Chapter 36

89 7 0
                                    

~AC POV~

Anak ng! Mas nauna pang makatulog ang bodyguard kaysa sa binabantayan. Tsk, kai-nam ka Thermo.

"Uy, Thermo! Thermo?!" Yugyog ko sa nakadapang nilalang na ito sa kama niya. Iniwan ba namang gising itong si Natasha tapos siya tulog.

"Hayaan mo na Mr. Marks, pagod din kasi siya sa mga nangyari. " tss.. Wow, bakit si Thermo ang napagod, mas nakakapagod kaya ang sagipin ka, life and death!

Napabuntong hininga nalang ako. Siya na nagsabi e. Sino ba ako para gambalain ang gung gong na ito.

Hinarap ko siya at umupo ako sa kama ni Thermo na katapat ng kaniya.

Naglalaptop siya.

"Ok ka na ba?" Mahina kong sabi sa palagay ko ako lang nakarinig dahil hindi naman siya lumingon.

Hinintay ko na magsalita siya pero wala. Nganga ako. Napabuntong hininga nalang uli ako.

"Oo ok na ako dont worry." Sabi niya ng hindi tinanggal sa pagkakatutok ang mata sa laptop.

Teka, tama ba ang narinig ko. Mr. Marks?

"Mr. Marks na naman ang tawag mo sa akin?" Nakakunot ang noo ko na binalingan uli siya.

Tumingin siya sa akin, blank face yun inosente din at the same time.

Umungol siya na nagsasabing "oo"

I sigh. " AC nalang. Nabanggit mo na kanina e" di pa din nawawala ang mata ko sa pagkakatitig.

Tinititigan ko simula ulo hanggang paa niya. Mga galaw niya, pagsasalita, expression at kahit ang mannerisms niya hinahanap ko at pinag aaralan.

Gusto ko lang na mapatunayan at makita ng sarili kong mata ang malaking pagbabago niya.

"Formality lang naman. " un lang ang nasabi niya.

I shrugged. "AC nalang, much better. " tapos nginitian siya. Ngiting totoo. Hindi ako basta basta ngumingiti sa mga babae kahit pa 3-D yan, pero ngayon sakaniya. Sakaniya ko lang nagagawang ngumiti.

"Hmmm.. Sige na nga. As you wish" tas nagtaas siya ng paningin uli at nginitian ako. Yung ngiti na komportable siya, di naiilang gaya ng mga nakaraang araw, ngiting hindi pilit. At ngiting nakalabas ang ipin. Namuti na pala iyon di gaya ng dati.

"Yes!" Kunwaring sinuntok ko ang hangin sa labis na saya ng pumayag na siyang tawagin ako by my nickname. Mahaba kasi ang pangalan ko kaya AC nalang ang pinagagamit ko.

Tumawa naman siya kung kayat napanganga ako bigla..

That laugh... I remember that kind of laugh...

Napatameme ako sa harap niya habang nakatingin sakaniya. Hindi ko tuloy maiwasang maalala kung gaano ko na siya namimiss..

"Ha-ha- hahaha. " yun nalang ang naisatinig ko. I felt the eagerness of swollen pain in my chest. I really really want to grab the chance to confront her by asking those things.

But i cant afford to ask her habang nakikita kong masaya naman siya. But me? I am empty for almost 4 years. I am freaking numb that time, silent and hiding. Those years past, im just a nobody feeling lost.

"AC, AC?" Nasa harap ko na pala siya at 3 inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Napabalikwas ako at nawala sa pagkakaupo kung kaya naman nadulas ang katawan ko at napaupo sa sahig.

The fuck! Ano bang ginagawa mo Natasha! Bakit basta basta ka nalang gumaganyan, dammit! Paano kung nahalikan kita?

Sus, gusto mo naman.

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon