Chapter 70

88 7 2
                                    

~Sagi POV~

"Marcla" pumunta ako sa school namin dahil ilang araw ko na siyang di napapagmasdan di kasi ako nakakapasok dahil sa mga natamo kong sugat nung huli.

Alalang alala nga si Marcla sa akin gaya nung huli din na nahulog ako sa kulumunoy.

Nakakainis nga e, ako lagi natataunan ng mga panakit ng katawan. Isa pa nakakapagtaka na bakit ako ang nagkakaganito sa lahat ng estudyante dito?


Sa pagkakaalam ko si Natasha ang may banta dito e pero bakit ako na ang nasasaktan ngayon?



"Oh Sagi.. Ok ka na ba?" Lumingon siya mula sa office ng student council, mukhang stress siya. Malalim at maitim ang ilalim ng mata niya at puyat na puyat tignan.


"Ok na ako." Ngumiti ako.

"I miss you.." Yumakap siya sa akin at tila ang bigat niya ata ngayon.

Siguro dala ng sobrang pagod sa office. Busy ata ngayon ang student council.


"I miss you too.." Tapos hinalikan ko siya sa noo, hayy grabe namiss ko talaga ang babaeng to. Alam ko namang kaya siya di makadalaw sa bahay dahil ayaw nila mama kay Marcla para sa akin. Simula nga ng magkasira kami ni Natasha.


"How is your day?" Humiwalay ako sakaniya at tinignan siya sa mata.

"Fine.. It's fine.. Medyo pagod lang kasi busy dito e." Mukha ngang hinang hina siya ngayon e at namumutla pa. Baka mamaya magkasakit ka na niyan ha...




"Baka di kana natutulog ha.. Tignan mo yang mata mo. Saka kumakain kaba ng tama? Nangangayat ka ata?" Kitang kita nga sa katawan niya na naglose siya kasi wala na akong makapang fats sa braso niya. Patag na.



"Sagi, dont worry about me i am fine.." Hinawakan niya ako sa mukha at tinitigan ako. Sigurado ka ba? Ilang araw lang kitang di nakita ang dami ng nagbago sayo..



Nginitian ko nalang siya para ipakita na naniniwala ako kahit ang totoo ay di ako kumbinsido.



Simula kasi ng maaksidente ako sa library sa jupiter di ko na siya nakakausap e, ni makita hindi. Pahinga lang talaga ako. Nabalian din ako ng braso at binti dahil sa mga tumama sa akin.











Inaya ko siyang kumain ng lunch sa canteen. Lunch break na din at tingin ko hindi na siya kumakain ng tama talaga kaya ngayon, bubusugin ko siya.



Kasalukuyang madami ang napila ngayon sa canteen dahil nagkasabay sabay ang ibat ibang year. Habang nakapila kami napapansin ko na parang wala siya sa sarili. Hinang hina siya at parang di niya alam kung anong nangyayari sa mundo.



Sigurado kabang ok ka lang?


"Marcla, alin ang gusto mo?" Nasa tapat na kami ng cabinet na may lamang mga pagkain. Pero siya ang layo ng tingin, umabot na ata ng milky way sa sobrang layo.



"H-ha?" Wala sa sariling tanong niya sa akin na parang nagising siya bigla sa malalim na panaginip.


"Sabi ko kung ano ang sayo.." Hinaplos ko ang baba niya at ngumiti siya sakin.

Tsk. Bakit ganito siya ngayon? Ano bang nangyayari sa kaniya? Di naman siya ganito kahit napapagod e.


Nalulutang ang isip niya samantalang never ko pa siyang nakitang ganyan dati.




"Lasagna na lang, busog ako e" tinuro niya ang umuusok na lasagna sa loob ng cabinet. Kelan ka pa kumain ng lasagna?


"Kumakain kana ng lasagna?" Nagulat ako dahil di ko talaga alam na kumakain ka na pala ng lasagna?

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon