Chapter 21

85 8 0
                                    



~AC POV~



kung di ka lang babaeng pabaya, baka uminom kana..


Tsk, bakit ba naman kasi ang laki ng depression mo sa mahangin na lalaking yun.


Kayo ba?



Nasa kwarto na kami at nakahiga na sa mga sarili naming kama. Hindi ko alam kung anong nag udyok sa akin para buhatin siya mula sa lobby hanggang dito sa kwarto. Dahil nainis ka? Pero hindi eh, bakit naman ako maiinis.. Kasi parang may naramdaman ka? Ano naman mararamdaman ko, di ko naman siya crush o girlfriend. Pero may 'care' ka sa kaniya.. Bakit naman ako magkaka-care sa kaniya eh kaklase ko lang naman siya. Pero anong ginagawa mo, di pa ba yun 'care'?






Ahhhh! NABABALIW NA BA AKO?! Para bang may kausap ako sa ginagawa ko, nakakainis. Nagiging dalawa ang katauhan ko sa nangyayari. Sarili mo kausap mo habang nasa kabilang kama lang yung topic mo? Ahhhh... nababaliw na ata ako.



Nilingon ko ang babaeng nasa kabilang kama kung saan matiwasay ng natutulog at di na nakakain ng dinner. Siya si Natasha Saveron, former 3-A since 1st year maganda, matalino, masipag, mabait, mahiyain, tahimik sa klase at si Susi lang ang kasa-kasama..


Sa loob ng isang linggong pananatili ko sa klase nila naobserbahan ko na siya agad. Madali lang naman pala siyang obserbahan dahil sa galaw pa lang niya showy na kahit di siya magsalita.


Di lang siya basta matalino, may ibubuga din kapag kinakailangan. Marunong siyang hawakan ang sarili niya ng mag-isa at di na kailangan ng ibang tao. Mahusay mag-isip, di natataranta gaya ng iba kapag naprepressure. Madalas, nangunguna pa ito sa lahat ng proyekto, nabalitaan ko din na ganyan din ang Kuya niya na si Rusty. Ahh sumusunod sa yapak... Tradition na ba ang sumunod sa yakap?




Napakaaliwalas ng mukha niya, animoy isang anghel na di makakagawa ng masama. Isang babaeng di niya alam kung gaano siya kaganda kahit napaka simple lang niya. Yung hindi masusukat na iiyak siya sa madaming tao dahil sa iisang lalaki.



Sa loob ng isang linggo sa klase madalas nahahalata ko siya na nakababad sa phone, nakikipagtext, minsan may ka-chat, may kausap o di kaya naman may tinitignan. Madalas din chinecheck niya kada limang minuto ang phone niya. Para bang may inaabangan siya na tawag o text mula sa ibang tao.


Bukod kay Susi yun lang ang madalas niyang harapin. Hindi siya nakikipag usap sa mga kaklase niya pwera kung kailangan na kailangan o tungkol sa klase.


Hindi ko alam bakit nagkaroon ako ng interes na bantayan siya. Di ko nga sukat akalain na simula ng makita ko siya sa harap ng bahay ko para akong nagkaroon na maliit na pakiramdam.



Sila ba ni Sagittarius? Kaya ba ganyan siya makareact sa lahat ng ginagawa ng gung-gong na yun.


Nung nakita ko siya sa lobby na nakasalampak at umiiyak habang inaalalayan siya ni Susi na itayo, bigla nalang akong naglakad papunta sakaniya at saka ko binuhat paalis.


Di na ako nag paalam kay Susi, basta ko nalang kinuha si Natasha, parang gusto ko siyang ilayo muna sa depression. Sa Stress. Sa paghihirap.


Bukod kasi sa luha na makikita mo sa mga mata niya, paghihirap din ang bagay na isa pang makikita mo. Parang may itinatago siya na di niya na matiis itago pa pero no choice siya kasi kailangan niya ilabas sa pamamagitan ng luha. Yun ang nakikita ko sa mga gestures niya na limitado lang, parang may kinatatakutan siya at masaktan nalang ang solusyon na magagawa niya.



Hindi pa naman ako naging ganitong curious sa isang tao pwera kapag nasa loob ng kaso dahil yun talaga ang dapat kong ginagawa. Nakakainis lang wala kasi akong karapatan gawin yun kaya eto mukha akong tanga na sumusunod na lang sa babaeng to.



Parang ayokong umiiyak siya. Malungkot. Gusto kong napapangiti siya. Napapasaya. Sapat na ang mga ngiti niya para mabuo ang pakiramdam ko at habang napapalapit ako sakaniya, parang lumalaki ng lumalaki yung maliit na pakiramdam.






A/N: Pasensiya na guys sa maigsing update masyado lang akong exhausted ngayong araw at namemental block din ako kaya medyo mahina mag function ang imagination ko hahahaha. Ano ba masasabi niyo sa pinapakita ni AC sa chapter na ito? Tingin niyo ba iniibig na niya si Nasha o baka puppy love lang? May nag tanong sa akin kung bakit mas matanda si AC kay Nasha kung pumasok daw si Nasha ng regular year. HAHAHAHAHHAHAHA para sa nagtanong na yun sige ipapaliwanag ko siya sa mga susunod na chapters wag kayong mag-alala. :))



any reactions?


Hope yung reads na nakikita ko sa cover ay madagdagan sana, im still hoping na may magbabasa nito kasi nagugustuhan nila :)


I admire those authors na talagang binabaha ng readers and comments specially yung may mga books ng nakapublished. Hopefully one day makita ko nalang to na 1 million views na.



Di naman masama mangarap diba? haha. Still tatapusin ko to kahit walang nagbabasa. Sayonara!



Arigatou!




I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon