Chapter 23

93 8 0
                                    

~AC POV~



Umiiyak ka na naman Natasha but this time, end game na.

Ngayon, nasagot na ang lahat ng katanungan ko at nagmula lang ito sa isang sagot.

" Dahil hindi na kita mahal " narinig ko yan sa usapan nila ni Nasha sa balcony ng hotel kung saan walang makakakita sakanila dahil ito ang tagong parte ng hotel dahil ito din ang likod ng pinaka malaking hall sa building na ito.

Paano ko nalamang nandito sila? Simple lang. Hindi naman talaga ako tulog ng magising si Natasha, nagtulog tulugan lang ako dahil hindi ako makatulog.

Simula ng magising siya, umiyak, magbasa ng text. Gising ako, at pinapakinggan ko ang awat pigil na hikbi, pigil na iyak, pigil na pag galaw, pigil na pagttype ng text, pigil na pagsinghot ng sipon at maging ang pigil na pag nguyngoy. Lahat yun naririnig at nararamdaman ko.



Isa to sa mga itinuro sa akin sa grupo na kinabibilangan ko at ng tito ko. Dahil kadalasan nagagamit talaga ang ganitong klaseng kakayahan, mas pinalakas nila ang senses ko.


At habang nakikita ko siyang ganyan...




Sumisikip ang dibdib ko...



Pinakinggan ko lang ang unti unti niyang pag labas ng kwarto, di na nag ayos, hindi na nagsuklay, at lalong hindi na nagpalit ng damit.


Para siyang lutang at nasisiraan ng bait. Parang namatay....


Nang makalabas na siya ng kwarto sinundan ko siya at maingat na di niya ako mapansin. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan sa ganitong kalagayan at di matitiis ng konsensiya ko ang mapasama siya.



Mahinahon lang ako na sumusunod sakaniya. Kampante na naglalakad sa buwan. Habang tinitignan siya papunta sa kung saan man.


Gumamit siya ng elevator, pero ako? Hagdan ang ginamit ko, di niya ako pwedeng makita dahil makakasira yun sa plano kong sundan siya.


Ang kailangan ko lang naman dito ay malaman kung saan siya pupunta.


Narinig ko ang pagtunog ng elevator at sinundan ko ang tunog noon kung saang floor nga ba ito titigil at nagulat nalang ako ng makalabas ako ng fire exit at tumigil ito sa balcony.




Tumayo ako ng maayos at sinilip muli siya at sa pagsilip ko nakita ko na hindi lang siya ang taong nandoon. Kundi may isa pa, si Sagittarius.




Lumapit ako sa harap ng balcony para makita ko sila, nagtago nalang ako sa isa sa mga malalaking poste malapit sa balkonahe at sumandal doon.


Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko ang itsura nila pareho, kumbaga para akong nanonood ng movie dahil para silang actor at actress na nagbabatuhan ng lines.

Sa una mahinahon, pero habang tumatagal, dumadami ang litanya. May actions na gaya ng pag hawak sa isat isa, mga tinginan at mga luha na pumapatak sa mata.

Parang biro ang lahat ano? Isang babaeng umiibig sa isang manloloko? Sino ba ang tunay na may kasalanan?

Ang nagpaloko?

O ang manloloko?



Pero walang maloloko kung walang manloloko dahil ang manloloko, sila ang nagbigay ng reason kung bakit aasa ang isang tao.


At ang naloko, ayan! Umiiyak sa harap ng walang kwentang nilalang na masaya na sa ginawa niya.

Pinalalabas lang nito na hindi siya masaya at mahal niya si Natasha pero halatang halata sakaniya na nagsisinungaling siya.

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon