Reminder: always remember the chapter that you had end to read. Para di malito sa susunod na babasahin, minsan kasi nagloloko si wattpad. Nauuna ang yung ibang chapter bago ung previous chapter. Arigatou!
~AC POV~
"Nalinis na ng 3-D yung hagdan, pwede uling gamitin. Inaalam na din namin kung saan nanggaling yung papel na may pangalan mo at yung Liqulifer" casual kong sabi sakanila sa loob ng principal's office.
Mas napapadalas na ako sa PO kesa sa classroom ko, tapos kasama ko pa si Natasha at ang buong squad.
"Ano ba ung Liqulifer na sinasabi niyo?" tanong sa akin ni Mr. Principal.
"Mukhang alam naman ni Tooth kung ano ang tinutukoy niyo..... Diba Tooth?" nilingon ko si Tooth na ngayon ay katabi si Natasha. Nalaman ko na BG niya ito.
Tumango lang ito at nagsimula ng magsalita, nakatingtin naman sakaniya ang lahat at hinihintay ang sagot niya.
"Mr. Principal, yung Liqulifer po ito yung liquid na kung saan ito po ay pinaghalong isang mataas na klase ng Mighty bond, x3 ng Rugby, meron din tong Hydrogen, Nitrogen, 50% of Oxygen, 74% of Flourine, Bromine at 50% muriatic acid na pwede talagang maging malaking damage sa isang tao lalo na kapag nailapat ito sa balat ng isang tao. " napasmirk nalang ako, natulala lahat ng nakikinig sakaniya pwera sa amin ng 3-D.
Alam ko naman kasi ang content nun pero mas pinili kong si Tooth nalang ang mag explain dahil specialization niya ang chemicals.
Nagtataka siguro kayo kung bakit parang kilala ko siya. Isa siya sa mga nailigtas namin ng grupo sa mga taong balak pumatay sakaniya dahil sa sobrang talino niya.
"Sticky ito na kahit anong bagay na mapadikit dito ay di na ito matatanggal, unless gagamitan mo ng Anti-Lifer. Kung madidikit ito sa balat ng isang tao, wala pang 1 minute lusaw na ang parte na nadapuan nito. Buti nalang at hindi naging malikot si Ms. Natasha kanina." maaliwalas ang imahe nito na kala mo alam na alam ang sinasabi kahit ang totoo, alam naman talaga niya.
"Ano yung Anti-Lifer na sinasabi mo and ano naman content nun?" tanong ni Mr. Principal
"Im sorry Mr. Principal. Pero hindi ko na po pwedeng sabihin kung ano yung Anti-Lifer, isa iyon sa secret weapon namin na hindi pwede magaya ng iba kaya paumanhin po." yumuko ito at bumalik na sa pwesto sa tabi ni Nasha.
Masunuring bata..
Hindi na naman nakaimik pa si Mr. Principal dahil alam naman niyang wala din siyang mapapala.
Unti-unti ko nang natutuklasan ang mga bagay bagay tungkol sa misteryosong tao na ito. Nagkakaroon na nga ako ng mga hula kung sino siya. Sa ilang araw na pagsisiyasat ko kadalasan sa maliliit na bagay pa ako nag kakaideya kung sino ba talaga siya. Madaming nakapila sa isip ko na posibleng siya ang nananakot kay Natasha, kaya ngayon napapangiti nalang ako habang inoobserbahan ko sila isa isa.
Sisiguraduhin kong kapag napatunayan ko na isa sa kanila ang taong yun, isasama ko sila kay Sagi sa pagpapahirap ko sa buhay nila.
Hanggang ngayon ay wala pa din kaming ginagawang aksyon para mahuli ang nasabing tao na iyon, pinakikiramdaman ko lang ang lahat ng nasa paligid ko lalong lalo na yung mga taong pinagsususpetsahan ko. Tama si Cherie, kung huhulihin namin agad siya, pwede siyang makaisip ng paraan para di siya mahuli agad. Tama din siya na mas maiging isipin noon na walang umaasikaso kay Natasha para mas mabantayan namin siya.
Unang ebidensya na nakita namin ay ang panyong Hello Kitty na nakita ko sa files at sa cctv footage, sunod ang korte ng katawan nito na parang sa babae, pangatlo ang height nito na kung hindi ka magkakamali ay matangkad at slim ito. Napansin ko din na wala siyang footprints kapag naglalakad ito, ingay man ay wala din.
Kaya mas lumalakas ang hinala ko na hindi lang basta simpleng tao ang hinahanap ko. Kundi isang matalinong tao at may kapit sa malakas na grupo na gumagamit ng mga hightech gadgets.
Pinahalughog ko sa mga tauhan ko ang lahat ng kapartner naming association, organizations at mga iba pang grupo malaki man o maliit. Posible kasing isa itong tao na ito sa mga member nila. Halos kilala ko lahat ng member nila sa loob ng eskwelahan na ito kaya kapag nahanap ko kung sino man sa mga iniisip ko ang taong yun, tss... lintik lang ang walang ganti.
A/N: Sorry guys, kung maikli ang UD ko, medyo exhaust lang din si author ngayon. Babawi ako next chapter guys. Nga pala reminder uli, yung mga nabanggit kong elements yun ay tinignan ko sa google kung anong use at description nila. Alam ko kasi na may mga chemist or scientist na matatalino dyan ayoko mapagalitan nila haha. Just for fun lang naman and imbento kang talaga yun.
VOTE SHARE COMMENT HAPPY READING!
Nga pala may naging mistake lang nag loko si watty kaya ung chapter 44 nahuli ng update. Pakibasa muna ng chpr 44 baho 45 read the title kasi malilito kayo sa pagbabasa thank you :)
ARIGATOU!
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...