~Thermo POV~
"Brok, andyan na si Cavi" pag rereport ko sakaniya habang siya ay nakaupo sa Audience hall. Hinihintay niya talaga si Cavi.
Tsk, patay.
Iniluwa si Cavi ng malaking pintuan na maroon kasama ng ilan pang mga tauhan namin.
Nakikita ko sakaniya ang takot sa kung ano ang mangyayari sa kaniya.
Siya si Cavity Tooth Ache, narinig niyo na ba?
Oo, siya si TA ni Natasha. Dito sa amin siya si Cavi. Na-aawkward kami kapag tinatawag namin siya sa buong pangalan niya.
"15x of push-ups" walang katumal tumal na biglang sabi ni AC. Hindi ito gumagalaw mula sa pagkakaupo lalo namang di ito nakatingin kay Cavi. Kundi nakatingin ito sa isang direction, sa picture ni Babaeng kaibigan.
Bigla namang tumigil si Cavi at ginawa ang utos ni AC sakaniya.
Madali pa nga iyun kumpara sa ibang pinarurusahan."30x of curl-ups" hindi pa nakakatapos si Cavi sa push up ay meron na agad siyang order. Ganyan siya kapag mainit ang ulo kapag di mo nagawa ang mission mo, magmakaawa kana sakaniya mas lalo pa niyang pahihirapan ka.
Ayaw niya kasi ng mahinang tauhan, gusto niya maging gaya niya. The more na nahihirapan, the more na gugustuhing lumaban.
Ginawa naman ni Cavi ang sumunod na utos. Pawisan na agad ito dahil na din sa pinapatay ni AC ang Aircon ng malamang andyan na si Cavi.
"Sumunod ka sakin" biglang tumayo si AC pagkatapos sabihin iyon at agad namang tumayo si Cavi at sinundan si AC.
Sinundan ko din naman sila dahil...
Ano ikwkwento ko sainyo kung dito lang ako sa Audience Hall? Hahahaha
Si author kasi ayaw ibigay kay AC ang POV kaya ayan ako nagkwkwento hahaha.
Tinatamad ata si Author mag AC POV kaya naman ayan ako binibigyan ng POV, pero well masaya naman ako at least naeexpose ako dito sa kwento. Kala ko kasi display lang ang pangalan ko hahahahaha.
Pagkadating ko sa Gym, nakita ko na agad si Cavi na may dala dalang barbel na medium size.
What????? Medium size agad!
Bitbit iyon ni Cavi.
"40x of barbel" yun ang narinig ko kay AC habang nakatalikod kay Cavi na nag babarbel na.
Grabe sya oh!
Tsk tsk, ang sakit ng katawan ng batang ito panigurado pag uwi. Tsk tsk.
Pero may point din si AC. Hindi nga naman madadala ang mga tauhan niya kung wala siyang gagawing parusa.
"High speed of trendmill habang gamit ng small barbel. " bigla namang sinabi ni AC at lumakad papuntang trendmill at pinindot ang high button bago sumalang si Cavi.
Halatang halata na pagod na si Cavi sa ilang utos ni AC.
Ganito si AC kapag nagagalit siya, imbis na saktan niya daw at paghahampasin, uutusan nalang niyang torturin ang sarili o di kaya naman ay utusan na mag work out yun nga lang hardcore.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...