Chapter 34

107 8 2
                                    

~AC POV~

Tss..

"Umamin kana, hindi ka din naman makakalabas dito kung di ka aamin." uncle McQueen said kay Holler. Kalma lang itong nakatayo habang nakacross arms.

Dinuraan ni Holler si Uncle kung kayat bigla itong nagalit at diniinan ang sugat nito sa hita. Nasa hospital kami ngayon at kasalukuyang pinapaamin ang limang suspek sa pagnanakaw at pang hahack nila sa system ng MVC.

Tss.. Kahit hindi naman sila umamin ngayon, im sure lalabas at lalabas din ang baho nila kapag ako na ang nagpaamin sa kanila.

Kasama ko ngayon ang batang si Cherie na mismong ginagamit nila sa panghahack. Si Cherie pala ang utak nila habang sila lang ang gumagalaw para dito. Walang kaalam alam ang batang ito na gagamitin sa masama ang katalinuhan niya. Kung di niya susundin ang mga ito ay binabantaan siyang sasaktan at papatayin.

Anak si Cherie ni Mr. Shinigami, isang mayamang scientiest sa London. Matalino siya sa lahat ng bagay sa murang edad na 10 anyos ay nakikitaan na ng angking galing sa technology. Kinidnap ito ng mga walang kaluluwang grupo nila Holler at ginawang sunud sunuran sa kanila.

Isang impoit na sigaw pa ang umalingawngaw sa loob ng kwarto ng lima, bukod sa tinotorture ni Uncle ang mga ito sa pamamagitan ng pag diin, pagsapak sa mga sugat nito.

"Hayaan mo na Uncle, ako na ang bahala sakanila. Makalabas man sila dito ng buhay at magaling pero sa labas sisiguraduhin kong magsisisi silang lumabas pa sila. "scary ika nga ang sinabi ni Cherie nung marinig niya ang boses ko. Nakita ko din sa mga mata ng limang gung gong na ito ang pagrehistro ng takot at pagkagulat. Ganoon na ba ako kademonyo tignan?

Napangisi nalang ako sa labis na tuwa, tuwa na nagiging inis.







Tumawag si Thermo at sinabi nitong nasa kwarto na daw sila ni Natasha. Sinabi ko kasi dito na bantayan ito habang ginagawa ang mga test at hanggang sa makabalik ito sa hotel kasama na din ng mga 3-D na inutusan ko.

Leader ako ng DA o Detectives Association, may koneksyon din ako sa ibat ibang organization sa bansa kung kaya naman kilala na kami sa NBI. Naimpluwensiyahan ako ng tito kong si Lighting McQueen na magtrabaho sa kaniya hanggang sa makabuo kami ng samahan ng mga kaklase ko, oo ang 3-D sila ang mga tauhan ko. Lahat sila maging babae man ay kasali sa grupo ko.

Alam naman ng eskwelahan kung anong meron sa akin kay thermo at maging sa buong section. Sinabi naming wag itong ipagkalat at ipagsabi dahil kahit papaano may karapatan din kaming mag aral ng matiwasay at hindi pinagkakaguluhan sa eskwelahan. Kahit ang totoo, pinagkakaguluhan pa din dahil sa angking itsura at karisma daw namin. Tss... kaya minsan ayokong dumikit sa babae e.

Lumabas na kami ni Cherie at iniwan ko na ang tiyuhin kong panay pa din ang ginagawa sa limang gago. Tss.. Huwag niyong hintayin na ako ang mag paamin sa niyo mga gung gong, dahil sisiguraduhin kong sa hukay na ang susunod niyong hantungan.



"Kuya.." tumingin ako sa batang babaeng kanina lang ay takot na takot nung nakuha ko siya sa loob ng kwarto.

"Ibabalik niyo na po ba ako sa amin?" she cold said. Ang kulay brown na mata nito ang siyang nakakapukaw ng atensyon ko. Bukod sa para kanang hinihipnotismo parang kumikinang din ito kapag mas tinitigan mo.

"Yun ba ang gusto mo?" nginitian ko siya at hinawakan ko siya sa ulo.

"Gusto ko na po kasi makita si Papa e" bigla siyang yumuko at tumingin sa baba.

"Makakabalik ka din sakaniya Cherie. "at kinuskos ko uli ang blonde na buhok niya, siguro ang ina nito ay european kaya naman kakaiba ang kulay ng buhok niya.







I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon