A/N: hi losters *kaway kaway kamay* salamat ss mga tumatsngkilik. At sa nag vote ng chaps QueenBentedos.
Masakit ang ulo ni author. Arigatou! >.<
~Sagi POV~
"marcla, asan ka?" Tinawagan ko si Marcla para ayain sana kumain sa labas ngayon. Kaysa naman sa indahin ko ang mga galos ko.
"Babe, nasa bahay ako with daddy." May lambing sa boses nito. Shiiit! Naiinlove na naman ako.
Pero nalungkot din ako dahil kasama.niya daddy niya its sunday nga pala, family day.
Bored kasi ako dito sa bahay. Since ng malaman ni mama at Aries ang saamin ni Natasha di na nila ako pinapansin.
Kahit ang kapatid kong kinukulit ako ay umiiwas na sa akin, kung kokornerin ko naman ay agad din siyang nakakaisip ng paraan o kaya naman tatawagin ni mama.
Talagang nagalit na sila dahil sa ginawa ko. Pero di naman ako nag sisisi na minahal ko si Marcla, dahil sakaniya naging malaya ako. Di ako buntot sa likod ni Natasha dahil sikat itong matalino.
"Ganun ba, sige babe. Iloveyou" yun nalang at binaba ko na din. Ayoko namang istorbohin siya sa moments nila ng parents.niya.
Andto ako ngayon sa village namin kasalukuyang naglalakad lakad at magpapahangin. Ayoko naman sa bahay nababato ako.
Madilim na dahil mag 6 pm na bukas na din ang mga ilaw sa poste kung kayat di nakakatakot maglakad mag isa.
Pero ang umagaw ng atensyon ko ang isang tao na nakatayo sa tapat ng bahay nila Natasha..
Nakaover all itong itim. May mask nakahoodie at may panget na sapatos.
Sapatos na pang mcdonalds?
Nagtago ako sa gilid ng puno para di niya ako mapansin.
Sino naman kaya yun?
Saka bakit para siyang nagdadasal..
May hawak pang malaki na notebook..
Dito sa pwesto ko kitang kita ko kung ano ang ginagawa nito. Ultimo ang pag dadasal nito na ewan ano bang language un.
Tapo nagsusulat siya sa notebook ng pangalan. Hindi ko alam kung anong trip nito at dito pa talaga sa village nag gaganto pero sa tapat pa ng bahay nila Nasha.
Pinakinggan ko lang siya tapos nakita ko na sinara na niya ang notebook at tumawa ng mahina.
Base sa pagdadasal niya boses ang babae nito? Saka...
Pamilyar ang boses sa akin, hindi ko lang alam kung saan ko narinig.
Tapos ng tumawa siya, mas lalo akong napaisip kung sino ang may ganoong tawa.
Nang maramdaman kong aalis na siya ay mas nagtago ako sa madilim na part ng puno kung kayat di niya ako napansin.
"Mamamatay ka na ngayon Natasha.." Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ni Natasha..
So ibig sabihin yung tao talaga sa loob ang tinutukoy niya at di lang basta trip trip to?
Anak ng! Pamilyar talaga ang boses nito bullshit sino ka ba?
Pero hayy nako!
Bat ba ako nag aalala sakaniya e wala na naman kami. Eh dahil nga sakaniya kaya nagkasira kami ng pamilya ko.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...