~Nasha POV~"Sagi, natanggap mo na? " excited kong tanong sa kaniya. Kakauwi ko lang galing mall.
Actually biglaan ang pag uwi ko, balak ko sanang tapusin yung movie sa cinema kaso nagulat na lang ako bigla ng makita ko sa likod ko si Mr. Marks...
Oo, siya yung may ari ng bahay na talagang sobrang ganda. Siya din yung pogi na lalaki na nasa terrace niya.
And hello, nakakahiya talaga yun.
" a-ahh.. Oo Nasha na-naatanggap ko na. " tas tawa siya ng bahagya.
Pero eto na naman siya nauutal-utal.Ito na lang uli ang unang beses na pumayag siyang mag voice call kami.
Gusto ko sana vid call kaso ayaw niya.
Kaya hinayaan ko na kesa wala.
" eh ano natry mo na ba? Mabango ba? " hindi ko na mahintay yung isasagot niya.
" oo naman. Mabango yung pabango. Soooobrang bango. " tas tumahimik na uli siya.
At ako? Hayy nako yun at yun nalang ba ang isasagot niya sakin?
" talaga? Patingin nga kung natanggap mo na?" Provoke ko. Para kasing wala siyang interes sumagot ng matino e. Puro oo. Aahh.
Sa kabilang linya bigla nalang tumigil sa pag imik si Sagi.
Nakakainis na..
"Sagi?!" Pabalang ko ng sabi. Naiinis kong sabi sa kaniya.
Minsan din pala nakakawala ng pasensiya kapag sobrang gusto mo siya makausp pero alam mong yun lang ang isinasagot niya sayo
Matipid at bilang na bilang ang words.
"Ahh.. Oo m-meron ako.. Teka. " tas binaba niya yung phone. Narinig ko yun dahil may tumunog sa kabilang linya.
Aayain ko tong mag vid call. Di ko naman kasi makikita yung pabango ng personal na hawak niya kung sa call lang e.
Pero speaking.....
*Sagi's calling......."
Ohhh cmon! Totoo ba to? Talagang natawag siya sa akin???
Talaga bang vid call to?
Sinagot ko kaagad yung call. Tas bungad agad niya sa akin yung pabango na isang set at nasa box pa.
"Happy na Nasha?" Tas nakangiti siya sakin.
Ako naman, hmmppp.
*kinilig*
Tinaas niya pa ng mas maigi yung box kung saan nakapack pa ng bench, oo di ko na nga tinanggal sa pagkakapack yung bench na paper bag para naman mathrill siya pag binuksan haha.
Natapos na ang usapan namin at syempre ang saya-saya ko na nakita ko siya kahit sa vid call lang.
Yung sobrang miss na miss mo na siya at yun na!
Bigla nalang siyang tumawag sa messenger at may video pa!
Ang pogi pogi talaga ni Sagi my loves wala ng makakapantay pa!
Kahit si Mr. Poging Marks?
Ay gaga. Anong segway yun? Bakit may nagsasalitang utak dito sa POV ko?
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...