Chapter 22

93 8 0
                                    

~Nasha POV~


Nasaan ako?

napabalikwas ako sa kama ng makita ko ang puting kisame. Ang malimlim na ilaw ng lampshade sa kaliwa, ang katahimikan, ang malambot na kama mula sa pag-upo ko at ang malamig na haplos ng aircon sa balat ko.

Napatingin ako sa suot kong damit at nakita kong ito pa din ang suot ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at narealize ko na nasa loob na pala ako ng kwarto ko. Nasa harap ng kama ko ang maleta ko at ang mga sapatos ko..

Pero paano ako nakapunta sa kwarto ko? Wala naman si Susi dito sa kwarto.

Inaalala ko ang mga nangyari sa lobby, ang pag iyak ko, pag sigaw ko, pagsalampak ko sa sahig, ang pag tulala ko sa sahig... LAHAT NAALALA KO.

At naalala ko lang na nawalan ako ng malay...

Sino naman ang nagbuhat sa akin paakyat dito? Di naman pwede si Susi at di niya ako kaya. Napalingon ako sa kaliwa ko ng maaninag kong may isa pang bukas na lampshade.

Napatutop ako sa bibig ko ng makita ko si Mr.Marks sa kabilang kama. Tulog. Tulog na tulog. Paano naman to nakarating dito?

Napalipat sa bag niyang nasa paanan niya ang mata ko at napafacepalm nalang ako dahil kabuddy ko nga pala ang isang to. minsan tanga ka din Nasha.

Di lang tanga kamo, bobo pa. Walang gamot sa bobong gaya mo kasi umiibig ka sa isang manloloko.

Nawala lahat ng pagkabigla ko ng maalala ko na naman yung nangyari buong araw kahapon. Lahat, pati yung pain. Yung hapdi. Yung pagsaksak ng kutsilyo sa akin ng non stop. LAHAT. Lahat ng pwedeng maranasan ng isang naloko at nabroken hearted na sakin na ata.

Feeling ko ang lost lost ko... Nawawala nalang sa sarili. Ako pa ba to?

Ako pa ba tong matalinong babaeng to? Yung humahabol habol kay Sagi? yung babaeng ibinibigay lahat para sa kaniya pero di mo maramdaman na sinusuklian niya? Yung babaeng lahat ng oras mo binigay mo at siya ang ginawa mong sentro mo pero malalaman mo may iba nang pumalit sa posisyon mong iyon? Bakit ang sakit makita na ganoon nalang ang kinahinatnan ko...

Gusto kong magwala ngayon para malabas ko lahat ng nararamdaman ko pero ayokong malaman ng ibang tao na ganito ako. Ayokong malaman ng mga teacher na ang isang Saveron na gaya ko ay nalulong sa katangahan. Lahat sila ang tingin sa akin isang role model, at ayokong mawala ang pagtingin na iyon.. ayoko...

pero ikaw pa nga ba iyan? ikaw pa nga ba ang Nasha na minahal ng pamilya mo...

At sa palaisipan na iyon, tumulo nalang ang luha ko na di ko na napigilan pang mapunta sa makapal na comforter ng kama. Ang sakit ee... Sobrang sakit na minahal mo ang isang tao higit sayo pero nagawa kang lokohin...

Nasapo ko nalang ang mukha ko habang umiiyak ako sa ibabaw ng kama ko. Tahimik pero humihikbi, ayokong magising ang kasama ko dahil lang sa katangahan ko.

new message....

nabigla ako dahil nag beep ang phone ko sa bag. Dis oras na ng gabi may nagtetext pa sa akin, imposible naman sila mommy yan kasi alam nila na tulog na ako ng ganitong oras...

nanlaki ang mata ko ng makita ko ang laman ng text na iyon.

"Nasha, gising ka pa ba? Gusto kong makita ka. "

ilang minuto din akong napatitig sa text niya. Wala akong naramdaman, yong sakit biglang naglaho. Biglang nabura. Bakit? Diba dapat magalit ako sakaniya? Diba dapat ngayon nirereplyan ko na siya at sinusumbatan kung bakit niya ako niloko?

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon