Chapter 65

89 9 3
                                    

~Natasha POV~

Nagising ako sa puting ilaw na sumilaw sa mata ko ng umagang iyon. Ang sakit sakit ng ulo ko at para akong nag exercise ng sampong araw sa sakit ng katawan at ulo ko. Nanghihina pa ako at pakiramdam ko nakalutang ako at bloated na bloated.

Napansin kong iba ang kisame ko. Bakit kulay puti iyon?

Sa pagkakaalam ko Rosas ang kisame ko..

"Anak" narinig ko ang tinig ni mama sa kanan ko.

Anong ginagawa nila dito?

Saka bakit ganyan itsura ni mama, parang hindi natulog. Parang pagod tapos galing sa pag iyak?

Nilibot ko yung tingin ko sa paligid ko at nakita kong hindi ko to kwarto.


"Kamusta ang pakiramdam mo?" Sabi ni mama sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Ang lamig ng palad ni mama, kasing lamig ng aircon dito sa kwarto.

"Nanghihina ako ma.." Nanghihina talaga ako, di ko alam ang nangyari. Paano na naman ba ako napunta sa lugar na ito?

Alam ko nasa bahay lang ako at nakahiga sa kama. Nakatulog.

Tapos eto na naman ako nasa ibang lugar na naman?

"Wag ka muna mag gagalaw ha. Lalo kang manghihina..ano pa masakit sayo anak?" Nag aalala ang boses ni mama. Tulirong tuliro siya.

"Ulo po mama tapos masakit katawan ko." Daing ko pa skaniya habang siya ay natataranta.

Di ko man gusto pero wala akong magawa para mapakalma si mama dahil kahit sarili ko hindi ko na alam kung bakit nagkakaganito.




"Teka, tatawagan ko ang doctor ha. Teka.." Natatarantang sabi ni mama sa akin bago humiwalay at lumabas ng kwarto. Ako naman ay naiwang mag isa dito.







Ano bang nangyayari sa akin?

Bakit ang dami dami kong di nalalaman na alam nila. Bakit ang dami kong nagagawa ng di ko alam pero sila alam?

Bakit napupunta ako sa mga lugar na hindi ko naman pinupuntahan.

At bakit ba palagi nalang akong nananaginip ng ganun? Yung trauma ko nung gradeschool?

Bakit natatakot ako?

Bakit may nagsasalita sa utak na di ko pwedeng hindi sundin?




















"Misis, dala lang po ng nainom niyang lason. Huwag na po kayong mag alala. " narinig kong sabi ng doctor kay mama.

Lason?

Bakit may lason akong narinig?

Uminom ba ako ng lason kaya ako nandito?


"Anak, sabi ng doctor pahinga lang daw ang kailangan mo para bumalik na daw yung dati mong lakas. " nginitian ako ni mama pero bakas sa mga mata niya ang labis na hirap.


"Mama... Ano po bang nangyayari?" Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong malaman yung nangyayari sa akin.



"Anak, hayy.. May nakaaway ka ba bukod kina Marcla at Sagi?" Diretso akong tinignan ni mama sa mata.

Nakaaway?

Wala naman ako nakakaaway na iba pwera sa kanila e..

"Wala po" mahina kong sagot. Nakahiga pa din ako sa hospital bed pero nakataas ang katawan ko kaya medyo nakikita ko si mama.


I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon