Chapter 75

90 7 1
                                    

~Narrator's POV~


Sunod na araw ay hindi nakapasok si Sagi, Marcla at ang M.Person. Madaming nagtataka kung bakit nawawala sila, ang dahilan naman daw ay nagkainjury ang mga ito dahil daw sa nangyari kagabi.

Wala namang maipaliwanag ang mga guard at maging ang opisyales ng school tungkol sa bagay na yun dahil hindi din nila alam ang mga nangyayari.


At sa wakas nakapasok na uli si Natasha after ng ilang days na hindi nakapasok dahil sa nangyari sakaniya, ang pagkalason di umano niya dahil sa nainom na alak.


Hindi niya kasabay sa sasakyan si AC dahil umiiwas pa din ito sakaniya, kahit siya ay nahihirapan sa sitwasyon nila. Ginagampanan talaga nito ang isang plain na BG sakaniya, walang long talks, walang ngitian simple gestures lang, mam lang ang tawag sa kaniya at so on and so forth.


Nagmumuni muni siya sa may garden ng maalala ang mga unang araw niya dito sa school. Yung moment na naalala niya lahat ng masasayang moments bago niya maalala na, ang dami na palang nagbago?




Simula ng araw na nakilala niya si AC para bang ang laki na ng pinagbago ng buhay niya, hindi man niya alam kung saan nanggaling yun pero napapailing nalang siya dahil kitang kita niya na sa loob ng ilang buwan na kasama niya ito ay naging masaya siya at syempre naghirap siya.


Simula sa mga threat na nakukuha niya, mga pinadadalang panakot, ang pagiging baliw niya at pagsunod sa mga utos ng boses sa utak niya, ang pagkalason at pag kahostage sa baguio, ang pagpapakalat na isa siyang sugar mommy.. Lahat, as in lahat talaga nangyari sakaniya sa loob lang ng ilang buwang kasama niya ito.




At sa twing napapahamak siya lagi itong nakasunod, nakabantay, nakaalalay at inililigtas siya.. Bagay na napapangiti siya kapag naiisip niya..




"Hi Natasha" greet ng babaeng student na napadaan.

ngumiti lang siya at nagtaas ng kamay sign ng paggreet din niya.

"Pumasok na ba si Susi?" bumalik ang babaeng nag greet sakaniya at tinanong ang bestfriend niya.


OO nga nasan ang babaeng iyon?


"Wala siya sa klase ee.. Hindi ko din makontak, bakit?" yun nalang naisagot niya at nagtataka din siya bakit nga ba wala ang bestfriend niya.


Hindi naman un umaabsent lagi.


"Eh kasi may project tayo kagroup namin siya tapos napapadalas na ang pag absent niya.." yun ang sinabi sakaniya nung kausap.

Sya naman ay lalong napakunot ang noo dahil di talaga palaliban ang kaibigan niya, bagkus napakasipag nitong pumasok dahil takot itong may mamissed na lessons.


"Ganun ba, hayaan mo sasabihan kita kapag nakausap ko na siya" nasabi nalang niya at ngumiti uli sa babaeng kausap, di naglaon ay umalis na din iyon para kumain. Habang siya ay ninerbyos bigla dahil di naman ganun ang kaibigan niya.




"Hmmm.... Bakit nga kaya?"


















"Misis, nagkaroon po ng trauma ang anak niyo. Masyado po yata siyang natakot sa nakita niya kagabi. " sabi ng doctor kay Libra, nanay ni Sagi. Nasa ospital sila at pinuntahan niya ang anak na nagwawala dahil sa nangyari kagabi. May nakita daw itong pari na multo sa gym at nagtatakbo na daw palabas.




"Ehh.. doc, malala po ba ang nangyaring trauma sakaniya?" nag aalala na tanong niya sa doctor at hinawakan ang anak.


"Hindi naman ho gaano misis. Kailangan lang po na makarecover siya pero depende pa din po sa magiging behavior niya." nasaktan si Libra ng malamang nagkaganto ang anak. Para siyang nakokonsensiya na hindi niya pinapansin ang anak dahil sa panloloko nito kay Natasha..


I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon