A/N: HAPPY BIRTHDAY sa daddy ko :))))) and happy 800 reads and 143 votes. Oh my god i love you guys... Araw ng kagitingan!
~AC POV~
Bakit kaya hindi ako pinapansin ni Natasha?
Wala naman akong nasabing mali o nagawang di maganda.
Kanina pa iyon tumatakbo sa isip ko, nawawala ako sa focus kapag pumapasok talaga sa isip ko ang attitude ni Natasha kanina.
Tinignan ko uli siya na seryosong katabi si Susi na nakatingin naman sa akin.
Baka kahit siya ay nagtataka gaya ko.
Ok naman kami kahapon e, anong meron sakaniya?
"Ms. Saveron, can you please answer no. 4? " wala sa kawalan nagsalita ang math teacher namin
At siya?
Nakataas ang kilay?
Teka, bakit nakasmirk siya?
Nagkatingin lahat sakaniya ang mga kaklase ko and wow anong mukha ang pinakikita niya ngayon?
Ung dating mahinhin at inosente na mukha, ngayon ay mataray at maldita na?
Whats going on?
"Ms. Saveron, did you heard me?" Ulit ng teacher namin na halatang naiinis na kasi napahiya na siya tapos di pa siya iniintindi ni Natasha.
"Uy, Natasha" siniko na siya ni Susi pero wala pa ding action ang isang iyon.
Nagbubulong bulungan na ang iba pero siya wala pa ding action. Bagkus nakatingin lang siya sa teacher at nakasmirk pa din with eyebrows up.
Natasha ano bang nangyayari sayo?
Kanina ka pang ganyan.
Tumayo na ako at nilapitan ko ang teacher namin. Sinabi kong ako na ang sasagot ng no. 4 sinabi ko na ding masama ang pakiramdam ni Natasha kung kayat ganyan siya magkikilos ngayon.
Buti nalang at mabait ang teacher at naniwala naman. Naiisip nga nito na parang ibang tao si Natasha ngayong araw.
Tapos na ang klase namin sa math kanina. Wala kaming klase sa susunod dahil wala daw yung teacher. Tahimik lang ang 3-A at nag aaral ang iba para sa mga susunod nilang quiz.
Pero si Natasha? Hindi talaga siya nababahala sa mga nangyari kanina. Tahimik lang siya na nandon sa upuan nila ni Susi at nakatingin sa kung saan. Poker face lang.
Tsk, kakaiba siya ngayon. Dahil ba yun sa pinalitan ko si Cavi?
Galit ba siya kasi mas gusto niya ang isang yun kesa sa akin?
O baka di niya ako pinapansin kasi ayaw nya lang talaga sa akin.
Hindi na ako nakatiis at tumayo na ako. Hinawakan ko siya sa pulso at hinila palabas ng kwarto. Wala na akong pake sa makakakita sa amin.
And so?
I am her personal Body guard.
"Ano bang nangyayari sayo Natasha?" Paunang sabi ko sakaniya at tinignan ko lang siya.
*tunog ng crickets all thw way*
Fuck! Wala siyang sagot sa akin?
Nakatingin lang siya ng....
BINABASA MO ANG
I Lost My Gift (COMPLETED)
Mystery / ThrillerPalagi nalang napapaisip si Natasha kung bakit parang hindi alam ng boyfriend niyang si Sagi ang isasagot sa twing tinatanong niya ito tungkol sa mga binibigay niyang regalo. Ngunit habang tumatagal nagkakaroon na siya ng suspetsa. Habang nagkakaroo...