~Natasha POV~
Huwag kang mag alala proprotektahan kita sa kahit sino. Kahit iyang misteryosong tao na sinisiraan at tinatakot ka, hahaunting-in ko wag ka lang niyang masaktan.
Bakit nung sinabi niya yun sa akin, parang ang saya ng pakiramdam ko. Yung lahat ng bother ko nawala talaga. Yung afraid, pain, pangamba.. Lahat! Nawala, yun ang epekto ni AC sa akin kapag nasa tabi ko siya. Parang ang safe safe ko talaga.
Nakauwi na ako galing sa principal's office. Hindi muna ako pinapasok ng principal ng isang araw dahil sa mga kababalaghang nangyayari sa akin, excuse na ako at binigyan nalang ako ng sandamukal na assignment at home activities na ipapasa ko bukas.
Pero keri lang, madali naman ako matuto.
Eto ako nakahilata na sa kama ko. Bored na bored lang naman dahil tapos na yung sandamukal na gawain at wala na uli ako mapag kaabalahan. Ayoko naman mag facebook, makikita ko lang mga post ni Sagi at Marcla. Baka bigla na naman akong mag shut down at madepress na naman.
Kalma na yung nararamdaman ko kay Sagi, dahil din siguro lumipas na. Pero di naman mawawala un e kung di pa talaga ako makakamove on sakaniya, magiging ganito pa din ako nasasaktan sa twing makikita sila. Isang bagay din kaya pabor na ding di ako pumasok.
Diba ang galing? Pagkatapos ng isang taon na pagiging unofficial namin, nauwi lang sa wala. Nauwi sa wala lahat ng pinagsamahan, yung effort, yung time, yung sacrifices and LOVE.
Naluluha nalang ako kapag naaalala ko kung gaano kasakit nung iniwan at pinagpalit niya ako.
Si marcla?
Si Maria Clara Bacardi, official treasurer ng Student Council o SC. Matalino siya gaya ko pero hindi siya nagbalak lumipat sa A dahil sa isang dahilan. Ayaw niya daw ng plastikan.
What she mean by that?
Yun ang sabi niya noong pumunta siya sa official announcing of officials sa bawat grupo na hinahawakan ng school.
Mabait daw, maganda at matalino ( ulit-ulit), masipag, classy at loud. Yes, matapang din siya, marunong siyang magtaekwondo kaya hinahangaan siya sa school.
In fact, siya ang kinocompare sa akin. Dahil parehas daw kaming matalino. Kung ako isang tahimik na babae, siya naman showy at loud.
Maraming nanliligaw sakaniya dahil sa mga katangian naniyon kahit ako ay ganun din. Pero dahil boyfriend ko si Sagi kaya wala akong ineenertain na kahit isang manliligaw.
Sa loob ng 1 taon si Sagi lang ang taong minahal ko. Loyal ako sakaniya dahil gusto kong ibigay sakaniya yung girlfriend na maalaga, masayahin, mapagmahal, maintindihin at higit sa lahat maunawain.
Pero nagawa pa din niya akong ipagpalit kay Marcla. Napapaisip nalang talaga ako kung ano bang kulang sa akin?
Hindi naman ako greedy para hindi ibigay iyon kay Sagi. Kaya kahit masakit, kahit alam kong agrabyado ako, kahit alam kong ganun nalang kadaling napalitan ni Sagi ang isang tulad ko, ok lang.
Kakayanin ko nalang talaga magmove on.
"Nasha'' boses ni papa ang narinig kong nasa labas ng pinto habang kumakatok siya.
"Come in papa" pleasantly i said.
Bumukas ang pinto at nakita ko ang imahe ni papa na nakatayo doon at nakangiti sa akin.
"Anak, magbihis ka. " nakacross arms ito at nakatayo sa gilid ng kama ko.
"Saan tayo pupunta, pa?" Bumangon ako at umupo sa kama.
"Diba, yung bodyguard mo?" Pagkibit balikat niya habang sumesenyas na magbihis na.
"Hayy papa. Kayo na lang po." Humiga uli ako na tamad na tamad.
"Anak naman, simulan mo ng maging good to your bodyguard. " nasa ganun pa din siyang itsura habang nakatingin sa akin.
Napasigh nalang ako at no choice. Papa's will lagi.
Bumaba ako sa sala to see my new bodyguard. Akala ko naman aalis talaga, di pala buti nalang di ako nagpalit. Tooth Ache, a tall, pogi, red hair, blue eyed and madaming muscle sa katawan.
Hindi siya mukhang teenager for his physique, instead he look so damn model ng brief sa magazine. Yung may abs, may mga alaga sa braso. What the???
Di na ako nagpalit ng damit, ok na ako sa panjama ko at oversize t shirt.
"Magandang umaga po, mam. " his first greet.
I just simply wave my hand and order him to sit down again after he stand up together with his greet.
I sat down to a solo sofa and try to be a nice person on earth even though i really dont like having a BG.
Nag usap sila ni papa while i am listening. Naririnig kong iniintroduce ako ni papa kay Tooth Ache, ang awkward ng name niya diba?
Actually di naman ako galit sakaniya, wala lang talaga din ako sa mood to minggle.
"Dahil di siya pumasok kaya di na muna kita pinapasok, suppose to be kasabay ka dapat niya pero nag order na yung school principal nila na one day vacay siya kaya dito ka muna magstart. " narinig ko pang sinasabi ni papa kay Tooth. Tango lang ng tango si Tooth Ache. Hayy, ang hirap bigkasin ng name niya kapag tunay na masakit ang ipon mo :/
"Ok lang po" magalang niyang sabi. Halatang halata sakaniya na BG siya talaga kasi ang tikas tikas niya habang nakikipag usap. Lagi siyang alert at malakas ang pakiramdam. Pansin ko yun sakaniya na panay ang tingin sa akin sa twing mahuhuli niya akong nakatitig sakaniya ng alanganin. Bakit naman kaya iyon ang pinili niyang trabaho.
"By the way sir, di po ako pipirma ng contract para maging official personal BG niya. Sabi po kasi ng boss ko, ako muna daw po ang humawak nito habang busy pa daw po siya sa mga dapat niyang gawin. " iaaro sana ni papa ang contract niya for the whole school year pero tinanggihan nga niya, dahil sa boss niya?
"Bakit naman Tooth?" May tunog na pang hihinayang sa boses ni papa. Hayss ang pangit pakinggan ng name niya :/
"Hindi din po kasi applicable sa akin ang 24 hr duty dahil may studies po ako at may trabaho po ako iba pa sa work na inaalok sa akin, hindi lang po ako makahindi dahil nirerespeto ko po ang boss ko. May papalit naman po sa akin basta once matapos lang yung boss ko sa ginagawa niya" ngumiti ito ng husay at nagkwentuhan pa sila ni papa.
"Sana yung papalit kay Tooth kapag umalis na siya ay kasing galang at bait niya. " kasabay ko si papa uminom ng kape. Pagkaalis ni Tooth ay nag aya si papa dito.
"Hope so papa. " matamlay kong sabi. Sobrang moody ko ngayon promise. Feeling ko talaga may kulang.
"Hayy bata ka. " yun nalang nasabi ni papa at tinuloy na ang pag higop sa kape.
A/N: hi losters! Eto na po ang pinangako kong chapter for tonight. Kakauwi ko lang kasi galing sa pag gala. Sana magustuhan niyo tong UD ko. :))
Nga pala, happy easter! Sino sumalubong sa pagkabuhay ni jesus.
Meee!!!!! ^^
Oh sya sya. Babush na muna happy reading guys.
Arigatou!
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...