Chapter 46

88 7 2
                                    

~Natasha POV~





"Ganoon ba, hmmm... dapat siguro mas bantayan mo siya Tooth" Iyon ang narinig kong sabi ni mama kay T.A.

T.A. o TA. Yun yung deniclare kong itatawag kay Tooth Ache, ang unappropriate kasi kung tatawagin ko siyang Tooth napapalingon talaga ang ilang tao kapag tinatawag ko siya lalo na yung may mga sira sa ngipin.

"I will Mrs. Saveron" sagot ni TA tapos lumabas na siya ng study room.













Sa loob ng ilang araw na pumapasok ako na may nangyayari sa aking kababalaghan, napapansin ko na laging wala sa klase si AC at Thermo. Kung sisilipin ko naman yung 3-D kulang kulang sila, mostly male ang wala. Lagi nilang sinasabi na trabaho, trabaho, trabaho pero hindi man lang nila madiscuss sa akin kung ano bang trabaho nila kahit nga yung principal namin mukhang kakampi nila kasi hindi din sabihin sa akin. Magkikita lang kami nila AC kapag may report siya na ipapakita sa principal o kaya naman may nangyayari sa akin.

Ayoko man isipin pero, umiiwas ba siya?

Kung ano yung sagot sa akin ni Thermo nung tinanong ko siya sa baguio. Ganun pa din ang sagot niya hanggang ngayon. Pero isang bagay lang ang naiisip ko, detective sila...

Bigla kong naalala yung huling regalo na pinadala ko kay Sagi bago mag fieldtrip. Yung bench collection na maaga ko namang pinadala pero dumating daw sabi ng delivery boy gabi na? Bumangon ako sa kama at hinanap ang number ng shop.

"Hello.. Good evening" sabi ko.

"Yes po, Good evening din po. Welcome to DELIVERY MO TO at your service!" magiliw na sabi ng kabilang linya.

"I'm Ms. Natasha Saveron your loyal customer." kailangan mo kasing banggitin yung name mo para i-coconfirm nila kung may record ka sa kanila.

"Yes mam. Thank you for calling, what can i do for you at this time?" tanong ulit niya.

"I would like to ask if pwede ko bang hingin yung copy of Accept slip of my last Delivery to Mr. Sagittarius Yagami?" humiga ako sa kama dala dala ang wireless telephone ko sa kwarto.

"For what purpose po mam?" hayy nako sabi na e magtatanong siya.

"To clarify the time that you had message me na natanggap na ni Mr. Yagami yung package, kasi nung nakausap ko siya sabi niya natanggap na niya agad yung package which is i thought it was true. Kaso when u remind me of said slip nagulat ako dahil late na siya base sa sabi ng owner." kinuwento ko na yun naman talaga yung totoo, gusto ko din kasi maclarify kung totoo na nadelivery talaga yun at exact evening bago ko kausapin si Sagi.

"Yes mam, as per our Delivery boy he delivered the said package at exact 6:15pm in the evening. Kung worried po kayo we email the accept slip ng mawitness niyo din po yung signature ng tumanggap. Is that okay with you Ms. Saveron?" mahinahon na sabi niya tapos umoo na ako.

Binaba ko na ang telephone para mapuntahan ko yung laptop ko, hinihintay ko yung email nila para makita ko na yung sinasabi niya. Simula kasi ng magpadala ako sakanila dalawang beses ko lang ata nakita yung signature ni Sagi kaya ngayon titignan ko kung same lang yun.

10 minutes ago dumating na yung email ng DELIVERY MO TO.

binuksan ko agad yun at bumungad sa akin yung message nung kausap ko sa telephone tapos may hid image dun na kailangan pang buksan mo.

Inopen ko yung picture.

Binuksan ko pa yung mga old emails nila at sinave ko yung picture. Tapos tinignan ko sa gallery ang parehas na litrato na sinave ko.

O.o

o.O

yan ang mukha ko ng makita ko yung parehas na picture. BAKIT IBA?

iba yung signature ni Sagi noon kesa ngayon. Nagpalit ba siya ng pirma?

Kinuha ko yung picture at sinave ko naman sa cellphone ko. Gusto ko din sana ipakita kay Sagi kapag nagkausap kami.

Hindi ko alam bakit may pakiramdam ako na may di ako alam tungkol sa kaniya at ang abnoy ko ata hindi ko napapansin yun? Natabunan kasi ng sobra mong pagmamahal sa kaniya...

Ang daming pumasok sa isip ko ng makita ko yung picture. Naisip ko na pumunta sa kanila at kausapin siya, kausapin din siya para may closure kami kahit nagkausap na kami nung fieldtrip. Gusto ko ng malinaw na paliwanag kung bakit di na niya ako mahal?

Ang dami. Ang daming nasa isip ko at di ko alam kung alin ang uunahin ko.

Napailing iling nalang ako sa sobrang gulo ng isip ko. Para akong di matae na di mapakali dito kakaisip. Naisip ko pa nga kung sadya ba talaga niya na natatanggap yung mga regalo ko o baka hindi..

Isinalampak ko sa kama ang sarili ko at baka sakaling mawala yung mga isipin ko.



"Mam.." tatlong katok ang narinig ko sa labas ng kwarto ko. Kilala ko ang boses na yun, boses ni TA.

"Come in" sigaw ko tapos narinig ko ng bumukas ang pinto .

"What do you need?" sabi ko sakaniya habang nakadapa pa din sa kama.

"Kakausapin ka lang. " Tinaas ko lang yung kanang kamay ko na signal ko na magsalita na siya.

"Hmm.. mukhang wala ka sa mood makipag usap ah. Problema?" naramdaman ko na biglang may dumag-an sa paanan ng kama ko.

"may gumugulo lang sa isip ko." hindi pa din ako natitinag sa pagkakadapa ko hanggang sa tumayo siya, umupo ba siya sa paanan ko kaya lumubog?

Napabalikwas ako ng tayo at nakita ko siyang nakatalikod sa akin at tinitignan yung garapon ng wishes ko.

"Mahilig ka pala sa Jar of Wishes?" pagkasabi niya noon ay lumingon siya at nginitian ako. Casual na ngiti.

Tumango lang ako para sa oo na sagot, poker face lang ako.

"sino naman ang receiver ng jar of wishes mo?" this time, napalaki yung mata ko. Oo nga pala di ko pa nga pala nasasabi sakaniya na bf ko si Sagi. Ay, ex na pala AIIISSSSSHHHH! Di ko naman pwedeng sabihin.

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil, ano bang isasagot ko?

"Sige kung ayaw mong sabihin, ok lang" di ko na siya narinig magsalita pa uli tapos akma nang lalabas na ito.

"Para kay Sagi yan." yun nalang ang nasabi ko. Hmmm... siguro naman mapapagkatiwalaan ko si TA sa mga bagay na ito. Siguro naman kahit sa kakaunting panahon na nakilala ko siya siguro naman hindi siya madaldal na tao.

"Si Yagami na mayabang?" inis na tonong sabi niya, bigla naman ako napangiti ng mapait sa sinabi niya.

"Panong naging siya?" humarap na siya sa akin tapos nag cross arms, kumukunot din ang mukha niya medyo napangisi ako ng kaunti. Bakit inis siya kay Sagi? Nasabihan niya pa ito ng mayabang.

"Upo ka muna dito." turo ko sa tabi ng kama na inuupuan ko.

Tinignan niya yung kamay na tinatap ko sa gilid ng kama. At agad naman siyang gumalaw at umalis sa pwesto niya. Expect ko tatabi na siya, pero namulagaan ko nalang kinuha niya yung swivel chair ko at dun umupo saka tinulak ang sarili papunta sa akin.

Kahit sa kakaunting panahon na nakilala ko siya, nakitaan ko siya ng kagiliwan. Joker din talaga siya gaya ni Thermo pero mas nakakatawa si Thermo. Naaalala ko sakaniya yung kaibigan ng seryosong bata.

"Oh ano na?" sabi niya na parang bata.

Umayos muna ako ng upo sa ibabaw ng kama papalapit sa kaniya.

"Pasensiya na, di kasi ako sanay na tumabi. " tas tumawa ito.

Napangiti naman ako at nag iisip na nang sasabihin. Siya naman ay nakatingin sa akin.
















I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon