~Nasha POV~
Bakit ang sakit...
Ano naman kung wala siyang gawin kapag nasa labas kami?
Diba ganun naman yung usapan namin kapag wala kami sa private..
Bakit nasasaktan ako na binalewala niya ako?
Na parang di niya girlfriend yung nabastos at nahipuan?
Bakit ang sakit makitang nakatingin lang siya sa akin at pinanonood lang yung mga yun.
Puro tanong ang pumapasok sa isip ko, puro sakit yung nararamdaman ng puso ko.
At parang gusto ko nalang umuwi at magpahinga.
Katabi ko na uli si Mr. Marks ngayon at papunta na kaming hundred islands.
Hawak hawak ko pa din yung panyo niya habang pinupunas ko sa mata ko.
Di ko mapigilan ang di maiyak e sobrang sakit.
Bakit ganun siya?
Wala ba siyang pake?
" tahan na.. " mahinang sabi ng katabi ko.
Di ko siya nilingon, pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa labas.
Di ko na uli narinig siyang umimik at ako?
Umiiyak nalang.
Nakarating na kami ng hundred islands ng hindi kami nag iimikan ni Mr. Marks. Bukod sa nahihiya na ako ayoko muna talaga ng kausap.
Ayoko muna ng tao, gusto ko lang mapag isa.
Bumaba na kami sa bus ng makita ko yung bus ng 3-C at 3-B na parating.
Hindi ko na inantay na tumigil yun at makababa ang pasahero bagkus inunahan ko na sila sa station kung saan may mga bangka.
Ayoko na munang makita si Sagi kasama yung crush niya.
Oo alam ko na crush niya si Maria Clara o mas kilalang Marcla.
Nakwento na niya sa akin un na crush niya nga yun pero sabi niya hanggang crush lang.
Pero masakit din pala na makitang yung crush ng bf mo ang kasama niya.
Imbis na ikaw?!
Madami ng nakapila sa station ng bangkaan.
Karamihan excited karamihan masaya.
Pero ako?
Nasasaktan.
"Ang ganda ng araw.. Huwag ka ng umiyak" sabi na naman ng kasunod ko.
Oo si Mr. Marks yun, simula nung naging katabi ko siya lagi na siyang sunod ng sunod sa akin.
Napalingon nalang ako sakaniya at tinignan siya ng ano pinagsasabi mo look.
Halata na ata na namamaga na yung mata ko kakaiyak, hayy.
Nakita ko ang magandang view ng shore, kalma at napakaaliwalas.
Maganda kung susumahin at nakakahalina. Magandang pagmasdan.
Napalingon ako sa side ko at to be exact nakita ko si Susi na nakapila din kahilera ko yun nga lang ibang lane.
"Ssusssi! " tapos lumingon siya at tinignan niya ako ng...
What the hell is wrong on your face girl look.
Ako naman ngumiti lang ng mapait.
Pero napalitan yung look ni Susi nung makita niya si Mr. Marks sa likod ko.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...