Chapter 51

90 7 0
                                    


~Natasha POV~



Simula ng kaladkadin ako ni Sagi palabas ng bahay nila palagi na akong ginugulo ni Marcla, sinisiraan na mang aagaw at di daw makamove on samantalang siya ang mang aagaw ng boyfriend sa aming dalawa.

Sinasabi niya pa na pinilit ko lang daw si Sagi na maging 1 year boyfriend ko dahil loner daw akong tao, wala daw naghahabol sakin gaya niya. At ang masama pa niyan, pinalalabas pa nila na sugar mommy ako ni Sagi kaya nag ibigay daw ako ng mga regalo.




"Tss.. Alam mo Natasha kung di lang ako late nun baka ako na ang gumanti para sayo. Sobra yang Marcla na yan ha! Napakamaldita. " galit na galit na amok ni Susi ng malaman niya ang tungkol sa pagsugod ni Marcla sa classroom at pagsasabunutan ako.

"At ikaw! " nakakagulat naman ka naman Susi kala mo lola kang nanenermon e.

"Di ka man lang ba lumaban? Anong klase ka! Hanggang ngayon takot ka pa din?" Ngayon naman, ako na ang inaaway ni Susi tungkol sa di ko paglaban kay Marcla.

Alam mo namang di ako lumalaban Susi diba? Tahimik lang ako di gaya ng iba dyan na gera na.

Isa pa, ayokong masira ang reputasyon ng kapatid ko para lang sa nakipag away ako.

Siguro matutunan ko din na lumaban kapag alam kong wala ng maapakan at kapag sobra na.

Pero sa ngayon palalampasin ko muna Susi kaya shut up na.

"Hayy Susi, hanggang dito ba naman? Kumain ka nalang please i am so tired of my life..." At humilata na ako sa kama ko para magpahinga. Hinayaan ko muna siya dun na harapin ang pagkain na inihanda ng yaya.

"Tss.. Ano to suhol? " sabay dampot ng donut. Oh'cmon Susi, nanenermon ka na suhol pero hawak mo na yung donut? Hahaha nakakatawa ka talaga.

Binato ko siya ng unan kung kayat natapon yung hawak niyang donut.

"Ayan! Nalaglag yung kinakain ko." Pag nguso nito. Parang inayaw ko. Haha parang bata mag react.

"Bahala ka nga haha" at dumapa na ako sa kama. Sa loob ng taon na ito parang ang laki ng mga pinagbago, ang daming nawala at nadagdag. Sooobrang dami din ng sakit at paghihirap.

"Asan si Tooth?" Tanung bigla ni Susi habang kumakain ng donut.

"Hey, its TA not Tooth." Correct ko sakaniya at napabalikwas ako ng upo. Ang sagwa kasi talagang banggitin ung Tooth e.

"TA? " buong pagtataka niyang isinubo ang donut at tinignan uli ako. Pag sa takaw mo talaga Susi...

"Pinaigsing Tooth Ache. Ang awkward kasing buuin e " oo ang awkward talaga promise.

"Oh eh nasan nga siya?" Ang kulit lang? Crush mo ata siya Susi.

"Uyyyyyy, hinahanap niya haha" pang aasar ko na kinuha ang donut sa plato at kinain. Nanlaki naman ang mata niya na kitang kita kong para siyang batang inagawan ng laruan.

"Nasa baba yun." Pag nguya ko sabay lunok. Kasabay nun ang malagkit na tingin ni Susi habang ninununok ko yung kinakain ko.

"Busy yun kaya wag mong guluhin. Isa pa, pinagalitan yun ng boss niya kaya wag kang magulo diyan." Kinuha ko ang orange juice na kasama ng donut at ininom ko iyon bago ko uli siya tignan.


"Bakit daw?" Biglang nagpuppy face tong babaita na ito? Affected masyado?

"Sabi niya dahil daw sa pagiging reckless daw niya. Dalawang beses na daw niya akong hindi naproprotektahan at nalalaman daw yun ng boss niya kaya ayun. Binigyan ata siya ng parusa pero di na niya sinabi kung ano yun" simula kahapon di na ako masyadong kinakausap ni TA parang umiiwas siya na magkausap kami at talagang bantay sarado lang din siya sa akin.


I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon