Chapter 38

81 6 0
                                    

~Narrator's POV~

Uwian na, class dismiss pero ang mga usap usapan tungkol kay Natasha, di pa din madismiss dismiss.

Nagteteingang kawali nalang siya para hindi masaktan kahit sa totoo lang, ano bang kasalanan ko at kailangan pag usap usapan at siraan niyo ko?

Inayos na niya ang mga gamit at lalabas na sa kwarto habang si Susi ay hinihintay nalang si AC na bumalik mula sa Office ng Principal. Hindi nila alam ni Susi kung anong ginawa nun doon.

Ilang minuto lang din ay bumalik na ito. Cool pa din ito. Hindi maitatago ang gandang lalaki nito at mas nakadagdag pa dito ang tangkad na bihira lang maachieve ng ibang kagaya nilang students. Parehas sila ni Thermo na matangkad.

"Masyado ba kayong nainip?" Tanong nito na may mapupungay na mata pero kalmado.

"Hindi naman. " tapos ngumiti ang dalagang si Natasha. Di niya alam pero masaya siya na makita uli si AC. Nadismaya kasi ito ng umalis ang binata at nagpunta ito sa principal.

Inaya na sila ni AC na lumabas at sasabayan na pauwi. Sinabi kasi ni AC na hanggat di nahuhuli yung nagpapakalat ng mga negative news tungkol sakaniya, sasamahan sila ni AC.

Sa bagay na iyon ay natuwa siya dahil wala naman silang ibang naging kaibigan na lalaki na pwedeng magtanggol sakanila.

May mga kaibigan man sila na lalaki sa section nila pero hindi yun sapat dahil isa din itong mga duwag. Utak lang talaga meron sila. Para bang natatakot silang masangkot sa problema ng dalaga.

Nasa pangatlong floor sila ng Earth Building. Tama ang narinig niyo, Earth ang pangalan noon at lahat ng nagkalat na building sa loob ng school nila puro solar system ang pinanggalingan, planeta.

Bumaba na sila. Pero walang magbukas ng usapan sa kanilang tatlo. Nagkakailangan sila dahil first time lang naman nilang magkasama ng ganito sa eskwelahan.


Nakarinig sila ng kaguluhan sa 2nd floor. Ingay ng isang babaeng sumisigaw. Nagtatakbo sila nila AC pababa ng hagdan pero ang kinagulat nilang dalawa ni Susi ay nagawa ni AC na talunin ang hagdan pababa ibig sabihin doon hindi niya ginamit ang hagdan bagkus tumalon talaga ito mula sa floor na inaapakan nila pababa sa floor ng 2nd floor.

Nganga silang naiwan doon, bumalik lang sila sa huwisyo ng sumigaw uli ang babaeng nasa baba. Pagdating nila sa 2nd floor, naabutan nilang nakatayo na si AC sa tapat ng hagdan at di ito gumagalaw.

Nakayuko ito at nakakuyom ang kamay. Sa hula niya ay galit ang binata.

Napahawak naman sa kaniya si Susi, dahil siguro naramdaman niya ang galit ng binata at maging siya ay naramdaman yun.

Dahan dahan silang lumakad pero natigilan sila.

"Wag kanang pumunta dito Natasha" sambit ni AC, malaki ang boses nito na may pang gigigil at galit kahit kalmado iyon.

Napakunot siya ng sabihin ng binata iyon. At bakit AC?

"Bakit naman A-AC?" Si Susi na ang nagtanong ng nais niya sanang isatinig.

"Baka hindi mo magustuhan ang makikita mo dito." Yun lang at wala na siyang sinabi pa pero nakayuko pa din ito.

Mas lalo siyang nacurious ng sabihin nito iyon, ano bang meron dun at di siya pwedeng tumingin, samantalang humihiyaw pa din ung babae. Pero si AC di na aalarmang lumapit dun para tulungan yung babae.

Lalapit na siya ng magsalita uli ito.

"Ready yourself." Monotone but authoritive. Bigla naman siyang tinaasan ng balahibo dahil sa narinig. Kung pinag hahanda siya nito, ibig sabihin tungkol sakaniya iyon.

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon