A/N: nagising ako dahil sa isang tawag. It was my bff from london, tumawag siya just to say "mag UD kana, ang ganda na ng scene pabitin ka!" And natawa ako bigla imbis na nainis ako at nanggambala siya ng tulog. Take note, LALAKI yun. Imagine lalaki magbabasa ng wattpad? Amazing! Btw thanks sa loyal losters ko JhoycelRamos and Iamroyalblood for still supporting arigatou! Goodnight!
~Thermo Pov~
Badtrip naman oh!
Tss. Badtrip talaga!
Kaya pala! Kaya pala napaka over protective nitong si AC kay Natasha, siya pala si Paris.
Letse, kaibigan ako itinago sa akin?
Kelan niya pa nalaman?
Arrgggghhh ang daya! Nakakaasar si AC.
Parang others!
Patay ka sa akin mamaya.
Natapos ko na lahat ng email na kailangan sagutin. Hindi ko nga alam kung ilang oras ba akong nakatingin sa kawalan at iniisip na si Paris at Natasha ay iisa?
Tss.. Kaya pala ang dami kong nakikitang similarities nila ni Paris, yun pala siya pala talaga yun!
Ang dami dami ko pang ginawang account nyeta, para lang mahanap siya?
Pumunta pa ako sa mga clinic at take note inisa isa ko sila para magtanong kung naging client nila ito
Alam ba niyang nagoapakahirap din akong maghanap kay Paris?!
Tapos nung nahanap na, wala man lang pasabi tong gagong to at sinarili na?
Bigla namang nagtext sa akin si Petron, oo si Petron na gasolinahan. De joke lang.
Ayyy bwisit, pati yung mga reader nadadamay sa mga kapunyetahan ko sa katawan.
Ikaw ba naman kasing mainis ka pero di mo mailabas? Diba nakakabwisit talaga. Masarap manapak pero kailangan mong kumalma?
Sinabi ko kay AC na andyan na si Petron. Tss.. Naiinis ako, parang ayoko munang makipag usap sa kaniya.
Nalaman na namin lahat ng gusto namin malaman pwera sa paano pigilan ang notebook?
Nasa tapat na mismo ng sensor si Shellane sa di namin maintindihan na dahilan ay paanong napunta ito sa tapat ng HQ.
Pinapasok ito ni AC kung kayat posible na makita ko ang babaeng iyon.
"Tss.. Sabi na e" biglang napasmirk si AC at nakatingin kay Shellane.
Teka..?
Parang kilala ko to?
Siya yung....
Yung yaya nila Natasha na nagbigay sa akin ng tubig ahh?
"Anong kailangan mo traydor?" Napalingon kaming lahat kay AC ng sambitin niya yun.
Hoyyy gago?! Kung gusto mo nang mamatay wag mo kami idamay?!
Nag aalangan si Shellane na mag salita. Para itong natatakot.
Bakit ganun? Parang baliktad?
Diba dapat si AC pa ang dapat matakot at hindi si Shellane?
Si Shellane ang may kapangyarihan dito, hindi si AC diba??
"Ahmmm.. B-brok" nanginginig ang boses nito. Para itong kinukulob ng takot. Nanginginig siya at kinukuskos ang sariling damit.
"Ano?!" Sigaw ni AC kay Shellane.
Abat?!
Kapag ikaw nakulam bahala ka.
"Ka-kasi po....." Nangingiwe ngiwe na ito kaka ahh ehh tas kuskos sa damit.
Ano ba to? Naglolokohan kami?
Siya ba talaga yung mangkukulam?
Bakit ganyan?
"Sasabihin mo ba o babarilin kita?" Inis na sabi ni AC sabay labas ng isang baril na may silencer.
Pare pareho kaming nanlaki ang mata at napaawang ang bibig.
"Ka-kasi p-po.. S-si ..." Pinutol ni AC ang pagsasalita ni Shellane bagkus ay hindi na pinabanggit pa nito ang pangalan ni M. Person ...
Secret daw kasi.. Hulaan niyo muna daw...
"Tinakot niya po ako." Hayy sawakas na sabi din niya.
What? Tinakot ka? Ikaw pa natakot?
"Sabi niya kapag di ko daw binigay sakaniya ang note book, papatayin daw niya ang kapatid ko. " dire diretso na siya ngayon, hindi na mapigilan walang preno meeeen!
Yung totoo? Ito talaga yung mangkukulam?
Hahahahahahhahaa pota nagpapatwa ba kayo?
Pagkatapos kong matakot dun sa kabilang chapter, ito lang pala yung kinatatakutan ko, mas takot pa papala sa akin xD
"Nasan ang kapatid mo?" Lumapit si AC kay Shellane at inabutan ng tubig. Napansin siguro nito ang nanginginig nitong katawan siguro sa labis na takot.
"Di ko po alam brok. Kaya po ako nasa bahay nila Natasha para kuhanan siya ng buhok araw araw. Tapos ibibigay ko sakaniya. Yun kasi yung kailangan ng notebook ko para makontrol niya ang taong gusto niyang paglaruan" pagkatapos nitong magsalita ay dire diretso niyang nilagok ang baso ng tubig.
"Ako na ang bahala sa kapatid mo." Testimonya ng isang to..
Wooooohhhh! San mo hahagilapin ang nawawala?
"Talaga Brok?" Maluha luha na ang isang to, tss... Sayang ang ganda mo pa naman kaso argghhh mangkukulam ka.
"Oo." Tumaas ito ng tingin at matalim siya nitong tinignan.
"Kung pupuksain mo ang kapangyarihan ng notebook mo.." Kung gusto mong makakita ng living demonyo. Wag na kayo lumayo guys.
AberCrombie Sagittatius Marks is in the house!
Sumang ayon naman si Shellane sa kondisyon ni AC basta mailigtas lang nito ang kapatid niya.
"Gusto kong malaman kung paano mo mapupuksa ang notebook?" Monotone voice tapos umupo uli sa sofa naparang si L.
"Ahh.. An-ano po. " nanginginig na naman siya. Siguro dahil alam niyang dead meat na siya mamaya.
"Ano!" Bulyaw na naman ni AC. Tss.. Init na naman ng ulo.
"Mahawakan ko lang po ang notebook at madasalan ko lang po iyon at matanggal lahat ng buhok na nakaipit sa bawat pahina noon, magsswitch na po ang lahat ng plano niya sakaniya. " mabilis na sabi ni Shellane habang nagkukuskos pa din sa dmit niya.
Ano ka ba? Naglalaba? Bakit kuskos ka ng kuskos?
Gusto mo sabon?
"Paano ako makakasiguro na nagsasabi ka ng totoo?" Matalim na tingin ang mas lalong nagpanginig kay Shellane.
"Magpapabigti po ako o magpapabaril po ako sainyo kapag di ko po nagawa." Magandang pamalit yan shellane. Siguradong magugustuhan ni AC yan.
"Sige, bukas pupunta ka ng school. Hahanapin mo siya at pipilitin mong bawiin ang notebook. Gawin mo ang lahat para di na niya magalaw pa si Natasha. At ako?" Dumampot uli siya ng gummy cola worms sa bowl.
"Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang kapatid mo, kapalit ng pagkawala ng epekto ng notebook mo" malagom. Nakakatakot. Mapagbanta ang pagkakasabi ni AC sa mga salitang binitawan niya kay Shellane habang ang isang ito ay nanginginig pa din sa takot.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...