Chapter 20

88 8 0
                                    


~Nasha POV~

Hayyy... Sabi na e. Tama yung narinig ko.

"Nasha, kala ko pa naman makikita na natin yung zigzag na daan ng baguio, hindi pa pala." Pagkadismaya na sabi ni Susi. Kasama ko pa din siya hanggang ngayon. Nakahiwalay siya sa 3-A dahil gusto niya akong kasama.


"Gaya nga ng narinig mo, dito tayo matutulog sa hotel. " cold kong sabi sakaniya. Kahit ako nadismaya sa sinabi ng principal namin. Di namin expect na malaking pagbabago yung gagawin nila.

1 day sa pangasinan tapos matutulog dun, kinabukasan ng madaling araw babyahe na papuntang baguio dun din tutulog tapos kinabukasan ng hapon uuwi sa school.

Samantalang ang dapat na plano ay umaga hanggang hapon sa pangasinan tapos camping sa gabi sa baguio dahil yun ung extra tour ng fieldtrip namin. Tapos kinabukasan tour sa mga tourists spot sa baguio tapos baba ng pangasinan uli at dun matutulog. Tapos kinabukasan uuwi na kami ng umaga.

Kaso nabago sa di namin malaman na dahilan. Kaya lahat ng student nadismaya din at nagsibalikan na sa mga kwarto nila kasama ang mga partner nila.

"Bukas makikita mo na, sa ngayon pumunta na muna tayo sa kaniya-kaniya nating kwarto." Matamlay na salita ko. Sa totoo lang halo halo na din ang nararamdaman ko.

At di ko maipaliwanag isa isa yun dahil feeling ko para akong sasabog. Tapos sabayan pa na pagod ka sa tour.

"Hayy. Anlayo ng room ko e. " pag wewelga niya, alangan malayo ka Susi kasi nasa 3-A ka at ako napasama sa 3-D.


"Hayy nako. Sige na Susi, medyo pagod na din ako. Gusto ko ng magpahinga." Tapos inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa shoulder ko.

Pagod na pagod na nga din ako sa buong araw tas ganto pa. Kaya nakakawala ng lakas makipag usap din.

"Kakain pa tayo e. Huwag ka muna matulog" hila ni Susi sa akin at ako nadala niya dahil pagod na ako. Kaya nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa sahig ng lobby.

Baliw ka talaga Susi!

"Ay. Sorry Natasha. Sorry. Sorry." Tapos inaalalayan ako ng babaeng ito na tumayo pero talagang bumigay na ang katawan ko at di na ako makatayo.

Feeling ko para akong naparalyze, parang nawalan ng buong lakas. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko na parang any moment mawawalan na ako ng malay.


Yung gusto ko nalang matulog pero di ko magawa..

Nakatulala lang ako sa sahig at para akong timang na di umiimik.


"Nasha, yun pa din ba iniisip mo?" Lumevel sakin si Susi at kinuha ung kamay ko. Nakatingin siya sa akin na nag aalala.

"Bakit kailangan makita kong paulit-ulit sila na magkasama? Yung naglalambingan? Yung sweet? Yung... parang sila!" Dirediretso kong tanong sakaniya ng walang emosyon ang mukha. Walang kaemosyong emosyon na boses. Cold and empty.





"Natasha..." Un nalang nasabi niya. Nasagot ko na ang tanong niya mula sa sinabi kong mga tanong.

Bakit nga ba paulit ulit?



Umaga palang sira na ang araw ko dahil di ako sinasagot ni Sagi sa text, tumatawag naman ako di niya sinasagot. Nagiging cannot be reach pa. Kaya napahiwalay ako sa 3-A sa kakaantay sakaniya na magreply na sana siya nalang makasama ko sa fieldtrip at may ibibigay ako sakaniya. Pero wala. Wala akong napala nung umaga kaya nakasama ko si Mr. Marks.

Tapos yung sa elevator na wala siyang ginawa para ipagtanggol ako. Wala siyang ginawa para bugbugin ung mga lalaking un. Wala siyang ginawa at tumingin lang sa akin habang ginagawa nila sa akin un. Nakatingin lang siya at di niya man lang ako hinabol para kausapin. Aluin. Damayan. Di man lang niya iniwan ang babaeng yun.





Kasama niya pa si Marcla.
Si marcla. Si Marcla si marcla.

Si Marcla na maganda. Si Marcla na masipag. Si Marcla na sopistikada. Si Marcla na may class at kilala.


Lagi niyang bukang bibig sa akin kapag kausap ko siya. Para bang pinamumukha niya sa akin na si Marcla ay isang perpektong tao.




At ako hindi...



Akala ko huli na yung sa elevator, ok na ako dun. Akala ko makakamove on na ako pero hindi pa nagtatagal ung move on na sinasabi ko bigla ko na naman sila nakita ni Marcla na naglalambingan kasama ng mga kaklase nila at naririnig kong nagsasabi sila ng Body Shot.

At akala ko kung ano lang yung sinasabi nila ng manlaki ang mata ko sa nakita ko. Hinalikan niya si Marcla sa leeg, at inulit ulit pa iyon na para bang isang masarap na putahe ung babae kaya tuwang tuwa siya.





Di pa sila nakuntento at naglalandian pa sila sa lobby ng makauwi kami galing hundred islands. Kitang kita ko na nakaakbay siya kay Marcla at hinahalikan sa pisngi na parang bagong kakasagot na magjowa lang. Habang chinicheer pa sila ng mga kaklase nila, akala ko matatapos na doon ang paghihirap ko pero di pa pala.


Nagbilang anghel ang mga salita ko. At narinig ko sa kabilang kumpulan ng mga students ang pag kiligan nila at pag congrats kina Marcla at Sagi na Sila na daw.....





A/N: hi losters! Ako nga pala ay groggy ngayon at 3 hrs lang tulog ko hahaha. Pero readers ko natutuwa na ba kayo sa mga nababasa nyo? Nagiging exciting na ba? Reaction na kau oh!


Arigatou!

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon