Chapter 56

109 6 4
                                    

A/N: arigatou para kay TiffanyGailTorri at talagang nagvote siya sa story ko thankie thankie napasaya mo ako ng bongga sana ay mas tangkilikin mo pa ang story ko :))) HAPPY READING GUYS. Dalawang UD para sa pagkaabsent ko noong isang araw or baka pag mas nasiyahan ako at biglang dumami ang reads at votes ngayong araw within this night ay baka sipagin ako na mag UD pa uli ng isa pa, so i dare you LOSTERS! mag UUD ako pag dumami kayo ngayon ARIGATOU! :)









~Natasha POV~



Nasa sala na sila kasama nila papa at mama. Si kuya mukhang di makakauwi may project daw siyang tatapusin kaya overnight sa ibang bahay. Sayang di niya mamemeet ang BG ko hahahahaha.





Nagtataka lang ako sa reaction ni mama ng makita niya si AC at Thermo. Para siyang nakakita ng long lost relatives at bigla nalang siyang napayakap sa dalawa.


Ang weird nga e, sabi ni mama di din niya alam bakit naging ganun siya kaemosyonal pero pakiramdam daw niya ang gaan gaan at ang tagal na daw niyang kilala yung dalawa.


Si papa naman seryosong tinitignan yung dalawa. Ewan ko talaga, ang weird nila tapos ngayon magkakausap na sila sa sala.


Siguro pinag uusapan na nila ang contract...





Sinamahan ko nalang ang mga katulong sa pagpreprepare ng mga pagkain para sa dinner. Busy kasi si mama sa bisita nila kaya ako nalang ang nag asikaso dito sa kitchen.



"Ok na ba yung pinahihiwa ko?" Tanong ko dun sa bago naming yaya.


Tumango siya at nginitian ako tapos saka ko inihulog sa kumukulong tubig na may pinalalambot na baka. Mag ninilagang baka daw kasi si mama e dahil busy siya kaya ako na ang magluluto. Madali lang naman iyon kumpara sa ibang putahe.



Tapos yung petsay inilagay ko na din mabilis lang naman un lumambot e ung tangkay lang ang mala-mala. Tapos konting asin, bentsin, paminta tapos ayun pakukuluin ko na lang..



Pumasok sa kitchen si mama. Kaya naman napangiti ako, pagsalubong sakaniya.


Tapos na ba kayo mag usap?


"Almost done kana pala anak." Tumabi siya sa akin sa preparing table at tinignan ang inihahalo ko.


Gumagawa ako ng mango grahams. Masarap kasi yun super kaya araw araw nagrerequest ako kay mama na gumawa. Yung may mani pa at crush grahams sa ibabaw.




A/N: Awwwww.. Fave ko din yunn :)))) lalo na kapag medyo matigas na ung biscuit hehehe





"Mam, ok na po yung nilagang baka" sabi sa akin nung bagong yaya tapos iniwan ko na muna ung grahams.


Tinignan ko kung malambot na nga, at mukhang ok na naman kaya pinatay ko na kesa maubusan pa ng sabaw.

Binalikan ko ang grahams na ginagawa ko at nagulat nalang ako ng...




"Hoy! Di pa buo yan!" Tinutok ko kay Thermo ang rubber spatula na hawak ko. Kinakain na niya kasi yung malambot pang graham, ung as in kagagawa palang. Basa pa yun, tss.. di niya ba alam na nakakadiring kainin yun ng RAW pa?




"Mas-shaar-aap key-a" ganyan ang pagkakasabi niya habang nanguya. Sarap na sarap siya samantalang ako naman diring diri. Kung ano ang kumain niyan hindi na ako magtatagal at iluluwa ko din yan.



I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon