Chapter 25

107 9 2
                                    

~AC POV~



Subukan mong magsalita.. Madadali ang buhay mo..





Siguro naman mararamdaman na niya ang impyerno na hinarap niya dahil simula sa araw na ito, magiging miserable na ang buhay niya.



Tahimik ang loob ng bus dahil mga puyat lahat, maging itong katabi ko ay tulog na tulog pagkatapos bumangla sa kwarto. Nakahiga sa kama at natulala sa kisame habang pumapatak ang luha. Emotionless ang mukha niya at napakalamig ng mata niya parang walang buhay na nilalang.





Nakasandal ito sa bintana ng bus habang matiwasay na natutulog, hindi mo aakalain na ang isang babaeng matalino, maganda, mabait, tahimik ay magmamahal sa isang gagong Sagittarius Yagami.



Huwag ka ng mag alala Natasha, kung anong paghihirap mo ngayon ay siyang ipaparanas ko sakaniya.





On the way na kami sa BAGUIO para sa breakfast, 6am na at 2 hrs pa ang daw sabi ng Tourist Guide para makarating sa hotel. Sayang at di na nakita ng dalawang magkaibigan na ito ang zigzag na daan na tinatahak ng bus, sayang din dahil di nila nakikita ang ganda ng baguio. Hindi nila nakikita ang magandang sinag ng araw mula sa langit pababa sa bundok at ang mga makakapal na puno na pumapalibot sa bangin upang magkaroon ito ng magandang imahe.





Ang hamog, lamig, maputing usok na animoy may kapreng naninigarilyo sa umaga ay nakakahalinang pagmasdan kaya naman kukuhaan ko nalang ang bawat madaanan namin. Yung alam kong magugustuhan niya at yung bukang bibig nila ni Susi makita.





nilabas ko ang phone ko para magsimula ng kumuha ng mga magagandang view at relevant images, sayang di ko mailabas ang dslr ko dahil masyado itong malaki at isa pa di ako makakakuha ng magagandang view sa loob, cellphone nalang para mas madali.





Kinuhaan ko ang hamog na dumikit na sa bintana kung saan nakasandal ang katabi ko. Pinunasan ko ang bintana ng dahan dahan para di ko mabunggo ang katabi ko, ang lapit lapit namin sa isat isa na para bang konting tulak nalang mag tatapatan na ang mukha namin.



tumigil ka AC, masyado mong pinepleasure ang sarili mo.



Umayos ako bigla ng gumalaw siya at nag iba ng pwesto, yung dating nakasandal sa pader ay siya namang nakasandal na ngayon sa upuan na inuupuan niya, nakababa na ang kamay sa hita at yumuyugyog ang mukha habang natutulog.





bakit ba kapag napapatingin ako sayo napaka ganda mo?

samantalang kung ihahambing ka sa ibang babae, simple ka lang.





pero kahit saang ang-gulo, maganda ka...



di lang basta maganda, mapula pa ang labi mo na para bang wala pang nakakahalik..



mahahabang pilik mata na kumukurba ang nakacurl na buhok...



ang matangos na ilong .. ang mapupulang pisngi at ang maputi mong kutis..





Mahal mo na noh?





nagulantang ako ng maisip ko bigla yun. WTF? ano bang pinagsasabi ng utak kong ito, nung una nagsasalitang parang baliw kung saan nahugot tapos ngayon tatanungin ako ng mahal mo na noh?





lumiko ang bus na sinasakyan namin at nakita ko yung mas magandang view ng bangin, alam kong magugustuhan to ni Natasha kaya kinuhanan ko na lahat ng makikita ko tapos ipapaprint ko sa baguio saka ko ibibigay sakniya. Di ko pa din malaman ang dahilan bakit ganito ako ngayon sa isang tao, pero ang alam ko mapapasaya ko siya at kailangan niya ako.



I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon