Chapter 91

77 5 3
                                    

~Narrator's POV~

Natakot pa ako, tss ganun ko lang pala mapapatay ang baliw na ito?!

Sabi niya habang nakatingin siya sa nakadapang si Yassi na siya ngayong napatay ng sarili niyang palakol.

Di lang yun, dahil nagkalat ang mga pako na kinuha niya sa tool box bago sila mag habulan, ayun sakaniya tumarak isa isa. Isa sa puso, isa sa mata, isa sa noo, isa sa tyan at isa sa kaliwang dibdib.

Tyak, patay na nga yun.



Nang matapos ang laban nila nakahinga na siya ng maluwag.


"Nagagalak akong nabuhay ka" eksena ng babaeng nag sasalita sa kawalan.

"Tsk.." Inis na sabi niya. Hindi na niya alam kung tama pa ba ang ginagawa niya halos mamamatay na siya sa mga pinagagawa nito at ang hayop na si Lemuel, wala pa din siyang nahihita?


"Nasaan ang pamilya ko?" Galit nang sabi ni Kira.

Dada lang ng dada ang babae at hindi pinakakinggan ang sinabi ni Kira.


"Punyeta! Nasan ang pamilya ko?!"

Umalingawngaw sa buong bahay ang sinabi niya.

Umibo ang katawan ni Yassi ng marinig ang sigaw niya.

"Tang ina, buhay ka pa?!" Panay na ang mura niya.

Lumapit siya dito at kinuha ang nasabing palakol.

Hinugot iyon ng walang pag iinarte at ginamit kay Yassi at...





Isang duguang nakahiwalay na ulo ang siyang tumilapon.

Oo, pinugutan niya ng ulo si Yassi, sa sobrang galit niya dito at sa tatay nito.






"Ngayon, sabihin mo sa akin. Ano pa?! Ano pa ang kapunyetahang ipagagawa mo sa akin?!" Sigaw niya at tinignan noya ang kisame.

Wala siyang nahitang sagot bagkus.

Inulit lang ng babae ang sinasabi nito kanina.



"Hindi yan ang kailangan ko! " sinipa niya ang silya elektrika dahil di siya pinapansin nito.



Hingal na hingal na galit na galit siya.




Tumunog ang ringtone niya.

Punyeta, lemuel!



Sinagot niya iyon.

"Hayop ka! Nasaan na sila! " sabi niya sa kausap.

"Hahahaha masyado kang ata ha." Nang aasar pa din ito.

"Wala akong panahon makipagtawanan sayo?! Nasan sila! " full force ang bawat sigaw niya. Mura na siya ng mura at dahil hindi alam ng iba na palamura siyang babae kaya akala ng iba santa siya.




"Tsk, easssyyy. " chill nitong sabi.

"Makikita mo na sila. Its true hahaha" lalong nagdilim ang paningin niya ng malaman ang sinabi nito.

"Tang inang makikita yan?! Kanina pa yan! Madaling araw na punyeta ka, nakaisang araw na ako dito?! Wala pa din akong nahihita. Tas sasabihin mo sa akin makikita ko na!" Hindi na siya makapag isip pa  mura nalang siya ke mura.



"Edi ikaw bahala. Ahahaha" tawa uli nito at binaba na ang tawag.

Sya naman ay lalong nabwisit at sinipa sipa ang katawan ni Yassi.




I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon