SPECIAL CHAPTER

137 3 0
                                    

~Narrator's POV~





Bumalik na sila sa normal na pamumuhay pagkatapos ng insidente sa Mystery Person. Maayos na din ang kalagayan ni Susi sa kamay ng DSWD, hindi na din ito makakapasok pa dahil napag alamang may sakit nga ito sa pag iisip na mas malala pa sa Self Mutilation kung kayat kailangan isailalim sa matinding treatment si Susi.





Magkasabay na pumasok si Thermo at Cavi, simula ng araw na inalok ni AC si Natasha na maging girlfriend ito ay binigyan na ng dalawa ng privacy ang mga kaibigan nila na mas maging close sa isat isa. Kahit na nasasaktan pa din si Cavi sa nakikitang pagsasama ng dalawa ay masaya na din siya para sa mga ito dahil nakita na nila ang isat isa pagkatapos ng mahabang panahong pagkakahiwalay.



Masaya na ang atmosphere ng school, wala ng sagabal, wala ng takot at wala ng kahit ano.





"Wala ba pa ba ang sweet lovers?" asar na pagtatanong ni Thermo kay Cavi.

Napakibit balikat nalang si Cavi.



Ilang minuto lang ay dumating na ang sasakyan ni AC mula sa gate ng school, hinintay naman ng dalawa na makapagpark muna ito at makalabas na ng kotse.



Ang angas bumaba ni AC mula sa driver's seat at pumunta sa pwesto ni Natasha sa kabilang side. Nagkatawanan bigla sila Thermo dahil sa kasweetan ni AC kay Natasha, kung dati sarili lang nito ang pinag bubuksan ng pinto. Ngayon, dalawa na isa para sa sarili niya at isa para kay Natasha.



"Tsk, manahimik nga kayo" inis na sabi ni AC sa dalawa habang natawa pa din

"DI lang kami sanay na maging ganyan ka kakeso Brok" sabi pa ni Cavi at tumawa na uli ng tumawa.



"Tsk, tara na!" asar na sabi nito habang nakapamulsa.

Magkakasabay na silang pumasok sa loob ng school at habang naglalakad sila ay para silang isang grupo na sikat na sikat. Dahil pinagtitinginan sila ang ibay kinikilig, naiinis at nagsisigaw.



Isang poging cold and serious guy. Isang kenkoy na pahandsome at makulit na lalaki. Isang lalaking hunk ang datingan na tahimik at palangiting lalaki. At ang nag iisang babaeng cute na mahinhin na genius at magandang may kabutihang loob.

Sila... Sila ang bagong role model ng School nila.









"ACCCCC Akin ka nalang!" sigaw ng 1st year student.



Lumingon si AC, tinignan niya ng may papogi effect ang naturang babae at hinarap ng proud na proud ang babaeng 1st year.

Naglakad siya at nakasmirk na ginulo ang buhok.




"Sorry, taken na ako." Sabay inakbayan si Natasha at inilapit sa katawan niya sabay smirk.

Nang makita ng babae yun ay nanlumo ito at gumuho ang makamundo niyang pagnanasa dito.

Nagwala naman sa sama ng loob ang babaeng 1st year dahil nabigo siyang masungkit ang puso ni AC dahil na sungkit na ni Natasha.





"WWWUUUUUUUUH angas ng banat mo Brok. Tsk tsk iba na talaga nagagawa ng babae" sabi pa ni Thermo at humihirit pa ng asar.



Nginitian nalang ni AC ang binabanat ni Thermo doon at umakyat na sila sa hagdan para sa mga klase nila.

Nang marating na nila ang 3rd floor ay nag kagulo ang mga students dahil dumating na sila, para silang kawal na naghawian sa gilid at nagbigay ng daan sa mga royalties na dadaaan sa gitna. 

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon