~AC POV~
"So, sa sinasabi mo Mr. Marks, kasalanan ng mga guard ang nangyari kay Ms. Saveron?" Mahinahon na tanong ng aming school principal. Nakatingin lang ito sa akin habang ako naman ay nakaupo sa harap ng malaki niyang table.
"Hindi po literal na sila. Pero sila po ang dahilan kung bakit nakapasok ang bulaklak ng patay dito sa school."sagot ko naman.
"Paano mo naman nasabi iyon?" Tanong ni principal.
"Ito po ang mga files, cctv records, pictures and even the said shop ng nasabing bulaklak." Inabot ko sa harap ng table niya ang laptop ko na may lamang documents tungkol sa nangyari kagabi at sa mga ginagawa ng mga guards.
Hinarap ng principal iyon at tinignan. Namatay ang ilaw sa office ng principal at biglang lumabas sa projector ang laman ng laptop niya. Tumayo ako at pumunta sa unahan.
"This photo." Turo ko sa picture na unang lumabas sa slides.
"Ito yung picture nung hinire niyo ang guard na ito. Kakakitaan sa first day na masipag at matinik sa mga pumapasok at lumalabas ng school. " pinindot ko sa remote ang next at lumabas ang isa pang pic.
"Second picture was taken after nilang matulog sa guard house 2 weeks after they're hired, which is ang tawag ko sa lungga nila ay bahay bahayan. Hulyo 23 ng hapon ito at kasalukuyang katapusan na ng exams ng mga students. Nagkalat din ang mga students sa loob ng school dahil ang ilan sa mga ito ay tapos nang mag exam. Pero sila, hindi nila nakikita kung sino at ano ang pumapasok at lumalabas sa school. Hindi nila nababantayan ang bawat sulok ng school, instead they are having there siesta in a small and filthy bahay bahayan. Kahit ang mga estudyanteng ito ay hindi nila alam na may kinakausap sa labas ng school." Kasabay ng pagpapaliwanag ko ay ang pagslide uli ng ppt at lumabas ang mukha ng dalawang student from 1st yr.
"Di lang pagtulog ang ginagawa ng mga ito. Pati na din ang pagbalewala sa mga sasakyan at tao na nakakapasok ng walang slip, id, wrong uniform, no stickers atbp. Hayaan niyong ipakita ko sainyo ang cctv footage ng eksaktong oras na wala silang inatupag kundi ang tumunganga sa loob ng guardhouse." Pinindot ko ang enter sa gitna ng remote at pinelay ang cctv footage.
Habang pinapanood ng principal ang nasabing video, tinitignan naman ako ni Natasha at Susi. Oo, nasa loob din sila at nakikinig sa aming dalawa. Tapos na siyang kausapin ng principal at kahit ito natakot sa nangyari.
Nginitian ko lang si Natasha at bumalik na sa video ang paningin ko.
"Base sa video na ito wala talaga silang ginagawa buong araw." Pinindot ko ang next button.
"FYI, sir. Nang pinindot ko ang EButton, you all know na kapag ako ang gumamit noon. I am not pertaining to seek help but you to witness the fact. Also gusto ko din ng makakausap tungkol sa nasabing sitwasyon. Pero sa pinakita ng guwardiya natin. Nabastos po ako. Di lang yun pinagmataasan niya kami na kailangan pa namin magmakaawa para sakanila?" Inis kong sabi na humarap sa slides.
"Eto ang pirma ng guard sa slip ng bulaklak na pangpatay. " turo ko sa slide. Nakalagay doon ang date at oras pati na din ang mismong handsignature ng guard.
"At ito naman ang pirma ng nasabing may ari ng bulaklak. Ito din ang umorder nito. " inislide ko uli at nakita nila ang delivery slip.
"Base sa pagscan ko sa pangalang nakasaad dyan, walang Elizabeth Mendoza na nag aaral dito at student ng school natin. Kaya ang hula ko, nagpapanggap ang Elizabeth na ito para mapagtakpan ang kaniyang pangalan. " nilingon ko ang principal at maging siya ay sumasakit ang ulo sa mga information na nilalatag ko sa harap niya.
"So what do u mean Mr. Marks?" Hinihilot na nya ang sentido nito habang kinakausap ako.
"It means, pagala gala lang dito ang taong yun na sumisira sa imahe ni Natasha Saveron. Itinatago niya ang tunay niyang pangalan, katauhan at maging ang sarili niya. Mayroon din akong kuha ng cctv footage sa loob ng campus, nakarecord din dito ang halos lahat ng ginagawa ng mga students. At gaya nalang nito..''
Lumabas ang video, gabi iyon at nakanight mode. May pumasok na di kilalang tao sa loob ng school at dumiretso sa bulletin board.
"Kung mapapansin niyo bulletin board ang una niyang pinuntahan kung saan doon nakita ng lahat ang article tungkol kay Ms. Saveron" kitang kita ang pagkakabit nito ng papel sa loob.
"Sa video naman na ito, ito ang nangyari sa canteen kahapon. Mga papel na naglipadan na may lamang balitang nabaliw siya. Pinaniniwalaan na galing sa kisame ang nagpaulan ng papel. Kitang kita dito na may kamay na lumabas sa kisame at nawala iyon matapos mag ulan ng papel. " tumatango tango lang sila.
"At ito, ang nangyari kahapon bago mag uwian. Nakita sa cctv footage na ito na dinala bago mag alas tres ng hapon ang bulaklak sa tapat ng school. Dala ito ng lalaking delivery boy. Tama ang oras ng pagkakarecord sa oras ng pag receive ng nasabing slip. Tama din ang oras na may isang tao ang pumunta sa guardhouse para iaccept ang delivery. Pero nakaover all ito kaya di madetermine kung student nga ba ito. Kahit sa kuha na ito ay di mo nakikita ang mukha ng taong ito dahil nakamask siya at secure naman ang buong ulo niya ng hoodie. " lahat sila napapanganga mukhang nagugulat nalang basta.
"It means, di natin alam kung babae o lalaki ang nasabing suspek sa pananakot kay Natasha. At sigurado ako na iisa lang ang taong ito sa taong una niyong nakita na nagkakabit ng papel sa bulletin. At ang pagpapakalat ng papel sa canteen." Humarap ako sakanila at pinupukpok ko ang remote sa kamay ko habang humahakbang papunta sakanila.
"Ibig sabihin, kung nabuksan niya ang bulletin ng di dumadaan sa office, maaring may kakilala ito sa loob ng office, o baka naman isa ito sa mga officer na naglilingkod sa eskwelahang ito?" A big question for me.. Tss.. Medyo misteryoso ang isang to, at si Natasha pa talaga ang tinitira niya.
"Ngayon sir, nailahad ko na ang mga nakalap kong balita with relevant proofs about the fool guards. How they are irresponsible, lazy, walang pakialam at nagmamataas pa and also the mystery person sa likod ng pananakot kay Natasha. What do you think na dapat gawin sa mga guards na natin, Mr. Principal?" Lumapit ako sa table niya at isinara ang laptop ko ng hindi ito iniikot mula sa harap niya.
"Hmmm... All the evidence are justified. Pag iisipan ko muna to, ipapatawag nalang kita Mr. Marks after your morning class." Paghilot nito sa sintido nito, sanay na siya sakin at sanay na din ako sakaniya. Lagi ba naman kaming magkita e haha.
Pagkatapos ng pagpapaliwanag ko sa video ay inoff ko na ang slide at inon ko na ang ilaw.
"Pero may isa pa sana akong gustong iklaro sainyo sir, " napaangat ng tingin ang principal sakin.
"Ano naman yun?" Gulat nitong tanong.
"Nasira ang cctv cam ng 2nd floor, earth building bago mag 4pm. Ito yung mga panahong nagsisiuwian na ang mga students. Nagtataka lang ako kung bakit ng icheck namin ang system niyo ay gumagana naman ito at ang mas nakakapagtaka pa ay blanko ang oras simula bago mag 4pm at hanggang 6pm, ngunit nag rerecord pa din ito. " napakunot ang noo ng principal at napatayo.
"Pwedeng sinira ang system" sagot ng principal. Husky voice was loudy heard from him.
Kahit hindi sabihin ng principal iyon ay un na agad ang naisip ko. May nanghack ng cctv system sa school. Oh baka tinakpan ito habang nag preprepare pa sila bago mag uwian kami.
Tss.. Pota, naudlot na ang balak kong pagpapahirap kay Sagi. Tsk.
Imbis na si Sagi ang gagawin kong ganito ang buhay, shete nabaliktad ata.
Pero nakakapaghintay pa naman ang mga alas ko sa gagong yun. Paghahandaan ko nalang muna siya. Pero itong kasong to? tss hindi. Lalo na at si Natasha ang involve.
A/N: Bago ang lahat! Happy 300 views masaya ako at naka300 :)))
hooooooh! napiga utak ko dun ah. Hahaha kahit ako naguluhan e, hina ko talaga sa logic. Ilang ulit ko pang ginawang basahin bago ako nakausad hahahaha ang bobo ko.Anyhow sana magustuhan niyo at wag sana kau maguluhan.
Enjoy reading!
Arigatou!
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...