~AC POV~
HAHAHAHAHAHAHA!!!!!!
Sorry readers natatawa talaga ako. Ikaw ba naman makinig sa babaeng galit na galit na at sa system na malakas mantrip.
Utas na ako kakatawa dito sa office ko, grabe di ko maimagine mukha niya sa kakatawa ko. Ni hindi ko na makita ung monitor kakatawa sakanila.
"Nang maliit ay sirkero, nang lumaki ay musikero? Anong tamang sagot?" Tanong ni Near kay Orange. Si Orange ang assistant ko dito sa Batangas branch. At gaya ni Ginger, pinagtritripan ni Near ang mga assistant at tauhan ko pang iba.
Naririnig kong nagmumura na si Orange. Di kasi siya mahilig sa bugtong, e etong si Near nagformat ng kaniyang language, napili niya pa naman filipino kaya itong si Orange mas lalong nabadtrip.
"Hahahahaha ang sakit na ng tyan ko sa itsura ng dalawang ito" hagalpak na talaga ako ang sakit sakit na ng tyan ko kakatawa. Kanina pa kasi sila dyan alas tres e anong petsa na alas kwatro na.
Kasabay ng pagformat ni Near sa sarili niya dinamay na din niya ang pag non stop QAP niya sa mga pumapasok na tauhan ko kapag hindi owner ang papasok.
"Enrique Gil?" Sagot ni Orange.
Tumawa ng malakas si Near kaya lalong nabadtrip si Orange. Ako naman napapaluhod na sa kakatawa. Kanina pa kasi sila dyan. Eto namang si Orange ang ulaga sumagot.
"Tubig oh, baka mamatay kana kuya kakatawa" inabutan ako ni Cherie ng glass of water. Nga pala kasa kasama ko si Cherie lagi kapag nasa office ako. Minsan inuuwi ko siya sa bahay niya na binili sakaniya ng daddy niya.
"S-sa-la-mat." Utal na utal sa kakatawa na sabi ko at nakaluhod na ako sa sahig.
Grabe sila oh.
"NEAR! tama na, mamamatay na ako!" Order ko sa system ko at tumawa uli ito ng malakas.
"Pinapapasok na po kayo ni Brok. " huling sinabi ni Near bago bumukas ang pinto ko at galit na galit na pinuntahan ako ng babaeng ito pinalo ako ng makapal na cardboard ni Orange.
Laging ganito ang eksena ko kapag dumadalaw ako sa office ng kahit anong branch. Ako tatawa lang ng tatawa dahil sa mga ginagawang trip ni Near tapos bubugbugin naman ako ng mga assistant o tauhan ko haha.
Pero ang bago ngayon ay ang tumatawang bata sa sofa. Si cherie.
"Sira ulo ka talagang lalaki ka! Mamamatay na ako kakaisip dun, ikaw naman mamamatay na kakatawa dyan?! Bullshit nakakagago ka talaga." Napasabunot ito sa buhok niyang pang army cut. Tomboy nga pala si Orange, haha. Di din siya prutas tao siya haha.
"Aba, wala akong kinalaman diyan. Si Near ang awayin mo, siya may pakana niyan." Matawa tawa kong sagot saka ako tumayo mula sa sahig.
Kinuha ko yung tubig at ininom iyon. Lagok kung lagok, naubos kaya ung energy ko kakatawa sakanila.
"Tss.. Letse ka. Oh! Mga pinapahanap mo, next time si Gay na ang paghanapin at papuntahin mo dito! " tumalikod na ito at padabog na naglalakad palabas.
Pagkalabas ni Orange ay utas na naman kami kakatawa ni Near. Maging si Cherie. Paano ba naman nagpahula na naman ni Near ng bugtong. Grabe kung nakakamatay ang sobrang pagtawa kung wala lang heart disease baka nauna na ako haha.
"AACCCCCCC! ANOOO BAAAAAA!" narinig ko na naman ang magic word ni Orange haha. Galit na galit na naman sa akin ang isang to, di ko kasi tinutulungan. Kung sabagay nag eenjoy ako habang pinapanood sila. Sorry na mga reader sadista din kasi ako minsan XD
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...