~AC POV~
regalo na naman?
Para sa akin uli?
Sino na namang feeling girlfriend ang nagpadala ng regalo dis oras ng hapunan.
Pinag gigiitan pa ng delivery boy na sa akin daw tong regalo.
Sagittarius daw kasi pangalan ko.
Oo sagittarius nga pero di naman kami same ng apelyido nung may ari.
At for sure di akin to.
Wala na akong magagawa tinanggap ko nalang kesa awayin ako ni manong.
"Salamat po. " tas umalis na yung delivery boy.
Hayy.. Another tambak na naman sa kahon.
Nag dodonate ako ng mga gamit na ayaw ko at pinaglumaan ko ng gamit para sa orphanage. Syempre di naman ako greedy kaya naman binabahagi ko yung ibang walang pambili lalo na yung mga bata.
Pumasok na ako sa bahay, kakauwi ko pa lang mula sa panonood ng movie.
Pagkatapos ng 5x na panonood ko ng paulit-ulit. Ayun nagsawa din ako hahaha. Lakas tama noh?
Kahit mag isa lang ako masaya na ako, basta nagagawa ko mga gusto kong gawin ok na ako.
Simple lang naman gusto ko e.
Bumili na din ako ng dinner ko sa mall, wala pa akong stock ng food dahil kakalipat ko palang dito at isa pa wala pa akong set ng stove.
Inilapag ko na sa table yung pagkaing binili ko tapos saka kumuha ng gamit.
Pero di pa din mawala sa isip ko yung regalo na di naman akin.
~Nasha POV~
tinatawagan ko ngayon sa phone si Sagi para itanong sa kaniya yung regalo.
Kaso ang loko hindi sinasagot, cannot be reach. Nakakaasar na.
Pakiramdam ko, kailangan walang lalapit muna sa akin para kausapin ako. Dahil bakit? Makakanapak talaga ako sa sobrang galit.
Naiirita na ako kapag binabalewala ako at di ako pinapahalagahan
Di naman siya ganyan dati e lagi siyang natawag sa akin dati at nag tetext. Ngayon naman baliktad na ako na ang natawag at nag tetext at take note ako pa ang nag aantay sa kaniya sa messenger.
Minsan gusto ko ng isipin niloloko lang ako ni Sagi. Dahil never na uli siya nag iloveyou sa akin ni ho ni ha wala.
Tanggap lang siya ng tanggap.
Sobrang nakakainis na bababaan ka ng phone tapos papatayan ka pa.
Iiwan ka pa sa ere, tsaka kung ano ano na pinagsasabi sayo di kapa nakakaisa ng sagot meron na uli
Nakakasawa na habol nalang ako ng habol sa isanh taong iniiwan lang din ako sa ere.
Nag aaway din kami ni Sagi, mga 5 months to 7 months nag aaway kami at siya ang umaalo.
Pero nung nakaisang taon na, ako na ang umaalo at umiiyak ng todo.
Kala mo nawalan ako at namatayan
Di ako umiiyak dahil kinawawa ako e, umiiyak ako sa sobrang pain na nararamdaman ko na damang dama mo na binabalewala ka at pinababayaan ka na di ka nakikita at iiwan ka nalang basta kung saan ka abutan at kapag gusto na niya at kapag may time na siya sayo tsaka ka maaalala.
Ikaw ba bilang babae? Di kaba magagalit na ganun yung nararamdaman mo?
Di niya sinasagot ang tawag ko.
May kinse minutos na akong natawag sakaniya pero mukhang sinasadya ata ng lokong to na hindi sagutin o biglang mag ca-cannot be reach.
Halata kasi kung iniiwasan ka kasi nacocontact ko naman. Nag riring pa nga e siguro mga dalawang beses.
Tapos biglang mag ca-cannot be reach.
Kabisado ko na yan kasi si papa tinuturuan ako ng mga gawaing hokage ng mga kapwa niya lalaki.
Tinigilan ko na muna ang pagtawag sa kaniya at sinubukan kong tignan ang messenger kung online siya pero ang loko mukhang pinag tataguan ako dahil naka 20 mins ago pa siya sa facebook.
Nakakahalata na talaga ako na may itinatago sa akin tong gagong to.
A/N: sorry for the word. Di kasi mabubuo ang line kapag walang force ng konting "ganern"
Hmmmmm.... Talagang iniiwasan ata ako nito eehh..
Bumaba ako sa sala para tawagan siya sa landline and speaking alam ko number nila sa bahay. At wala siyang kawala dito
Nag riring lang yung phone...
Nakatatlong ring na nung may sumagot.
"Hello?" Boses lalaki na medyo bata.
"Hello, magandang gabi. Pwede ko bang makausap si Sagi? " casual ko na sabi sa kabilang linya kasi parang kilala ko yung boses.
" ate Nasha? Naku si kuya tulog po e kakababa ko lang po gawa ng pagkain. Bakit po? " sabi niya.
" ahh kakausapin ko sana e. May itatanong kasi ako. " medyo palambing na boses para di halatang galit.
"Tulog po e, 4 hrs na po siyang tulog nakabukas pa nga po ang internet nun e pati fb. Tas may natawag po sa phone niya. Pero di ko naman po kilala. "
May natawag?
Baka ako yun?
" anong name ng caller? "
" wala po pangalan e di ko po kilala number lang po kasi. "
Number lang? Nakakapagtaka.
"Ahh ganoon ba. Pakisabi naman pakikontak ako kapag nagising na siya. Tungkol sa project sa school e. " kailangan ko mag alibi para di mahalata na may something kami ni Sagi.
"Sige po ate. " tapos nagpaalam na ako para makakakain na siya.
Walang name yung number?
Eh ako lang naman ang natawag sakaniya e.
A/N: hi Losterssss! Here's my chapter 9 hahahaha nag sususpetsa na si Nasha na may ginagawang kalokohan si Sagi, mahuhuli na kaya agad siya?
O pahahabain ko muna guys???
Vote share comment! Loveyah!
Reminders: cast guys. Cast haha.
Arigatou.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...