Chapter 11

105 6 0
                                    


~Sagi POV~ 




Kakagising ko lang dahil sa sigaw ni mama mula sa baba. Hindi nga pala ako pumasok at nagdahilan na masakit ang tyan ko kahit ang totoo natatamad lang ako pumasok.



Tumayo na ako sa kama at nagpunta ng banyo para mag hilamos tapos saka bumaba para kumain ng almusal.



"Ok na ba ang tyan mo anak?" nakita kong nagliligpit na ng pinag kainan si mama. Kakaalis lang ata  ni Aries. 


"Medyo po pero may kirot pa po, mama" 


kahit wala naman talaga... 


at nag iinarte lang ako mama.. 



"hayy.. ano kaya nangyari sa tyan mo, di ka naman nasiraan kaya?" may pag aalala sa mukha ni mama.


"Siguro mama biglaang sakit lang to, obserbahan ko na lang po." ngumiti ako habang sinasabi ko yun, kahit paano ayoko din nag aalala si mama sa akin. 


"Sigurado ka anak?" hinarap na ako ni mama at itinigil ang pag liligpit. 


"opo mama." tas ngumiti ako ng matipid. 


"oh sya sige, may almusal pa dyan pinagtira talaga kita, kain kana." turo ni mama sa mga nakatakip na pagkain. 



"tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka ha. " tas ngumiti uli ako kay mama. 


At umalis na siya. 



Kumain na lang ako ng malumanay at nag iisip ng susunod na gagawin, napapaisip din kasi ako sa dahilan bakit tumawag si Nasha kagabi. 



At si Aries pa ang nakasagot, tsk! Ano kayang pinag-usapan nila?


Sinabi ko sa babaeng yun wag na wag tatawag sa landline, kung maari sa phone ko na lang. 



Nang matapos na ako kumain pumunta na uli ako sa kwarto para maligo. Gusto kong magpahangin at maglakad-lakad. 







Naisipan kong magmall nalang tutal aalis din daw si mama sa bahay at wala din naman ako makakasama kaya gagala na lang ako. 



Naglalakad-lakad ako sa mall ng makakita ako ng magandang damit. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



napangiti na lang ako at naging malikot ang isipan ko. At bigla ko nalang naisipan na...




Bagay ito kay Maria Clara....


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: para sa may mga wifi dyan makikita niyo lahat ng pinopost kong pictures dito kung anong itsura ba talaga. Minsan kasi natatamad akong mag describe e kaya sa picture ko nalang ibabase. Para naman sa offline readers ko, kapag nalang nakapag wifi kayo tignan niyo nalang yung pictures. 


Arigatou!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~




Agad akong pumasok sa shop at binili ang nagustuhan kong damit.


ngayon may panregalo na ako sakaniya kapag sumama siya sa Fieldtrip. 



bagay na bagay to sakaniya.. Sa ganda ba naman niya, tsk walang kupas. 









A/N: Losterssss! ang ganda ng damit diba??? alam niyo bang pinapangarap kong mag suot ng ganyan kaso di babagay sa akin XD




anyhow sa google ko lang nakuha yan ha..



comment share vote 



Arigatou!

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon