Chapter 26

122 8 0
                                    

~Narrator's POV~

Pinapalitan ng 3-D ang nasabing driver dahil sa ginawa nitong gulo sa bus, di naman pinatawan ng parusa si AC dahil alam ng mga ito na self-defense lang at ang unang nag amok ay ang driver.

At ang driver, ayun nakulong kasi gumamit siya ng ice pick para ipansaksak kay AC.

Ang bus lang ng 3-D ang nahuli sa byahe papuntang hotel dahil sa nangyari. Lahat ng kasama sa fieldtrip ay nalaman ang nangyari sakanila. Pero di naman nangamba ang mga ito, yung iba nag patay bata, nag kibit balikat na parang sanay na sila, napabanggit nalang ng " ok" tapos ang iba nagsi kainan na.

Wala naman masyadong nakakapag alala sa section na yun. Sabi ni Mr. Santiago.



Simula ng pumasok si AC sa section na D nagbago na ang section na yun. 1st year ito kasama si Thermo Meter, matalik na kaibigan ng binata. Kilala sila bilang pasaway at basag ulo na bata. Pero kadalasan tahimik lang si AC habang si Thermo ang nagpapatunay sa tawag sa kaniya, pasaway.



Simula ng mag 1st yr sila sa klase ng 1-D, naging worst section na din ito dahil nahawa na halos lahat ng students sa dalawa. Magulo, maingay, pasaway, hilig sa away at walang pinakikinggan. Nasa section din nila ang pinaka mayayaman na pamilya, kaya nga kahit ganyan ang klaseng hinahawakan nila araw araw hindi naman nila magawang patalsikin ito dahil halos kahalati ng tuition fee ng isang taon ay binabayadan na ng mga ito at kabilang sa mga board member ang mga pamilya nila, kung wala sila. Wala ang eskwelahan na ito.


Papunta na uli ang bus ng 3-D sa hotel kung saan sila mag aalmusal. Ang mga student sa loob ay halos nag tulugan na uli pagkatapos na pagkatapos matapos ang eksena ni AC at ang driver.

Kahit si AC ay tulog na din sa upuan niya.















"Guys! Giseeng! " sigaw ni Mr. Lemon sa lahat ng natutulog.

"Eeeehhhhh"

"Fvck!"

"Naku naman!"


"Sir! 5 minutes! "


Natatawa na lang ang teacher nila na si Mr. Lemon sa mga ugok at pasaway niyang mga estudyante. 10am na sila nakarating sa hotel kaya naman nahuli na din sila ng pag gala. Ang ibang section ay nag sipuntahan na sa mga gusto nilang puntahan sa baguio habang sila.


Tulog na tulog.



"Andito na ba tayo Sir?" Tanong ng kaniyang dating presidente. AC.


"Oo, kaya pasunudin mo na ang mga kaklase mo. Bago ko pa kayo mabambo isa isa" sigaw uli niya tapos bumaba na sa bus at aasikasuhin niya pa ang mga rooms nito.

Tatayo na sana si AC ng makitang nakasandal sa kaniya ang dalaga. Nakasandal ang ulo sa balikat niya habang nakaakbay siya dito.

Nagulat naman siya. Di niya alam kung paano nangyaring ganoon na ang posisyon nila. Masyado ata siyang bangag at antok na antok para hindi matandaan kung paano sila naging ganito ang posisyon.

Dahan dahan niyang ginising si Natasha dahil kailangan na din nilang bumaba at gigisingin pa niya ang ilan sa mga kaklase niya.

Niyugyog ni AC ang balikat ng dalaga at sa tatlong yugyog, nagising na din ito. Yun nga lang nagulat ito ng makita siya.


Lagi siyang nagtataka kung bakit palaging nagugulat ito sa twing makikita siya, napapaisip tuloy siya kung nakakatakot ba siya.





"3-D. Tara na andito na tayo. " nasa harap na siya ng mga ito habang ang mga ito ay tulog na tulog pa din, walang kamalay malay na andyan na sila. Ginamit niya ang lapel ng teacher niya upang mas klaro at malakas ang boses niya.

I Lost My Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon