Chapter 19

85 8 0
                                    

~AC POV~

If I got locked away and we lost it all today...

Tell me honestly...

Would you still love me the same?

If I showed you my flaws if I couldn't be strong...

Tell me honestly...

Would you still love me the same?




Habang tinitignan ko ang dagat naalala ko yung mukha ni Natasha doon sa elevator. Kasabay noon ang pagtingin ko sakaniya mula sa likod. Pabalik na kami ng pampang dahil malapit ng mag gabi, madami na din naman kami napuntahan gaya ng Bat Island kasi puro paniki yung nasa ibabaw nito. Meron ding Children's Island, Governor's Island at iba pa na nakakaattract sa mga turista.


Lahat sila napuntahan ko na sa twing mag fifieldtrip ang school. Sa unang pagtapak ko dito sa Hundred Islands, it was fun. Sobrang saya ko nga noon dahil first time kong makapunta noon, it was my 1st year experience. Hindi pa ako ganitong ka-cold, ka-silent isa lang akong batang masayahin noon, nagsimula lang naman akong maging ganito noong mapunta ako sa trabaho ni Uncle McQueen.


Siguro natuto lang ako na mas maging mapag matyag sa mga kinikilos ko at sa paligid ko.








"Maganda siya Brok" paninimula ni Thermo, magkatabi nga pala kami sa bangka habang nasa unahan namin sila Natasha. Tahimik lang silang dalawa habang si Thermo at ang ibang tao ay maiingay.


"Sino?" tinanggal ko yung earbuds ko kasi may narinig akong sinabi ni Thermo.

Kumunot lang ang noo niya at ngumisi.

Gago ka talaga..

"Doon tayo sa likod." tas tumayo siya at pumunta sa likod ng bangka. Masikip ang daan kaya kapansin pansin ang kinikilos namin ni Thermo at nagsitinginan sila sa aming lahat maliban sa dalawang nasa unahan namin kanina.


"Anong sinasabi mo Brok?" iniwan kong nakababa ang isang earbuds ko at iniwan ko ang isa sa teinga ko. Naririnig ko naman yung mga sinasabi niya kahit sabay akong nakikinig.

"Ang sabi ko ang ganda niya..." umakbay sa akin ang isang to at kinuskos ang buhok ko.

loko talaga. Mahirap mag blower ng buhok.

"Sino nga?" napatingin ako kay Natasha kasi naagaw niya ang atensyon ko ng tumayo siya at inabot ang inaabot ng Trio Bulos. Phone?




"Edi yung tinitignan mo.." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ano ba pinag sasabi nitong kumag na ito? kumain naman yan kanina bago kami umalis.


"Oo, maganda siya Brok." cold kong sabi, ano pa nga bang magandang sabihin sakaniya? tapos ilalagay ko na sana yung earbuds ng humirit pa siya.


"napapansin ko kasi pa lagi kang nakadikit sakaniya. Lagi kang nakatingin sakaniya. Lagi mo siyang sinusundan at binabantayan. " mas humigpit pa ang pag akbay sa akin ni Thermo tapos kinuskos na naman ang buhok ko. Problema nito sa buhok ko? Inggit ka Brok?




Brok ang tawag niya sa akin dahil Brother King ang code name ko sa trabaho ko. Dahil matalik ko naman siyang kaibigan kaya may tiwala naman ako kaya sinabi ko sakaniya kung anong klaseng pamumuhay meron ako.

Minsan tunay na pangalan ko AC , minsan BROK minsan naman apelyido ko ang tawag niya sa akin. Iba-iba ang tawag sa akin ng gung-gong na yan. Maging ako ay same lang din ng tawag, first name, palayaw? last name. or BROK.

pero mas madalas, BROK kami. NakiBrok na din ako.




Naging magkaibigan kami ni Thermo since gradeschool medyo nakakamangha nga ang pagkakakilala namin e. Dahil siya pa ang unang nagligtas sa akin, oo readers narinig niyo. Nagligtas sa akin.

Siya ang dahilan kung bakit mas ginalingan ko sa trabaho ko, para napapagtanggol ko ang mga kaibigan ko at mahal ko sa buhay, gaya niya.

Niloloko nga ako ng Uncle ko na baka my something sa amin kaya kami close na close sa isat isa, ang paliwanag ko na lang doon ay. Tunay lang talaga siyang kaibigan na dapat ingatan.


Niligtas niya ako noong grade 5 ako sa mga taong kikidnap sa akin, dahil ang tatay ko ay mayamang business tycoon kaya naman ang puntirya nila ay anak nito para humingi ng ransom.

At sa pagkakataong iyon nakahanap ako ng tunay na kaibigan, di lang dahil mayaman ako at kilala. Kundi dahil gusto niya din akong maging kaibigan.




babaw diba? pero it means to me, alot.


"Brok, ngayon lang kita nakitang nagkaganyan sa babae. " tas umalis na siya sa pagkakaakbay sa akin.

lumagom ang boses niya nung sinabi niya yun. At tumingin kay Natasha.


"di ka man umimik Brok, pero nararamdaman ko na di mo maiwan si Natasha." nilingon ko siya sa mga pinagsasabi nito. Ano nga ba ang pinagsasabi nito?


"Thermo, anong trip yan?" kumunot na yung noo ko. Di ko siya magets.


"Tss, yan mahirap sa gaya mo Brok. Di mo maintindihan ang dinidikta ng katawan mo. " tapos ngumisi ngisi siya na parang may alam siya at talagang may laman ang mga sinasabi niya.


"Matalino ka nga, magaling sa trabaho. Sa academics pero sa pag ibig hindi. " tapos tumayo na siya at nagsimula nang bumalik sa pwesto niya kanina.


Ano bang sinasabi nito? Matalino naman ako pero di ko makuha ang ibig niyang sabihin.




Imbis na bumalik ako sa upuan namin, dun nalang muna ako pansamantalang umupo sa likod para mapag isa at makinig ng music.

pero di mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Thermo..




Tss, yan mahirap sa gaya mo Brok. Di mo maintindihan ang dinidikta ng katawan mo....

Matalino ka nga, magaling sa trabaho. Sa academics pero sa pag ibig hindi ...












A/N: Ok! eto na naman ako, nag gagawa na naman ng inadvance na chapters para just in case na di ako makapag UD agad may maippublish ako hahahahahha. Minsan kasi talaga namemental block na ako sa sobrang gusto kong ilagay di ko alam ano uunahin ko. Tapos yun hows my UD for today? ayos ba? reactions po? Siguro naguguluhan kau bakit ganun si Thermo ano? Pero wag kayong mag alala sa next chapter masasagot na yan :)

nga pala yung lyrics na nasa taas, kanta yung na LOCKED AWAY. FAVE song so far hahaha. :)


Arigatou!

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon