A/N: another UD guys. Happy birthday to mine.
~Narrator's POV~
"uuuyyyyyyy" sabay sabay naman na sabi nila Cherie, Thermo, Orange, John at Fitch.
Inihatid ko muna kasi si Natasha sa table ng family niya bago ako pumunta sa upuan ko.
"Tsk" yun lang nasabi ko.
"Bagay na bagay kayo Brok" nawala naman ang asaran nila ng magsalita si Cavi.
"Salamat Cavi." sabi ko at umupo na.
Nagsimula na ang seremoniya ng mga mag aaral ng DA, isa isa na nilang tinatawag ang mga aakyat sa stage at tatanggap ng memorandum, diploma at medal kung may award silang nagawa.
Sa kabila namang banda ay masayang nag kwkwentuhan ang pamilya Saveron sa kabilang table.
"Ang sweet ni AC sayo anak" kinikilig at humahagikhik na sabi ng mama niya
"Tsk, nanliligaw ba sayo yun anak?" singit naman ng papa niya.
napangisi naman ako. Hindi pa nga namin alam ang status namin e tapos ligaw agad? Ni hindi pa nga nagsasabi sa aking mahal ako noon e kahit dinedate na ako.
"papa, di po. Kaibigan ko lang po si AC" ngiti ni Natasha sa papa niya
"hahahahaha" panira talaga si Rusty. Tumawa nalang basta tas tinuturo turo si Natasha.
Palibhasa ay may alam to.
"Pero magsasabi ka kapag nanligaw siya" seryoso na sabi ng papa niya.
"Opo papa. Pero patigilin niyo muna si Kuya kakatawa, nakakahiya na po parang baliw"
Bigla bigla naman pinalo ng mama ni Natasha si Rusty ng pouch bag sa ulo.
Npatigil naman ang huli at tumingin nalang sa harap.
"And now, were calling the batch DA34 for taking their oath and walk." sabi ng nag hohost sa harap at isa isa namang nag si tayuan ang mga aakyat sa stage.
Nakatuon lang ang lahat sa pag akyat isa isa ng mga students ng DA. Imbis na toga ang suot nila, attire ng isang coat ang suot nila. Isang long black trench coat at sa ilalim noon ang mga damit nilang pang party tapos may sumbrero na kung tawagin may fedora.
"Ma, Pa. Cr lang ako. Wiwing wiwi na haha" aktong naiihi ni Rusty saka umalis ng payagan siya.
Sila naman nila Natasha ay nakatuon pa din ang tingin sa mga graduates.
"Mama" tawag niya sa mama niya at nginitian.
Nilingon lang din siya nito.
"Ang swerte siguro nila ano?" sabi niya.
"oo naman anak. After 6 months of training and 4 months in the field. Detective kana" parang teacher na nag kwkwento ang mama niya.
"Alam mo ba anak kilalang kilala ang Detectives Association dahil sa magagaling na detectives. Kapag dyan ka nanggaling tyak mabilis kang matatanggap or pwede iaabsorb kana ng mismong DA para maging member nila. Lalo na kung nasa Star Section ka nila."
"Bakit alam mo mama?" nagtatakang tanong ni Natasha.
"Eh yung pinsan mo kasi dun nag aral. Kaya nalaman ko, isa nga siya sa gagraduate ngayon e at Star Section pa!" pagmamalaki nito kay Natasha.
"Sinong pinsan ko?" nalilitong tanong niya.
"Si Orange? Di mo tanda? "
"Eh mama? si Ureng?" gulat na gulat na sabi niya dahil di niya mapaniwalaang si orange at si Ureng ay iisa at gagraduate na.
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mister / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...