~Natasha POV~
Pagkagising ko ng umaga okay na uli ang pakiramdam ko para bang nawala na yung init ng ulo ko sa supladong Marks na yun. Hayyy...... Kapag naaalala ko talaga ang hindi niya pag imik nabbwisit ako.
Tumayo na ako ng kama para sana mag hilamos ng biglang mag beep ang phone ko.
Notif from Delivery mo to?
Nagulat naman ako dahil nag notif sila sa akin samantalang sa pagkakatanda ko wala naman akong pinadeliver uli.
Binuksan ko ang notif at binasa ang nakalagay sa message. Mas lalo akong napakunot ng noo ng tanungin nila ako kung hindi ba ako magpapadala ngayong buwan?
So ano to, nagmamarket kayo sa akin? Tss.. kapag nga nakikita ko kayo naalala ko kung gaano ako katanga na padala ng padala kay Sagi!!
Pero teka...
Kanino nga ba talaga napupunta yung mga pinadadala ko?
Nag email ako sa Delivery moto kung saan uli yung address na huli kong pinadalahan, di ko na kasi matandaan sa sobrang sama ng loob ko kay Sagi. Parang kinalimutan ko nalang basta, actually hindi na ako masyado na sasaktan kapag naririnig ko ang pangalan niya, lalo na kapag nakikita ko siya. Siguro, narealize ko lang na hindi ko na dapat mahalin ang gaya niya.
Naghilamos muna ako habang nag aantay ng reply sa email ko. Pagharap ko sa salamin sa banyo ko napansin ko na parang humahaba na ang wavy kong buhok, parang gaya ng dati noong gradeschool ako. Sabi kasi ni mama wag na daw ako magpahaba ng buhok masyado, kasi nagmumukha daw akong bata lalo na daw at nagiging kamukha ko daw yung old me.
Which is the grade 5 look ko.
Pero cute naman ako ah... Saka hindi na naman ako siguro mabubully kung babalik ako sa itsura ko dati. Nakakamiss din kaya.
Nang umagang yun naligo na ako at nag start nang mag ayos para sa school. Wala naman kasi kaming maagang pasok dahil exam, half day lang kami.
Pagkatapos kong mag ayos bigla kong naalala yung email ko kaya sinilip ko muna, at kita ko may reply na.
Nabasa ko ang address na binigay ng Shop. Actually hindi ko alam na sa loob din pala to ng village...
Nung pinalilista ko kasi ito, yung mismong block, lot, yung city at phase lang ang inilalagay ko, yun din kasi ang binigay ni Sagi sa akin. KAya nagtataka ako bakit biglang may village nang nakalagay doon.
Ang nakakapagtaka lang... Sa extension pa ito...
Nasa school na ako ng makasalubong ko si Lily. Si Lily na naging messenger ko noong nasa baguio kami.
"Lily?" tawag ko sakaniya.
"Yes?" mataray niyang sabi. Kahit kelan talaga ang barako nito.
"Pwede bang humingi ng pabor?" mangiwe ngiwe kong sabi sakaniya habang nahihiya akong tumingin sakaniya.
"Ano yun?" pamemeywang niya.
"Ahh--kasi..." nahihiya talaga ako. Huwag na lang kaya....
"dali na at mag rereview pa ako" asik nito na kumamot pa sa batok.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mistério / SuspensePalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...