Chapter 24

93 9 1
                                    

~Sagi POV~


Gago yun ah! Sino ba yun? Former 3-D ata yun ah, bakit may bracelet siya?

Huh! Nakakuha pala ng knight in shining armor tong babaeng to, galing pa sa magulong section.


Hingal na hingal ako mula sa pagtakbo, pota na iyan anong kagaguhan ko at napatakbo ako.

Pero natakot ka diba kaya ka tumakbo? Tss.. Oo nga pala, nakakita nga pala ako ng demonyo kanina. May malawak na ngiti na abot hanggang sa pinaka dulo ng ipin niya. Tapos ang nanlalaking mata na parang luluwa at kakainin ka. Basta!

Basta iba ang aura ng gagong yun! Di ko siya kilala, bago ba siya?



Dahil hingal na hingal ako kaya pumunta ako sa baba alam ko may bilihan ng tubig dun.


Habang naglalakad ako hindi pa din mawala yung letseng mukha niya, sa totoo lang lalaki ako mag isip pero tss.. Nung nakita ko yung ganung style, parang naging paslit akong nagtatakbo.





Ano naman ibig sabihin niya dun? Di ko kasi masyado naintindihan dahil nakafocus na ako sa mukha niya.

Habang pababa ako iniisip ko kung saan ko siya nakita at obviously na recently lang yun dahil tanda ko talaga e. Iniisip ko kung sa isla ba o sa--


"Uy tol. Nakakatawa ka." May biglang nagsalita sa likod ko. Napatigil naman ako dahil boses lalaki. Tapos nilingon ko na parang wala lang.



"Bakit parang yun lang nakakatawa na?" Hirit nung isa na may dala dalang tubig. Mukhang di pa nabubuksan. Tsk, kapag nga naman sinuswerte ka...


"Hoy mga ulol. "Sigaw ko mula sa kanila mula sa harap nila. Wala akong balak na patagalin pa at gusto ko ng makainom ng tubig.






Napatigil ang dalawang lalaki at mukhang lower year pa, tss.. Masaya to. May mapapagtripan ako. Slave for a minute...


Kapag trip ko, kadalasan kung sino ang mataunan ko siya ang ginagawa kong slave, oo slave dahil halos lahat kinatatakutan ako dahil sa gang ko. Kaya nga walang kumakanti sa akin sa school dahil alam nilang isang hirit ko lang sa mga kasama ko sa gang, tapos sila.




Pero tss.. Di ko makakalimutan ang gagong lalaking yun. Humanda siya, makikita niya kung sino ang binangga niya. Former 3-D student.




Napaurong ang dalawa ng makita nila ako, oo mapapaurong talaga yan kasi alam nila na kasama ako sa gang.



"Amin na yang tubig mo." Kalma kong sabi sakanila habang nakatitig ng matalim sa kanila.


"P-pero.." Humihirit pa ang isang to. Tss kung tinotodas kaya kita!



"Ibibigay mo ba o magiging impyerno ang buhay mo sa school?!" Sumigaw na ako. Wala akong pake kung may ibang makarinig. Letse, uhaw na ako at dapat makuha ko ang gusto ko.







"Tol, ibigay mo na." Udyok nung isa sa kasama niya na natatakot na sakin. Yan tama yan, matakot kayo sa akin.


"Pero t-tol" pag pupumiglas ng isang to. At talagang sinusubukan niyo ko ha.


"Pota! Ang tagal! Nauuhaw na ako, gusto niyo bang simulan ko na kayo ngayon?" Nagtaas ako ng manggas ng tshirt ko tapos nag ngingitngit ako sa inis dahil ang bobo nila pota.



Dahan dahan akong humahakbang paalapit sakanila at sa di matatawarang mukha ko na nakakatakot tss.. Tumakbo na kayong lahat.







I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon