Chapter 40

101 6 4
                                    

~Natasha POV~

Ibinalita niya sa bahay ang nangyari sakaniya. Kahit alam niyang mag aalala sila, kailangan pa din niyang malaman iyon.

"Anak, hindi na nagiging maganda ang lagay mo sa eskwelahan na iyan, hindi kana ligtas dyan. Baka naman mapano ka uli" pag aalala ni Mama sa akin habang kumakain kami. Kung kelan masarap ang ulam saka naman tensyonado ako huehue.

"Sa tingin ko dapat na uli kitang ilipat sa ibang school pagkatapos ng school year mo dyan." Mahinahon at cool na sabi ni papa. Pero napakunot ako ng noo ng maintindihan ko ang sinabi niya. Seryoso si papa pag dating sa akin. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan ako at lalong lalo na ay naaagrabyado. Kung maaari lang ay mas gusto niya pa na mag home study nalang ako. Pero ako ang mapilit na gustong pumasok. Gusto ko naman maramdaman uli yung makipagsabayan sa mga ibang teenager dyan, nakakalungkot naman kasi kung dito lang ako sa bahay.

"Papa, isang taon nalang gagraduate na ako, ayoko naman iwan si Susi doon. " pagmamaktol ko dahil ayoko na din namang lumipat ng ibang school gaya nung first year.

"Oo nga naman papa. Isang taon na lang siya gagraduate na. Sayang naman yung mga makukuha niyang awards, for sure sumusunod to sa yapak ko. " pagkuskos nito sa ulo ko tss ano ako aso kuya..

"Nagyabang na naman si kuya..." Nasambit ko with sarcastic tone.

"Sus, If i know top notcher ka. Mas nataasan mo na ngayon yung lalaking top notcher niyo" napatameme ako kay kuya, abat san niya nakuha iyon e secret ko pa lang sana e. Dahil surprise kong sasabihin kina mama.

"Abat! San mo narinig?!" Inis kong sabi. Tapos hinatak ko si kuya sa damit habang siya naman ay paloko lokong naiwas sa akin.

"Hahahaha. Dont me. Mas mautak pa din ako sayo. Genius ako ikaw smart lang. " tawa niyang pagmamayabang. Tss.. Kuya hanggang sa school ba naman nakakaabot yang radar mo.

"Oh talaga anak? Top notcher ka sa school niyo? Ano iyon, naglaban kayo ng ibat ibang year?" Excited na tanung ni mama. Kitang kita ko sakaniya na masaya siyang marinig na ang anak niya ay matalinong bata.

"Opo mama, gaya nung kay kuya. Nag quiz bee kami last last week tapos niranking na agad. Surprise ko sana sainyo kaso naunahan na ako ni kuya" tinignan ko ng masama si kuya at siya naman ay masayang kumakain.

"Oh my god! Tama nga ang kuya mo, sumusunod ka sakaniya. Wow golly wow. Honey, may mga anak tayong genius" proud na sabi ni mama kay papa na nakayuko pa din at seryosong kumakain

"Kanino ba mag mamana?" Walang kalatoy latoy pero nakapukaw iyon sa amin kaya natawa kami bigla. Alam mo yung banatan ni mirriam santiago, yung seryoso na siya sa itsura niya tapos biglang huhugot ganun na ganun ang papa haha.

"May pagmamanahan nga si kuya" i rolled my eyes. Pamilya ko nga talaga sobrang chill.

"Pero mapanganib na sayo ang mga ganitong bagay. Lalo nat may nananakot na sau, gaya nalang nung bulaklak? Sinong matinong tao ang gagawa nun?" Chill tone pa din si papa. It means calm na siya at pwede mo ng sagutin. Ok serious na uli sila..

"Yes papa i know you are worried too. Pero kasi sayang talaga kung lilipat ako. Yung mga makukuha ko nga naman po masasayang lang, bihira nga lang po ang gaya ng school ko na di nagdidiscrimate ng transferee. "Sad kong sabi at nag pout.

"Sabagay nga anak." Pag sang ayon ni papa.

"Ikuha nalang kaya kita ng bodyguard?" Suggestion ni mama.

"Mama. Great suggestion yan." Pag sang ayon ng matakaw na ito. Nakailang salad kana! Inubusan mo na ako kuyaaaaaa!

"Hmmm... Nice idea honey, pwede.." Pag himas himas ni papa sa baba niya, well parang nangiwi ako sa ideyang iyon. Lahat sila sang ayon.

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon