Chapter 6

176 13 0
                                    

~Nasha POV~




It's Monday again!




Syempre after sunday, monday diba?



hahahahha hay ewan.



Tinatamad kasi ako pumasok, ewan ko bakit tinatamad ako. Siguro dahil di pa nagpaparamdam sa akin si Sagi simula noong nagpadala ako ng regalo.


Oo, nagpadala ako pero parang di naman siya natuwa. Ni ho ni ha na thank you o cheer up na masaya siya wala.


Nakakalungkot lang na para bang di niya na- aappreciate yun. Kasi inorder ko pa yun sa limited edition kasi alam kong magugustuhan niya yun kasi mahilig siya sa branded thingy's.


Bag niya, kung di Bench. Jansport na tig 3k to 5k kadalasan pa nagpapasadya pa siya ng design depende sa pinanonood niyang anime . Tapos sa damit pa lang ayaw niya ng philippine brand gusto niya international, Kaya naisip ko ang Abercrombie na hoodie kasi gustong gusto niya yung brand na yun. Kaso bakit wala siyang reaction? *sad*



bumangon na ako sa kama para maligo. Asual, kuha towel, undies......etc. Tapos pupunta sa banyo at magsshower. Medyo malamig pa ang 5am kaya nag hot water ako, may heater naman dito sa banyo kaya di ako mamomoblema magpakulo ng water sa kusina. Halos lahat ng kailangan ko nasa loob na ng kwarto, wala nang bagay ang wala dito sa room ko bukod sa bedroom na ito bahay ko pa. Kumbaga penthouse na siya. Kumpleto sa gamit.












Pag-baba ko pagkatapos ko mag ayos sa kwarto, nakita ko sa baba sila mama na nagsilabasan na din sa mga kwarto nila. Si mama bagong ligo nakarobe pa. Si papa nakasando at tokong, usually yan suot niya kapag sa umaga kasi ayaw niya magusot yung business suit niya. Habang si kuya Rusty naman nakacivilian. College student na siya at sa UP Diliman siya pumapasok, matalino kung sa sumatutal si kuya namana niya ang talino nga parents ko. Nag topnotcher pa yan exam nila, kasalukuyang second year na si kuya sa course na, Business Administration.




Ako naman? Half-half...


half matalino... half luka-luka..



kaya nga nasasabihan ako sa school na WEIRD e, pero di naman mababa grades ko. Top 1 ako simula grade school hanggang ngayong third year highschool. Masaya naman ako kahit ganun ang tingin ng tao sa akin, di ko naman sila kailangan intindihin pa.

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon