Chapter 57

107 7 7
                                    

A/N: happy 700 reads Losters! Hope mas dumami pa kayo, as my loyal loster JhoycelRamos request, her/his wish is my command. Love you guys happy reading :*













~AC POV~ 

Yes~! 

For the first time in forever nakatungtong na uli ako sa bahay ko dito sa village kung saan nakatira sila Nasha..

Yes nakauwi na din ako, namiss ko ang bahay na ito hahahaha

Pero akala ko makakapagpahinga na ako pero hayy  here we go again...

NOTICE: Mr. Marks, dinala po namin ang mga regalong nakatambak sa harap ho ng bahay niyo sa Station namin. Nangangamba po kasi kami na baka masira ito sa labas ng bahay ninyo. Puntahan niyo na lang po kung sakaling dumating na kayo. Maraming salamat po. 

BY: Management 

FACEPALM for the win ako. Kala ko makakaligtas na ako sa mga notice notice na yan yun pala meron pa dito sa bahay, jusko po rudddddeeeeeee.




At eto nga dala dala ko ang sasakyan ko at pinuntahan ko sa station nila ang nasabing mga regalo na pinadala na naman for sure ng mga fans ko KUNO.. 

Ang sisipag talaga nilang mag bigay ng regalo. Inaraw araw na, kaya nga sasakyan  na dala ko dahil panigurado baka madami yun.

Base sa notice ng management.

Narating ko na ang harap ng Station ng village na ito, malaking bahay ito na isa sa mga old model at 24 hrs siya.

Sa mahal naman ng home owner ewan ko na lang kung di pa mag 24 hrs yan..

Kumatok ako sa pinto ng Station nila. Kita ko sa bintana noon na bukas ang ilaw doon at base na din sa pandinig ko na may tao pa sa loob.

Bumukas ang pinto at isang lalaking matanda ang sumalubong sa akin.

"Magandang gabi po sir. Ano pong kailangan nila?" Amoy alak ang isang to. Tss.. Kelan pa pinayagan na maglasing ang mga opisyales ng association dito.

"Ako si Mr. Marks" monotone kong sabi habang nakapamulsa at nakatingin sa lalaking nasa harap ko na mukhang gwardiya dito sa village 

"Pasok po kayo. " tapos nilakihan niya ang pagbukas niyon at saka ako pinapasok.

Madaming tao sa loob ng station at lahat ng makikita mo ay mga lasing na tauhan ng village.

Ano bang meron dito?

Nawala lang ako nagkaganto na dito?

"Sino ang pwede kong kausapin tungkol sa regalo na kinuha niyo sa bahay ko?" Kalmado na boses ang namutawi sa akin na nagpatigil sa lahat ng nag iinuman at nagtatawanang officers.

Umiinom naman ako pero di ako ganito kababoy uminom... Tss...

"Ako" imik ng isang lalaking balbas sarado na may hawak pang bote ng colt 45.

Lumapit ako sakaniya at inilahad ko ang palad ko na hinihingi na ang kailangan ko. Wala na akong ganang magsalita pa, gusto ko lang makuha ko na yung mga regalo ko.

At ng makaalis na dito.











Otw na ako pabalik ng bahay ko at gaya nga ng inaasahan ko pinuno ng regalo ko ang back seat ng sasakyan ko. Tsk tsk, ganito katinde ang fans ko daw sa pagpapadala. Inaraw araw daw talaga..

Nakakatawa nga e, ang tyaga nila.

Pagdating ko sa tapat ng gate ko ay binusinahan ko lang ito at kusa nang bumukas ito para sa akin.

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon