A/N: napaupdate lang ako kasi TRIP ko lang hahahaha SAYONARA!
~AC POV~
Bumalik ako sa bar ni Sea kinaumagahan. Wala nang tao dahil syempre umaga na nga e.
Sarado pa iyon kung kayat sa likod ako pumunta. May secret portal doon na para sa mga member lang ng DA na kailangan si Sea.
Kung maaalala niyo si Sea ang katabi ni Thermo sa bus noong nasa fieldtrip papuntang pangasinan-baguio.
Si Sea ang isa sa mga member ko sa DA na may ari ng sampong bar dito sa bansa. Tentative pa ang another 5 branches na itatayo niya sa makati, valenzuela, pasig, pasay at manila.
May passcode doon na nakatago sa pader ng portal. Aakalain mong nag drdrawing lang ako kung di mo alam na may pindutan doon. Talagang di naman mapapansin yun dahil wala namang palatandaang may pindutan doon dahil walang naka-embossed na kahit ano.
Pinindot ko ang passcode na isinet ko sa portal na ito, ang bawat member ay may kaniya kaniyang passcode na kailangang pang hawakan, bukod sa verification na. Para din sa security.
Bumukas ang pader na likod ng bar. At dali dali akong pumasok, nakita kong madilim pa sa loob ng portal kung kaya naman kinapa ko ang switch nito sa may gilid.
Nakapa ko naman iyon at binuksan ko. Tumambad sa akin ang carpeted na hallway, paintings na ginawa ni Sea, ang kulay berdeng walls at ang nag iisang pintuan sa harap ko.
Nilapitan ko ang naturang pinto at kumatok ng tatlong beses.
Alam kong andyan siya at di ako pwedeng magkamali. Dahil nakita ko ang ilaw na nakasabit sa pintuan niya. Kapag nakailaw yun ay wala siya. Pero kapag walang ilaw yun ibig sabihin andyan ang gung gong.
Bumukas ang pinto niya at sinalubong ako ng isang sapak.
"Tarantado ka din noh?" Ngisi ko sakaniya habang hawak hawak ko ang kamao niyang lumapat sa palad ko.
Akala niya siguro hindi pa ako nadadala.
"Tsk.. Magaling ka pa din Brok. Anong nagdala sayo dito?" Binaba na niya ang kamay at binuksan ng malaki ang pinto.
"Patingen ng CCTV mo" walang patumpik tumpik na pumasok ako sa loob ng opisina niya. Amoy alak, sigarilyo at amoy babae.
Mukhang gumawa na naman to ng kababalaghan kaya di niya alam nangyari kagabi, tsk.
"Bakit, anong meron?" Gulat nito habang nagdadamit. Oo nga pala nagbukas siya ng pinto na nakabrief lang.
Oh san kapa? Nakabrief. Pero di naman macho.
Wala ngang abs. Tss..
"Nandito ako kagabi." Hinahanap ko ang system.niya ng CCTV sa loob ng opisina niya.
"Oh? Bakit di ka nagpasabi?" Sarcastic na sabi niya bago nag suot ng sando.
Tsk. Gago talaga. Lakas tama lang Sea? Talagang sa harap ko pa nag bihis e ano?
"Biglaan." Un nalang naiimik ko tapos nakita ko sa likod niya ang painting ng buong DA. Andito pala yan?
Akala ko nasunog na yan.
"Halika, dun sa kabila." Giya niya sa akin papunta sa kabilang kwarto. Binuksan niya ang kabilang kwarto sa kaliwa kung saan sinasabi niyang nandoon ang CCTV FOOTAGE niya.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...