Reminder: tandaan ang last chapter para di malito sa susunod.
~Sagi POV~
"Gago ka!" tsk sinapak ko lang naman ang nakapagwapo daw na mukha ng gagong to. Ang dami-dami mo ng atraso sa aking tanga ka! Parehas kayo ni Natasha, mga pang-gulo sa buhay ko.
Talagang sinaktan mo pa si Marcla ha? Nakikita niya ba ang balat ng girlfriend ko, namumula?
"Tol, tama na.." awat sa akin ng mga kaklase ko dinayo ko lang naman siya sa 3-A para talaga patayin!
Tangna di ko mapapalampas ang ginawa niya kay Marcla.
"Ang bading mo sumuntok" bumangon siya mula sa sahig at inayos ang buhok niya. PWEH, NAG AAYOS PA NG BUHOK EH MAGULO NAMAN?!
"Anong sabi mo?" aambang susugudin ko na uli siya ng may umawat na naman sa akin mula sa likod.
Anak ng teteng, ano ba?!
"Yan nalang ba ang kaya mo? Manakit? Tss.. Gagalingan mo ang pagsuntok. "Nakatayo na siya sa harapan ko, pota ni galos wala akong makita sa mukha ng ulol na ito. Ano bang klaseng bato ba ang mukha nito? Di man lang nasugatan, ano ka ba marmol?
Ganun na ba ako kahina sumuntok?
o sadya lang matigas ang pagmumukha ng hayop na ito?
"ULOL KA! "sigaw ko sakaniya at gustong gusto ko ng suntukin uli ang mukha niyang nang aasar pa.
Pota napipikon talaga ako.
Tinawanan lang niya ako. At talagang nakakatawa ka pa ha?
"Kung ano man ang isinumbong sayo ng magaling mong Marcla, tss.. huwag kang papakasigurong santa-santita yan. "Kinuha niya ang tumilapon na bag sa sahig at isinukbit niya sa balikat niya. Parang di man lang nababahala na gaganti ako?
"Isa pa Sagittarius, huling beses na tong paglapat ng kamao mo sa mukha ko. Tandaan mo yan" matalim ang tingin na binato niya sa mukha ko. Ang dilim dilim, naramdaman ko ang pagkulo ng init sa katawan niya. Teka, natatakot ba ako?
yan, kakatakutan ko? pucha sino ba yan?
Pauwi na ako. Pasado alasingko na hindi na nga ako nakaattend sa iba kong klase sa sobrang pagkainis ko sa tarantadong iyon. Bwisit! Tumambay nalang ako sa canteen at kumain kasama si Marcla na nag uungot pa din sakin dahil sa braso niyang namumula.
Pero agad naman siyang umalis dahil may aasikasuhin lang daw siya. Ngayon ay naglalakad na ako palabas ng school para umuwi. Sa bahay ko na lang ipagpapatuloy ang plano kong pag ganti sa hinayupak na yun!
Nasa grounds na ako ng may maapakan akong lupa na malambot. Bakit ang lambot nito? Hindi naman nag-dilig ngayon ang hardinero...
Dumiretso nalang ako dahil putik lang naman ata to dahil sticky at madulas.
Nakakailang hakbang palang ako sa sticky na soft soil ng bigla nalang itong bumagsak at nahulog ako. Isang malaking hukay pala ito puta! Paano nagkaroon ng hukay dito na ganito kalaki?
Punong-puno ako ng putik, buhangin, lupa at bato. Hindi ko na nga magawang maiangat ang sarili ko sa pagkabaon sa lupa. Ang masama pa, ang lalim pa ng hukay kaya kahit magtatalon ako dito hindi ko basta basta maabot ang taas.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...