~Tooth Ache's POV ~Nagkakilala na sila...
Naamin na ni Brok kay Natasha...
So, suko na ba talaga ako?
"BP" nasa harap ko ngayon si Thermo na kumakain ng cereals dito sa kusina ni Brok, andito pa din kami sa bahay niya.
Umalis lang kami sa sala para daw may privacy yung dalawa.
Isa pa tama siya, tama din to para sa akin. Para makaiwas na din."Ano, dedede ka? " tuloy tuloy lang siya sa paglamon habang ako hindi ko magalaw ang cookies na kinuha ko sa cabinet.
Im happy.
But im hurt at the same time.
Masaya dahil alam kong hindi na mag iisa si Natasha, dahil alam kong andyan na si Brok para sakaniya.
Nasasaktan ako kasi mahal ko siya pero alam kong si Brok ang mahal niya.
Hindi man niya aminin sa akin o sa kahit sino ang nararamdaman niya, kahit di pa niya mapagtanto sa sarili niya na mahal niya ito. Kitang kita kong iba ang nararamdaman niya para sa binata.
"Pwede bang pagkatapos nating mahuli ang M. person, magleleave muna ako.."
"Dahil ba kay Natasha?" Yun ang narinig ko sakaniya habang hinihigop ang sabaw ng cereals.
Di ko na din naman gusto pang itanggi dahil totoo naman na dahil nga sakaniya.Imbis na umimik ako, bumuntong hininga nalang ako. Sa totoo lang kasi mahirap din palang sumama sa taong mahal mo na may kasamang iba?
Yung nakikita mo siya pero di naman mapapasayo...
Yung nakakasama mo pero alam mong hanggang dun nalang yun.
Masakit. Oo, masakit.
"Sige" tumayo na siya dahil tapos na siyang kumain at dinala na iyon sa lababo.
Nakahanda na ang lahat para bukas. Bukas na ang araw na huhulihin namin ang M. person, kailangan na kasi naming mapuksa ito bago pa niya masaktan pa ng tuluyan si Natasha.
Habang tumatagal ang sitwasyon, lalo lang itong nalala at madami na ding nadadamay na inosente.
Bukas na ang pinakahinihintay ng lahat, ang pagkatalo ng M. person sa laban na to.
Kung tutuusin kaya naman namin itong tapusin noon pa man pero dahil may plano si Brok kaya sinunod namin siya.
Nang ok na ang pakiramdam ko, lumabas na ako ng kusina para makihalubilo kina Brok. Nagpaiwan kasi ako ng mag aya si BP na lumabas na.
Paglabas ko ay agad kong nakasalubong si Natasha na nakangiti. Ibang iba pa din ang ngiti niya noon at ngiti niya ngayon.
Ngiti na talagang may bahid ng kapayapaan, kasiyahan, pagmamahal at nag uumapaw na kalinisan.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Misterio / SuspensoPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...