya palapit sa pinto para balaking lumabas, dahil na din sa bata pa siya kaya maliksi pa kung tutuusin at di ko na napigilang lumabas.

For sure ipapakita noon kila mama at tutuksuhin na naman ako.

Muntik na akong malaglag sa hagdan ng may maapakan akong balat ng saging.

Letseng batang ito, nag lagay pa ng patibong para di ko agad siya mahabol. tss..

"MAAAAAA! Si kuya may mamahaling pagkain!" narinig ko ng sumigaw si Aries sa baba mula sa kusina.

"Haaa?" sagot naman ni mama na nasilip kong galing garden.

Agad na akong bumaba ng hagdan para naman mapigilan ko pa yung pagsasabi ng kumag na ito, Napakapakilamerong bata talaga.

Kasalanan to ni Nasha e, kung di ba naman sukat ako regaluhan ng pagkaing di ko naman hilig tss..

"Oh, anak. Ano sinasabi ng kapatid mo na may mamahalin ka daw na pagkain?" nalintikan na!

Itatanong ni mama kung saan galing yan. Di pa naman nila alam na girlfriend ko na si Nasha, mag iisang taon na kami pero di pa namin naiisip na ipakilala ang isa't-isa sa mga magulang namin. Ako, dahil ayoko lang siya ipakilala at syempre yung dahilan din ni Nasha..

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon