~Natasha's POV~
This is the day. Oo, sasagutin ko na yung tanong ni AC.
Mahal mo ba ako?
Oo AC, mahal kita.
Papunta na ako ngayon sa baba, sabi kasi ni kuya nasa office lang naman daw si AC baka daw may inaasikaso.
So i try to see him para hayy kinakabahan ako.
Ganito pala kakakaba kapag aamin ka ng damdamin, para kang di matae tapos ang daming gumugulo sa tyan mo. Sabi nila butterflies daw yun.
Tapos kumakabog ung dibdib mo na kulang nalang lumabas na siya tas kada maririnig mo ang name niya matatawa ka na kikiligin tapos matataranta.
Pagbaba ko sa Audience Hall narinig ko si Cherie na may kausap.
Kaya di ko nalang siya pinansin at dumiretso na ako papunta sa opisina ni AC.
"Ha? For good?" Sabi ni Cherie habang gulat na gulat.
Bigla akong napatigil at nacurious. Anong for good?
"Teka teka, sino mamamahala ng DA kung aalis ka?" Sabi ni Cherie at umupo sa sofa. Ako naman ay napalingon sakaniya at nakatingin.
"Tsk, kuya Brok di pwede yun. Di ko kaya.." Inis na sabi ni Cherie. Pero tama ba ang pagkakarinig ko, Brok ba ang sinabi niya?
Mas lalo akong nacurious dahil narinig kong kausap ni Cherie si AC at aalis pa daw. So wala si AC sa office?
"Kelan alis mo?" Dismaya na sabi ni Cherie tas tumayo uli at nagpalakad lakad pabalik.
Alis? So aalis si AC?
"Ha?! Bakit biglaan? Bakit ngayon!" Sabi ni Cherie ulit at napatalon sa gulat. May inis din akong nadadama sa kaniya at ako naman ay napapanganga.
Aalis ka AC?
Iiwan niya ako?
Akala ko ba kaya niya ako tinatanong kung mahal ko siya dahil mahal nya ako?
"Cherie!" Tawag ko kay Cherie kahit may kausap siya, lumingon naman siya sa akin at nanlaki ang mata niya. Pero ayoko ng iniisip ko ayoko ng nararamdaman ko.. Ayokong isipin na ganun yun...
Binaba na niya ang phone at natataranta.
"Cherie, si AC ba ang kausap mo?" Sabi ko habang kumakabog ang dibdib ko. Parang pinapalo na gong ang dibdib k sa sobrang kaba, tipong ang lakas lakas ng tibok ng puso na nawawala na yung huwisyo ko. Oh god, di pwedeng umalis si AC.
Kung kelan naman magtatapat na ako saka naman siya aalis? kung kelan narealize ko na. Kung kelan mahal ko na siya?
"Oo. Adik nga yun e." Napahawak sya sa baba niya at seryoso.
"Bakit?" Sabi ko. Oh gosh ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko. Para akong nanlulumo. Natatakot ako na baka mawala nga siya.. Natatakot ako na baka isang araw wala na akong AC na kakausapin o makikita..
"Eh ang loko aalis daw ng bansa. Kailangan daw niya ng time." Sabi nito. Nang marinig ko yun parang gusto kong lumuhod sa pang hihina, gusto kong kunin ang lahat ng hangin para ipasok sa dibdib ko dahil ang bigat bigat.
"Time? Bakit siya aalis? Ano bang nangyari? Bakit? Ano, iiwan niya ako?" Natataranta na ako parang gusto kong hanapin siya at sabihin sakaniya na Oo AC mahal na mahal kita!
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...